Kabanata 7

133 12 21
                                    

"I told you, Alec, don't let her drink a lot because she has a low tolerance of alcohol. She is not like you that even if you swallow all the alcohol on the table it just doesn't matter to you," naiinis na sabi ni Craig sa babae habang maingat na ipinasok sa sasakyan nito ang nobya.

Inayos niya ang pagkakaupo nito, maging ang nahawing maiksing damit.

Hestia is a temptation, but he had to control himself.

"I told her about that, Craig. Pero kilala mo naman 'yan. Iisipin pa ang mararamdaman ng ibang tao kaysa ang sarili niya," sagot ni Alec na nakasunod sa kanyang likuran.

"Still, Alec. I don't want this to happen again."

"Hmm!" Daing ng nobya.

Wala sa sariling ikinawit nito ang braso sa kanyang leeg, na muntikan na niyang ikinasubsob rito. 

"Shit!" Daing niyang mura dahil ilang pulgada lamang ang layo ng mukha ng dalaga sa kanya. "Love, please behave, hmm?" Hinaplos niya ang makinis na mukha nito, saka inilayo ang sarili matapos maikabit ang seatbelt at maayos ang puwesto.

Isinirado niya iyon at hinarap muli si Alec.

"Drive her car, Alec." Binalingan niya si Astraea na tahimik lang at nakaupo sa hood ng kotse ng kapatid. "Dito ka na sumakay sa kotse ko, Astraea."

"H-Huh? No need. I'll just ride with Ate Alec."

"I insist, Astraea. Alec drank a lot and I also don't want your sister to be angry with me when she finds out that I just left you with Alec."

"Wow, Craig! Para mo naman sinabi na hahayaan kong may mangyari diyan," turo nito kay Astraea. "Kung may mangyari man d'yan, malamang damay ako at ayaw kong masira ang beauty ko, duh! Utak mo, Craig," pag-irap nito.

"Whatever you say, Alec. Get in the car, Astraea!" Pag-utos niya rito.

Hindi naman na umangal 'to at sumakay na lang sa kanyang sasakyan.

"You go first. I'll follow you." Hinintay niya 'tong makasakay sa kotse ng nobya.

Nagsisakay na rin ang dalawang bodyguard na kasama ng mga 'to sa dalang sasakyan at naunang lumarga. Sumunod si Alec, saka din siya sumunod.

Pagkagising ni Hestia kinaumagahan, ramdam niya ang pananakit ng kanyang ulo. And she hates it when the hangover kicks in her day.

Napansin niya ang tatlong tangkay ng pulang rosas sa paanan ng kanyang kama na nakapatong. Agad sumilay ang ngiti sa labi ni Hestia dahil kilala niya kung kanino galing iyon. Pakiramdam niya nawala ang sakit ng kanyang ulo dahil sa ginawa nito. Inabot niya ang bulaklak, saka inamoy.

Napukaw ang atensyon niya nang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa bedside table. Mas lalo siyang napangiti nang makita kung sino ang tumatawag.

"Good morning, love! How's your sleep? Does your head hurt? I'm on my way there," anito, mababakas ang pag-aalala.

Simula ng magkakilala sila noon at maging magkaibigan, nagsimula rin ang pagiging protective nito.

Ito ang pumalit sa lalaking iyon nang umalis ng bansa, lalo na nang tuluyan nitong pinutol ang komunikasyon nila.

"Good morning, Craig. A bit but don't worry I'll take medicine now. By the way, thanks for the flowers. I loved it, Craig," nakangiti, aniya habang inamoy ulit ang mga 'to.

"Flowers? Dala ko pa lang ngayon ang kinuha kong bulaklak galing sa garden ni Nanay."

Kumunot ang noo ni Hestia sa sinagot nito at napatitig sa bulaklak niyang hawak.

Beginning Of Their EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon