Kababalik lang nina Hestia at Alec sa bahay mula sa pag-jo-jogging sa park ng subdivision. Agad sila umakyat at pumasok sa kani-kanilang silid upang maligo at makapagbihis.
Inisa-isang tiningnan at hinawi ni Hestia ang maayos at naka-color coded na mga naka-hanger na bestida, ngunit kahit isa roon, wala siyang mapili. Hindi niya feel ang magsuot ng bestida lalo pa't meet-up meeting lang naman ang gagawin niya ngayon. Napadako uli ang tingin niya sa mga tank top. Hinawi niya mga 'yun at napatigil sa black crisscross halter top. Kinuha niya 'yun, kapares ang napiling black wide leg pants. Agad niyang sinuot ang mga napili't tiningnan ang sarili sa salamin.
She grinned. "Not bad," aniya sa sarili.
Kita ang gitna ng dibdib niya dahil sa butas na estelo sa gitna nu'n, ngunit hindi naman malaswa tingnan.
Nang matapos si Hestia, agad siyang lumabas ng kanyang silid. Pagkababa, naabutan niya si Astraea na abala sa cellphone nito. Nakabihis na rin 'to.
"Good morning!" Bati niya, ikinalingon nito.
"Good morning, ate! I like your outfit thou," pag-puna nito sa kanyang suot, tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"Thanks!" Umupo siya sa pang-isahang sofa, kaharap ng inuupuan nito.
"Bukas na ang monthsary ninyo ni Craig, uh? What's his plan? Will he come home later or tomorrow?" anito, ibinalik ang paningin sa cellphone.
She shrugged. If she is here in Manila, Craig is in Tokyo, Japan with her father for the International Trade Conference to be held there for five days. It was only their second day there, kaya malabong makakauwi ito. She didn't even ask when she talked to it last night on the phone if what his plan with them for tomorrow. Sa ngayon, may mga mahalagang bagay silang inaasikaso, kaya malamang hanggang tawag lang muna sila.
"C'mon, let's eat breakfast so you won't be late for your class," pag-aya niya't nauna ng tumayo. "Alec!" Pasigaw niyang tawag sa kaibigan. Tumingala siya sa ikalawang palapag.
Kanina pa 'to pero magpahanggang ngayon, hindi pa rin bumababa. Tiningnan ni Hestia ang relong pambisig, alas-otso na ng umaga at alas-nuebe y media naman ang meeting nila with her Ninang Iza and the models.
"Mababasag na 'yang salamin sa tagal mo kakasuri d'yan sa sarili mo! Wala rin naman magbabago! Alec, ano ba!"
"Aist! Eto na nga, oh!" Balik sigaw nito, dumungaw mula sa ikalawang palapag.
"Mag i-screening ka rin bang commercial model at napakatagal mong mag-ayos, huh?" She followed it with her gaze as she went down the stairs.
"Geezzz! Para kang Mama ko, galit kapag hindi agad nakababa," reklamo nito habang bumababa ng hagdan.
Hestia just shook her head and walked ahead. She walked past their dining area with food ready on the table and went straight to their kitchen. Naabutan niya si Manang Tesa, ang dating yaya ni Astraea na siyang mayordoma na nila ngayon sa bahay nila dito sa Alabang. May dalawang kasama pa ito, na katulong nito dito. Lahat ng mga ito'y tulad din nila na taga-Santa Barbara.
"Kumain na kayo, hija," saad nito, binalingan siya.
"Opo, Manang. Kayo po?"
"Naku, kanina pa kami tapos."
She opened the pantry and her eyes searched for something. Now that she is not in their hacienda, she is free to eat what she wants to eat without anyone forbidding her. Sa likod ng kanyang utak, napapahalakhak na lamang si Hestia sa kasiyahan. Nang makita ang hinahanap, mabilis niyang inabot 'yun at binuksan.
"Tsk! Tsk! Tsk! Ikaw pala ang tirador ng mga ferrero dito, uh?" Gulat na napalingon si Hestia sa kanyang likuran.
"Don't stop me, will you?" Mataray, aniya.
BINABASA MO ANG
Beginning Of Their End
RomanceMga bata pa lamang sila, gustong-gusto na ni Hestia ang kababatang si Kreios. But due to an unexpected event in Kreios' family, they had to leave the country. Hestia was left in the hands of her new friend and son of their hacienda staff, Craig. Ito...