"So, all she know you're married?" Trevor said incredulously as he sipped the beer can.
Naikuwento ni Demeter ang nangyaring hapunan sa dalawang kaibigan dahil na rin sa mga tanong ni Trevor sa kanya. Sumimsim siya sa beer can na hawak. Pinagitnaan siya ng dalawa habang nakaupo sa bar stool ng bar counter.
Pagkauwi nila ng ama kanina, bumaba lang siya upang gamitin ang kanyang kotse at dumiretso dito sa bar.
"Hanep din talaga ang gagong 'yun. Ang sarap tuluyan, e!" Utas ni Manolo, nilamukos nito ang wala ng lamang lata ng beer.
Humingi ito ng panibago sa kaharap nilang bartender.
"What's your plan now?" Trevor. "Hindi mo ba sasabihin sa kanya ang totoo?"
Demeter chuckled at what Trevor said. "What for?"
"Ay, gago! I thought you would take her back? Nabingi lang ba ako nang marinig 'yun, huh, Manolo?"
"Tss! Malamang nabingi rin ako kung nabingi ka."
Habang nakatukod ang isang siko ni Demeter na siyang may hawak na beer at pinukpok-pokpok sa kanyang sentido, pagilid niyang binalingan si Trevor. "If I take her back now, will she vanish her love for that bastard right away?"
"Then, you will just let her deepen her love for that bastard?" Balik tanong ni Manolo na ikinatahimik niya.
Nagtagis ang kanyang bagang. Hindi niya kayang saktan muli ang dalaga habang masaya 'to sa minamahal nito ngayon. Madali lang sanang bawiin 'to, ngunit hindi sa paraan na masasaktan niya 'to. Bibigyan lamang niya ng dahilan ito na mas kamuhian siya lalo kapag sapilitan niyang ginawa ang gusto niya.
"Do you regret why you did that, Demi?" Manolo again.
Regret? Maybe then, there was remorse in him for why he did that. It was then that the only thing on his mind was not to hurt the woman he loved. Ngunit sa tuwing naiisip niya na ang ginawa niya'y para sa pamilya niya't sa maging kinabukasan kasama ang babaeng minamahal ay napapalitan ang salitang 'pagsisisi' ng salitang 'nararapat lang ang kanyang ginawa'.
"No, 'coz I know I did the right thing." Whoever is in his situation will do the same. "For now, I’m happy to see the changes in her. I'm glad she's happy now," dugtong niya. Inubos niya ang huling laman ng beer at naghingi ulit sa bartender.
"You are happy but at the same time you are hurting. Uso ba talaga 'yang ganyan ngayon, Manolo?"
"Why? Is that how you feel too?"
"Tarantado! Bakit mo lagi ibinabalik sa akin!"
"Tarantado ka rin! E, bakit mo tinatanong sa akin?"
"Hi, babe!" Natigil sa pagsagutan ang dalawa nang may babaeng umupo sa katabing upuan ni Manolo.
"Huwag ka sa'kin doon ka sa kabila," diretsahang ani Manolo, saka itinuro ang puwesto ni Trevor.
Hindi pinansin ni Demeter ang mga katabi at nagpatuloy sa pag-inom ng kanyang beer. Kapag ganito na ang dalawang kaibigan, hindi na siya nakikisali dahil alam niyang mga walang kwentang bagay lang ang pinagtatalunan lagi ng mga 'to.
"Sorry, miss, you're not my type," Trevor answered quickly, shoo-ing the woman.
"Asshole! You're not my type either! Itong dalawa ang type ko, pero dito na lang ako sa katabi ko dahil mukhang wala sa mood si pogi, e," Pagturo ng babae kay Demeter at Manolo na binalewala lang din ng dalawa.
The good defense against flirtatious women is to ignore them, that's all.
The woman left the counter and returned to her friends embarrassed by the two men’s indifference.
BINABASA MO ANG
Beginning Of Their End
Lãng mạnMga bata pa lamang sila, gustong-gusto na ni Hestia ang kababatang si Kreios. But due to an unexpected event in Kreios' family, they had to leave the country. Hestia was left in the hands of her new friend and son of their hacienda staff, Craig. Ito...