Hindi mapakali si Hestia sa kanyang kinauupuan, naiilang siya habang kaharap ang prenting nakaupo at walang emosyon na nakatingin sa kanyang si Kreios Demeter Cardenas. Nakasandig ito sa headrest ng puting sofa na kaharap ng sofa'ng inupuan niya habang nakahalukipkip at naka-dekuwatro.
She could feel the awkward atmosphere around them.
Dahlia told her to wait here in their white spacious living room as she returned to the kitchen to take care of the food she was cooking. Binalingan niya ang nanahimik na si Dorothy sa kanyang gilid. Kita niya ang inosenting palipat-lipat na tingin nito sa kanya at sa Tito nito.
"Why aren't you talking?" The child asked them with astonishment on its beautiful face.
Bakas pa sa mukha nito ang pamamantal hanggang sa leeg dahil sa allergic reaction sa nakain nitong nuts.
"How old are you, Dorothy?" Tanong niya rito upang pawiin ang kakaibang atmosperang namumuo sa kanilang paligid.
Bumusangot 'to. Nagmana nga talaga ito sa ina nito, hindi lang mukha.
"I want you to talk to my Tito Pogi, Tita Ganda."
"Ehem!" Dinig niya sa kaharap.
Sanay na siya sa mga bata dahil sa orphanage na meron siya. Alam din niya kung paano dalhin ang mga ito, ngunit dito sa batang kaharap niya ngayon, hindi niya mawari kung ano ang dapat gawin o sasabihin rito.
"Uh, e--"
"Alam ba 'to ng nobyo mo na dito ka pumunta?" Maya-maya'y tanong ng kaharap.
Napalunok si Hestia bago niya hinarap ito't sagutin.
She nodded, "Oo. Ate Dahlia talked to him and he agreed for me to come here."
"Good. Ayokong may bigla na namang manunugod at mananapak dahil baka hindi ko siya matantiya," anito, ipinagtaka niya.
May nangyari ba sa mga ito na hindi niya alam? Wala namang naikuwento si Craig na nagkita sila nito.
"Hestia hija!" Dinig niyang tawag sa kanya ng kilala niyang boses. Malumanay man iyon, ngunit batid niya ang maawtoridad doon.
She looked at it. Gayon na lamang ang pagtataka na gumuhit sa kanyang mukha nang makitang nakaupo ito sa isang wheel chair na tulak ng isang lalake. Noong huling kita niya rito, malakas pa ito.
Tumayo siya, "Tito Damian, ano po ang nangyari sa'yo?" Imbes na bumati, pagtanong agad ang kanyang nasabi.
Lumapit siya rito't hinalikan ito sa pisngi.
Pagak na tumawa ito. "Wala, e. Matanda na ang Tito Damian mo, kaya kung anu-anong sakit na ang dumapo sa akin," nakangiti nitong sabi.
Halata nga ang pagbagsak ng katawan nito. Gayunpaman, sa kabila ng kalagayan nito, hindi pa rin maipagkakaila ang kagandahang lalaki nito.
Hindi na siya nag-tanong pa tungkol sa kung ano ang sakit nito dahil base sa tono ng pananalita nito, mukhang ayaw nito pag-usapan iyon. Nirerespeto niya kung anuman ang dahilan nito.
The lunch ended with full of laughter and stories led by Dahlia. Lahat ata ng nangyari sa buhay nito'y naikuwento na nito, na ikinailing na lamang ng ama nito't kapatid. Hindi pa man niya nakakaharap ang asawa nito na isang Italyano, ngunit pakiramdam niya'y nakilala na niya dahil sa mga ikinukuwento nito patungkol rito. Hindi rin nagpahuli ang anak nito sa pagkukuwento ng kung anu-ano, kahit pa ang ibang sinasabi nito'y hindi maintindihan at kung saan-saan na napupunta, buong atensyon pa rin nila pinakinggan ito.
Dahlia took her to the backyard patio of the mansion. It was near the pool, where her daughter and brother were having fun swimming there. She immediately averted her eyes when she felt Kreios looking at their seat.
BINABASA MO ANG
Beginning Of Their End
RomansaMga bata pa lamang sila, gustong-gusto na ni Hestia ang kababatang si Kreios. But due to an unexpected event in Kreios' family, they had to leave the country. Hestia was left in the hands of her new friend and son of their hacienda staff, Craig. Ito...