"Ate Milda!" Tawag ni Hestia sa isang kasambahay habang pababa siya sa kanilang hagdan. "Ate Milda!"
"Senyorita, bakit po? Magandang umaga po," salubong nito sa kanya.
"Nakita niyo po ba 'yung puting tsinelas na ginamit ko kahapon?" Wala kasi sa kanyang silid kung saan itinabi niya iyon sa kanyang walk-in-closet.
"Ay, pasensiya po, Senyorita. Nakalimutan kong ibalik sa silid mo kagabi. Pinahugasan kasi iyon sa akin ni Manang Tesa at isinandig ko muna sa laundry area."
Tila nakahinga ng maluwag si Hestia sa sinabi nito. Plano niya kasi ibalik iyon.
"Ayos lang po. Pakibalik na lang po mamaya sa silid ko. Salamat po," nakangiti aniya, saka nagpatuloy sa pagbaba.
"Uhm, Senyorita?" Tawag nito na ikinatigil niya't hinarap 'to.
"Ano 'yun, Ate Milda?"
"Uhm...ano po kasi.." Nangunot ang noo niya sa pag-aalinlangan nito sa sasabihin.
"Ate Milda.."
"Kasi po, Senyorita, may nagpadala po sa inyo ng bulaklak. Kaya lang, sinabihan po kasi kami ni Sir Craig kagabi bago siya umalis, na kung mayroon man magpadala ng bulaklak sa inyo dito o ng kahit na ano na hindi galing sa kanya ay huwag raw po namin tanggapin," pagsusumbong nito. "Sinabi ko po ito sa inyo dahil pakiramdam ko'y karapatan niyong malaman iyon," nakadungo nitong dugtong.
Ramdam niya ang kaba sa tono ng boses nito habang sinasabi iyon.
Napabuntong hininga na lamang si Hestia sa sinabi nito. "Salamat sa pagsabi sa akin ng totoo, Ate Milda."
"Walang anuman po, Senyorita. Sige po, babalik na po ako sa trabaho ko," saka siya nito tinalikuran at lumabas ng bahay.
Simula ng gabing iyon na sinabi niya rito ang patungkol sa nangyaring pagkikita nila ni Kreios at doon sa isyu na kumakalat, naramdaman niya ang unti-unting pagbabago nito. Nitong mga nakaraang araw, naging mainitin ang ulo nito't maya't maya siya tinatawagan at tinatanong kung nasaan siya't ano ang ginagawa niya't sino ang kasama niya. Binalewala niya iyon dahil alam niyang ganito lang 'to sa kanya, ngunit napagtanto niya na sumusobra na ito at mas lumala pa.
Habang nag-aagahan, tahimik lamang si Hestia kumakain at nakatuon ang buong atensyon sa kanyang pagkain. Hindi siya nakikisali sa usapan nina Alec at Astraea.
"Excuse me po, Senyorita Astraea," bungad ni Ate Milda rito.
"Yes?"
"Nandiyan po si Sir Miguel, Senyorita."
"Oh, right!" anito, saka agad tumayo at uminom sa juice nito. "Pasok na ako, Ate. Bye, Ate Alec!" Nagmamadali na itong lumabas ng dining area.
"Pansin ko ang madalas na pagsundo ng Miguel na 'yun sa kapatid mo, uh? Nobyo na ba niya iyon?"
She shrugged. "She said nothing about the status of their relationship with that young man." Dahil nu'ng tinanong niya ulit ang kapatid kung ito na ba at ng Miguel Dela Fuente na 'yun, tanging saad lang nito'y 'he is just my best friend, ate'.
"Well, good for her if that young man would be her boyfriend. Mukhang galing naman sa mayamang angkan," ngumunguyang saad sa kanya ni Alec.
"For me, it doesn’t matter the status of their lives whoever my sisters will love, Alec. But for now, Astraea is still studying so it would be better for her not to enter into such a relationship first," sagot niya rito habang sumusubo.
Alec chuckled. "Why? She's in her last year of college, uh? You were then, still in high school when you had a boyfriend, e?"
Ibinaba niya ang hawak na kubyertos at tumingin rito. Nakangisi habang napapailing siya nitong tiningnan habang sumisimsim sa juice nito.
BINABASA MO ANG
Beginning Of Their End
RomansaMga bata pa lamang sila, gustong-gusto na ni Hestia ang kababatang si Kreios. But due to an unexpected event in Kreios' family, they had to leave the country. Hestia was left in the hands of her new friend and son of their hacienda staff, Craig. Ito...