Kabanata 27

132 15 6
                                    

Humupa man ang mga luha ni Hestia, ngunit hindi ang naramdamang sakit at galit sa lalaking yumayakap sa kanya ngayon.

Iyong dating pagkamuhi't galit niya rito noon, bumalik. Iyong dating pakiramdam na pinagmukha siyang tanga't pinaniwala sa mga salita nitong 'mahal na mahal siya' pero sa huli'y iniwan pa rin pala siya na walang paliwanag. Iyong pakiramdam na niloko siya dahil sa inakalang may pinakasalan itong iba. Lahat ng emosyon at matinding sakit ay bumalik sa kanya ngayon.

This. This is what she didn't want to happen so she chose not to ask about their past when it came back to Santa Barbara then.

"Ang sakit, Kreios. Ang sakit...sakit," she said weakly as she pound his chest while hugging her.

"I'm sorry. I'm sorry, Aya. I'm so sorry." Humigpit ang pagyakap nito sa kanya.

Sorry? Why just now? Will his sorry bring everything's back? Hindi sapat ang sorry lang sa pinagdaanan niya. Hindi iyon ang gusto niyang marinig!

"Why?" She gritted her teeth. "Why...whyyy?" hiyaw niya, nagpupumiglas ulit at itinutulak ito.

Why is she so weak?

Kumalas ito sa pagyakap sa kanya't tiningnan siya sa mga mata. Akmang papahiran nito ang kanyang mga luha nang iniwas niya ang mukha at bumaling sa gilid.

"Umupo ka muna," pag-aya nito't ipinatong muli ang suit jacket na nahulog niya kanina habang tumatakbo palabas. Iwinaksi niya ang kamay nito, maging ang jacket na ipinatong nito'y inalis niya. "Ay---" naputol ang sasabihin nito ng isang malakas na sampal ang iginawad niya sa pisngi nito, ikinabaling sa ibang direksyon.

Kulang pa iyon. Kulang na kulang pa kumpara sa ginawa nito. Hindi sasapat para maiparamdam niya kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon. Hindi ito umimik. Ni hindi nga ata ito nasaktan, e.

Nanginginig ang kamay niyang dinuro-duro ang dibdib nito. "Hindi mababawasan ng sorry mo lang ang sakit na pinaramdam mo sa akin." Tumulo muli ang kanyang mga luha. "Pinagsisisihan ko na nakilala pa kita," she added.

Tumiim ang bagang nito't sumilay ang galit sa mga mata. "Don't say that. Get mad at me. Hate me. That's fine with me but don't ever say in my face that you're sorry you met me." Aabutin sana nito ang kanyang kamay nang humakbang siya palayo rito.

"Don't you dare hold me again! You fooled me!"

"No. I didn't," umiling-iling nitong pagtanggi.

Kung maka-hindi, tila hindi siya ginago. How dare him!

"Nahiya naman ako sa siyam na taon na panggagago mo sa akin, Kreios." She laughed sarcastically and looked at him disgustingly.

Nakita niya sa mukha nito ang sakit na bumalatay. Why, Kreios? Why are you hurting? 

"I did it because I knew it was right, not only for myself but for yourself as well--" sinampal niya muli ito.

Ang lakas ng loob nitong sabihin iyon!Ibinuhos niya lahat ng galit rito. "You are bullshit! I didn't know that you're an asshole! A jerk!" pagmumura niya dito dahil sa sobrang galit. Nagtaas-baba ang paghinga ni Hestia dahil sa matinding emosyon. Naninikip ang kanyang dibdib ngunit hindi ininda iyon. "Is that what you know is right for me, huh? Is it right for you to break up with me just like that?" She immediately step backwards when he took a step towards her.

"Bakit? May maitutulong ka ba sa'kin nu'ng panahon na iyon kapag sinabi ko sa iyo lahat ang problema at pinagdaanan ko, huh Hestia? Sa tingin mo hindi ko alam na bumabagsak ka sa ibang subject mo noon para lang makauwi ka ng maaga at makatawag sa akin? Dahil sa akin, Hestia!" Pagturo nito sa sarili. "Dahil sa akin ay masisira ko pa ang pag-aaral mo. Hindi ko nagustuhan iyon dahil hindi naman dapat ganoon ang hatid ko sa'yo. Hindi ko kaya na pati ikaw ay po-problemahin ko pa. Ayaw ko na pati pag-aaral mo ay madamay at maapektuhan dahil lang sa relasyon natin. If you think I’m a coward, then I’ll admit it!" sigaw nito sa kanya na ikinatahimik niya. "I would rather be a coward than be selfish.

Beginning Of Their EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon