Demeter held his father's hand while he was still unconsciously lying on the hospital bed. May mga aparatong nakakabit sa katawan nito. Katatapos lang ng matagumpay na operasyon sa puso nito. Dumaan na dati sa isang bypass surgery ang kanyang ama, kaya ang nangyaring operasyon kaninang madaling araw ay pangalawa na nito. Nagkaroon ng pagbabara sa idinugtong na blood vessels sa ugat nito, na naging dahilan kaya inatake muli ito.
Hindi lang dahil sa pagpapagamot ng kanilang ina sa sakit na ovarian cancer kung bakit sila umalis ng Santa Barbara at lumipad pa Amerika noon. Isa sa dahilan nila'y ang pagpapa-opera din ng kanilang ama sa puso. Lingid sa kaalaman ng mga nakakakilala sa kanila ang sakit sa puso ng kanyang ama. Itinago nito iyon upang hindi malaman ng mga kasosyo nito sa negosyo.
Sa nakaraang mga taon, dumaan ang pamilya nila sa maraming pagsubok. Sinubok ang katatagan nila nang mamatay ang kanyang ina at bumagsak ang negosyo ng kanyang ama. Masakit isipin na ang dating pamilyang masaya at buo na kinalakihan niya'y unti-unting nalalagas at nababalot ng kalungkutan.
Nang malaman ni Demeter ang nangyari sa kanyang ama kagabi, hindi niya malaman ang kakaibang takot na bumalot sa kanyang puso. Tila bumalik ang naramdaman niya nang mawala sa kanila ang kanyang ina. Hindi niya alam kung saan pa siya kukuha ng lakas oras na mawala sa kanila ng kapatid niya ang kanilang ama.
Lahat ng mahal niya'y unti-unti ng nawawala sa kanya.
"Dad.." sambit niya, hinalikan ang kamay nito.
Malapit man siya sa kanyang ina, ngunit hindi maitatanggi ang malaking naitulong ng kanyang ama sa kanyang pagkatao, lalo na nang mawala ang kanyang ina. Sa kung paano siya hinubog, hinulma at pinatatag ng mga kaalaman nito't paniniwala.
"Good morning, Sir Manolo." Dinig niyang bati ni Neil, ang private nurse ng kanyang ama na siyang kasama niya dito.
Hindi niya nilingon ang mga ito't nanatili ang buong atensyon sa ama.
"Have you eaten breakfast yet? Please put it there."
"Tapos na po ako, sir. Si Sir Demeter na lang po ang hindi pa," tugon ni Neil rito, saka inilagay ang prutas na dala ni Manolo.
"Hey." Pagtapik ni Manolo sa kanyang balikat. "How's Tito Damian?"
"Still not waking up." Ang sabi ng doctor sa kanya kaninang madaling araw matapos ang operasyon nito'y aabutin ng ilang oras bago magising ang kanyang ama dahil sa epekto ng anesthesia rito.
"I will take care of Tito Damian now. Go home first so you can rest, you haven't slept yet," prisenta nito.
Dahil sa pag-alala, buong magdamag na binantayan niya ang ama kahit pa kasama niya ang private nurse nito. Gustuhin man niyang umidlip, ngunit hindi maalis ang pag-alala sa isip niya na baka kapag nakatulog siya'y may mangyaring na namang masama rito.
"C'mon, dude. Give yourself a break. You also need to rest. I won’t leave Tito here if that’s what you’re worried about. I will watch over him until he wakes up and I will tell you right away. Go!" Pagtapik nito muli sa kanyang balikat.
Bago umalis ni Demeter at iwan ang pangangalaga ng kanyang ama sa kaibigan at kay Neil, hinabilin niya sa mga 'to ang dapat gawin kapag nagising na ang ama.
"Trev, pick up Dahlia and my niece at the airport at five o'clock," kausap niya rito sa kabilang linya habang nagmamaneho. "Take them to our family house in Dasmarinas Village."
Matagal ng walang nakatira sa bahay nilang iyon. Isa ang bahay na iyon sa mga naisangla nila noon nang mabaon sila sa utang dahil sa pagkakabagsak ng mga negosyo.
Tinawagan niya ang kapatid kagabi at sinabi ang nangyari sa kanilang ama. Nagalit ito at nasisi pa siya pero kalaunan ay humingi rin ng tawad dahil sa mga pinagsasabi nito. Naintindihan niya ito dahil gaya niya'y nag-aalala lang din ito sa kalagayan ng kanilang ama.
BINABASA MO ANG
Beginning Of Their End
RomanceMga bata pa lamang sila, gustong-gusto na ni Hestia ang kababatang si Kreios. But due to an unexpected event in Kreios' family, they had to leave the country. Hestia was left in the hands of her new friend and son of their hacienda staff, Craig. Ito...