Hindi pa rin makapaniwala si Alec sa nakita at narinig na tagpo kanina ng kaibigan at sa lalaking unti-unting nagkakaroon ng puwang sa puso niya. Alam niyang napakalaki niyang tanga para magkagusto sa isang lalaki na hindi pa niya nakikilala. What can she do if that’s how she feels?
Sa mga narinig niya kanina, hindi siya tanga sa bagay na 'yun para hindi mapagtanto ang relasyon ng dalawa sa isa't isa. Hindi man siya magtanong, alam na niya ang sagot.
"Huwag ka na du'n sa boss ko. Akin ka na lang! Masasaktan ka lang sa kanya. May minamahal na 'yun at baliw 'yun!"
"Hindi ang tulad mo ang tipo niya, babe, kahit pa maghubad ka sa harapan niya."
Alec remembered what the bastard had said before. Is it Hestia? Is that man referring to her friend, who is loved by his boss?
"Darn it!" Mura niya, saka nilagok ang natirang margarita sa kanyang baso. "Give me another glass!" Utos niya sa bartender na nasa kanyang harapan, naghahalo ng alak.
"Kaya niyo pa ba, ma'am? Naka-anim na baso na po kasi kayo," tugon nito, imbes na bigyan na lamang siya.
What does he care? Kapag sinabi niyang isa pa, isa pa! Kaya niya ang kanyang sarili! Damn him!
"Give me another one coz if not, I will talk to your manager and ipatatanggal kita dito? You choose?" Agad naman siyang binigyan nito pagkasabi niyang 'yun.
Bibigyan din pala siya kung anu-ano pa ang sinasabi. Uminom muli siya.
Why is she hurt at the knowledge her friend is loved by the man she likes? Of all the women in the world, why Hestia?
Naputol sa malalim na pag-iisip si Alec nang makarinig sila ng pagkabasag at tilian mula sa mga nagsasayawan sa dance floor. Hindi pa siya lasing pero alam niyang sumisipa na sa katawan niya ang nainom na alak. Pinaningkit niya ang mga mata habang pilit tinitingnan ang nangyayari sa kanyang paligid. Hindi niya makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga tao dahil napapalibutan ng mga ito 'yun.
"Tarantado!" Isang malakas na sigaw ang sumabay sa malakas na tugtog, kasabay din niyon ang pagbagsak ng isang katawan mula sa ikalawang palapag ng bar.
Nanlaki ang mga mata ni Alec at napatayo sa kinauupuan. "What is happening?" Baling niya sa bartender na nakiusyuso na rin.
Mas lalong umingay ang mga tao nang mula sa ikalawang palapag, tumalon ang isang lalaki roon.
"Mukhang may kumalaban ata kay boss Demeter, ma'am."
"Demeter?" Nagtataka, aniya.
Sunod-sunod ang narinig nilang pagkabasag at pagkabagsak ng anuman.
"Siya po ang may-ari nitong bar, ma'am. Iyon po bang kinausap niyo noong nakaraang Biyernes!" Nanlaki lalo ang kanyang mga mata at umawang ang bibig sa nalaman.
She thought he was also a customer here. Why even pay if it’s the owner? But, wait, Demeter? From what she heard from Hestia earlier, she called him 'Kaye'?
"Oh my God!" Alec was shocked when the man's body almost hit her from where she was standing. Mabuti na lamang at biglang may humawak sa damit ng lalaki mula sa likuran.
Pagtingin niya, mukha ng lalaki na kanina pa gumugulo sa utak niya ang siyang nakahawak pala sa lalaking muntikan ng tumilapon sa kanya.
Nakita ni Alec na palihim na nilabas ng lalaki ang balisong nito. "Umilag ka!" Hiyaw niya kay Demeter, na napansin din pala ng huli kung kaya't nabitawan nito ang lalaki kasabay ng pag-ilag nito nang iwasiwas ang balisong.
Susugurin na sana ulit ni Demeter ang lalaki nang hinila nito si Alec at inundayan ng balisong sa leeg. Napasinghap ang mga tao sa paligid.
"S-Sige!" Umaatras 'to. "Subukan mong lumapit at gigilitan ko ng leeg ang babaeng 'to!" Humawi ang mga tao sa likuran nito.
BINABASA MO ANG
Beginning Of Their End
RomanceMga bata pa lamang sila, gustong-gusto na ni Hestia ang kababatang si Kreios. But due to an unexpected event in Kreios' family, they had to leave the country. Hestia was left in the hands of her new friend and son of their hacienda staff, Craig. Ito...