Simula

592 23 0
                                    

Year 2002...

Hindi alintana ng sampung taong gulang ng batang babae ang madilim na bahagi na kinauupuan niya. Hindi siya natatakot at wala rin siyang pakialam kung may makarinig o makakita man sa kanya na umiiyak.

Nasasaktan siya sa kadahilanan na may isang tao na pinakamahalaga sa kanya ang ngayo'y plano pala siyang iwan. Mas lalo siyang napaiyak at napahagulgol.

"Pssst!" Sitsit sa kanya ng sinuman. Tumigil siya sa pag-iyak at pinahiran ang mukha na hilam sa mga luha. "Pssst!" Dinig niyang muli.

"Who's that?" aniya, inaaninag ang kadiliman ng paligid.

Nasa likod ng bahagi siya ng kanilang mansyon na malapit sa kwadra, nagtatago.

"Psst! Bata!"

"I said, who are you?" Unti-unti, nakaramdam siya ng kaba.

Tumayo siya at pinagpagan ang kulay pink na dress. Akmang lalabas na siya sa kanyang pinagtataguan nang may biglang sumulpot sa kanyang harapan.

"Waaaa!" Pananakot ng isang binatilyo na may hawak na flashlight na inilagay sa baba nito ang bandang may ilaw.

"Uhhhhh! Mama!" Umiiyak niyang sigaw dahil sa sobrang takot at pagkagulat. "Uhhh!"

"Hoy, tama na!"

"Uhhh! Mama! Papa!" Patuloy niyang sigaw habang nakapikit.

"Aist! Kung makasigaw akala mo nilunok na ang buong megaphone!" Aalis na sana ang binatilyo nang biglang tumigil naman sa pagsigaw ang batang babae.

"Who are you?" Pilit pinapahid ng paulit-ulit ng batang babae ang mga luha gamit ang dalawang kamay.

"Ako?" turo nito sa sarili.

"Why? Is there anyone else with you that I don't see?" Agad lumapit ang batang babae rito at mariin na kumapit sa braso nito.

"Asus! Matakutin naman pala pero ang lakas ng loob magtago rito at umiyak. Ako si Craig. Ikaw ba si Senyorita Hestia?"

Tumingala si Hestia rito na may pagtataka kung bakit kilala siya nito. Medyo mataas ng kaunti ito sa kanya at mukhang mas matanda ng ilang taon.

"Isa sa mga tauhan dito sa hacienda niyo ang Tatay ko, Senyorita. At sa mga naririnig kong kwento patungkol sa mga katangian ng anak nina Senyor Ismael at Senyora Athena, malamang ikaw si Hestia," paliwanag ng binatilyo sa nagtatakang mukha niya.

Nakabusangot na binitawan ni Hestia ang braso nito. Bakit ganun? Hindi pa man siya nakakapagpakilala ay nakikilala na agad siya ng mga tao.

"Sa pagkakaalam ko ay nasa loob ng mansyon ang pagtitipon at salu-salo para sa kaarawan ni iyong ina. Bakit nandito ka't umiiyak? Akala ko may tiyanak na."

Pinalo ni Hestia ang binatilyo sa braso. Nakita na ngang umiiyak siya at nasasaktan, nakuha pa siya nitong biruin.

"Aist! Mapanakit kang bata ka. Tama na, oy!" Saway nito sa kanya pero hindi naman umiilag.

"I hate you! I hate you! I hate you!" Nanggigigil niyang bulyaw rito at napaiyak ulit.

"Oo, sige na. You hate me gets ko na 'yun. Matik na ,pero kailangan mo ng bumalik doon sa loob ng mansyon niyo dahil baka hinahanap ka na ng mga magulang mo. Delikado pa naman dito sa labas."

"No! I don't want. I hate him!"

He did not tell me. Ani sa bahaging utak ng batang si Hestia.

Nasaktan na naman siya nang maalala ang narinig na pag-uusap ng kanyang mga magulang at magulang ng matalik na kaibigan. Kung hindi pa niya narinig sa mga magulang nila, wala man lang siyang ideya na nagpaplano na pa lang umalis ng bansa ang mga 'to.

And she hated it for hiding that thing from her! They are friends. It should tell her that important thing so that she can prepare herself by the time they leave.

"Bata ka pa nga. Kung sinuman ang kinamumuhian mo, mas magandang mag-usap kayo. Magtanong ka kung bakit at ano nang sa ganun maliwanagan ka. Ang bata bata mo pa pero kung makaiyak at makamuhi ka diyan akala mo iniwanan ka ng kasintahan."

Buhat sa sinabi ng kaharap, mas lalong pumalahaw sa pag-iyak si Hestia.

"Why so insensitive?"

"And why so dramatic, bata?"

"I'm not bata. I'm Hestia."

"Hestia nga. Batang Hestia," natatawa, anito.

"I will report you to my husband!" Galit niyang bulyaw rito na ikinalaki ng mga mata ng binatilyo.

"Eh? Abat kay bata bata pa ay alam na ang pag-aasawa. Huwag masyadong malandi, ining, huh?"

"I'm not malandi!" Hinampas niya ito sa dibdib. "I am telling the truth. He said, I will be his wife. He will marry me at the right time."

And that is what Hestia thought.

What she had thought then suddenly disappeared as the years passed.

Beginning Of Their EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon