Kabanata 4

166 20 5
                                    

"Oh, my God!" Hiyaw ni Hestia nang makitang tatawid na ang batang babae sa kalsada habang natatarantang hinabol ng yaya ito.

Mas lalong siyang kinabahan nang mapansin ang humaharurot na sasakyan papalapit sa kinaroroonan ng bata.

Nawala na sa isip ni Hestia ang maaaring kahinatnan ng gagawin niya. Ang tanging nasa utak niya'y mailigtas ang bata, maging ang yaya nito na papunta sa puwesto nito.  Tinakbo niya ang kinaroroonan ng mag-yaya habang takot ang nararamdaman sa papalapit na sasakyan.

"Hestia!"

"Senyorita!"

Dinig niyang pagtawag sa kanya ngunit binalewala niya iyon at buong bilis na tinakbo ang distansya ng dalawa.

"Selene!" Naabutan ng yaya ang bata na agad nayakap nito, ngunit ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata sa kotseng mabilis sa pagtakbo papunta sa kinaroroonan ng mga 'to.

Isang pagtulak ang naramdaman ng mag-yaya na naging sanhi ng pagtilapon ng mga ito sa gilid ng kalsada.

"Hestia!"

Nagawa ni Hestia na maitulak ang dalawa, ngunit napasinghap na siya nang ilang dipa na lang ang sasakyan sa kanya. Napapikit siya dahil huli na para makaiwas siya. Naramdaman na lamang niya ang pagtilapon ng kanyang katawan. Hindi dahil sa pagkabangga kundi dahil sa isang katawan na mahigpit na yumakap sa kanya, na ikinabagsak nila sa magaspang at mainit na sementong kalsada.

"Urghh! Damn it!" Impit na daing ng taong yumakap sa kanya at nagligtas.

Hindi siya makakilos at gulat pa rin dahil sa nangyari. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya, animo'y luluwa ang puso niya sa matinding kaba. Naghalo-halo ang matinding kaba, takot at sakit ng kanyang katawan. Nanatiling nakadikit ang mukha niya sa dibdib ng taong tumulong sa kanya. Hindi siya makagalaw.

Sa paraan ng pagtakip ng malaking palad at braso nito sa kanyang ulo, tila ba sinuguro nito na hindi tatama ang kanyang ulo sa semento.

"Oh, God! Hestia!" Boses ni Alec pagkalapit, umiiyak. Nakalapit na rin ang dalawang bodyguard niya.

"Senyorita, okay lang po ba kayo?"

Tinulungan siya ng mga 'to na maitayo, kaya naalis ang mga braso ng lalaki sa kanya.

"God! Ano ba kasing masamang espirito ang pumasok d'yan sa kokote mo, huh? Ang dami mong gasgas sa braso, oh." Nagagalit nitong sabi habang umiiyak. Maingat na pinagpagan siya nito at sinuri ang kanyang kabuuan. "Get her car, faster!" Sigaw na utos nito sa bodyguard niya.

Agad din naman tumalima ang isa at tumakbo sa nakaparada niyang kotse.

"Help him, please," aniya, tinutukoy ang lalaki na tumulong sa kanya.

Alam niyang nasaktan ito dahil sa pagdaing nito kanina. Sa kanilang dalawa, alam niyang mas napuruhan ito dahil sa pagsakop ng malaking katawan at pagyakap ng braso nito sa kanya.

"Mukhang may tumulong na sa kanya," sagot ni Alec na nakatingin sa kanyang likuran.

Napapangiwi niyang nilingon ang gawi nito. May nakaalalay na ngang dalawang lalaki rito habang naglalakad mga 'to palayo sa kanila. Nahirapan pa ang dalawang umalalay rito dahil mas matangkad at malaki ang pangangatawan nito. Naka-itim na semi-fitted shirt lang ito kaya bumakat ang magagandang porma ng muscles nito. Nakasuot din ito ng itim na baseball cap.

"Find the plate number of that fucking car!" Huling narinig ni Hestia mula sa maawtoridad at malamig nitong pag-utos sa kasama bago sumakay sa itim na SUV.

Ni hindi man lang siya nakapagpasalamat. Kahit mukha nito ay hindi niya nakita dahil sa mabilis na pangyayari.

Hindi napansin ni Hestia na marami na palang nanunuod at nakiusyuso sa nangyari sa kanila.

Beginning Of Their EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon