Kabanata 29

151 11 10
                                    

"Senyorita!" pagtawag ng kasamabahay kay Hestia habang kumakatok sa pinto ng kanyang silid.

"Come in!" Malakas niyang sigaw, saka isinirado ang isang kalakihang kahon na naglalaman ng mga iba't ibang bagay na ibinigay sa kanya ni Kreios noon. Magmula sa mga sulat nito, mga alahas na niregalo sa tuwing kaarawan niya't pasko, bulaklak na natuyo na at maging iyong photo album na huli nitong ibinigay ay maayos niyang isinalansan pabalik.

"What is it?" Tanong niya nang sumilip ito sa walk-in-closet kung saan naroon siya't nakaupo sa tufted white sofa bench.

"Nasa baba na po si Sir Craig, Senyorita."

"Pakisabi na bababa na ako. Salamat."

"Walang anuman, Senyorita. Sige po," saka umalis ito.

Tuesday, today they will pick up her parents at the airport. She stood up and fixed herself one last time. They should not be late in picking up her parents. Isang buwan nanatili sa Florida ang kanyang ina habang sumunod naman doon ang kanyang ama matapos ang business trip nito sa China.

After she got down, Hestia found Craig talking on his cellphone, near the door of their patio. Nakatayo ito't nakatalikod mula sa kanya.

"How is she? Is she eating properly? Please, keep an eye on her and tell me if she does anything forbidden to her." Dinig niyang sabi nito sa kung sinuman ang kausap. Masyadong nakatuon ang atensyon nito sa kausap kung kaya't hindi nito namalayan ang kanyang paglapit. "Okay, okay. Good--" naputol ang pagsasalita nito nang sa paglingon, siya ang nakita. "I'll call again later. Bye!"

"Is that Cristal?" pagtukoy niya sa kausap nito.

"U-Uh?" natutuliro anito.

"The one you talked to on the phone."

"Uh, y-yeah."

"Why? Did something happen to your mother?" 'She' ang ginamit nitong pantukoy na pantangi kanina habang nagtatanong sa kausap, kaya malamang ang ina nito ang tinutukoy.

"S-She's fine. Tumaas lang ang dugo niya pero okay naman na."

Tumango siya. "So, let's go?"

"Okay," saka sila naglakad palabas ng bahay.

She felt his cold hand gripping her right hand. Inalalayan siya't pinagbuksan ng pinto ng passenger seat nito. Nagpasalamat siya bago nito isinara ang pinto, saka patakbong tinungo ang driver seat.

Tahimik lamang si Hestia habang nagbibiyahe. Nasa labas ng bintana ang buo niyang atensyon, nakatanaw.

"What's the matter, love? Napapansin ko nitong nakalipas na mga araw ang tamlay mo? Masama pa ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Tell me?" Sunod-sunod nitong tanong, nag-aalala

Binalingan niya ito't pinakatitigan ng mariin. Napapatingin ito sa kanya, ngunit hindi rin nagtatagal dahil kailangan nito ibalik ang atensyon sa pagmamaneho. Naramdaman niya muli ang paghawak ng isang kamay nito sa kanyang kamay na nakapatong sa kanyang hita.  

"Okay lang ako, Craig. Huwag kang mag-aalala." Lately, she has used those sentences several times just to deny how she feels.

It's been more than a week since that conversation happened with Kreios and he took her to the hospital. Inalagaan man siya ni Craig, ngunit lingid sa kaalaman nito ang nangyaring usapan sa pagitan nila ng dating nobyo. Ang tanging alam lang nito'y si Kreios ang nagdala sa kanya sa ospital.

Ang akala niya'y magiging maayos na siya kapag narinig mula mismo sa bibig ng binata ang mga dahilan nito, ngunit mas lalo lang pala magugulo ang kanyang isip at sistema. Pakiwari niya'y may kulang o hindi pa sinasabi ito. Hindi niya alam pero habang sinasabi sa kanya nito ang mga rason nang gabing iyon, ramdam niya't kita niya sa mga mata nito kung gaano kasakit para rito ang nangyari sa kanila. Dahil para sa kanya, kung iniwan man siya nito dahil sa responsibilidad nito sa pamilya at ayaw siya nitong madamay, bakit nasasaktan ito ng ganun? Diba dapat ay masaya ito dahil sa kapalit ng sakrepisyo nito'y heto silang dalawa't malayo ang narating sa isa't isa?

Beginning Of Their EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon