[Ashley P.O.V]
"Hi." Napatingin sa akin si Franchesca at Stacy.
"Anong meron at ganyan ang itsura mo?" Gulat na tanong sa akin ni Stacy.
"Eye bags oh!" Natatawang turo sa akin ni Franchesca.
"Aalis na ko." Sabi ko at nagtaasan ng kilay ang dalawa.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Franchesca.
"Magreresign na ko." Sagot ko at biglang humalagpak ng tawa si Stacy.
"Para kang baliw" Kunot noong sabi ni Franchesca.
"Again? Sorry , di ko lang kinaya." Sabi nya at tinignan ako.
"Himala ata, ikaw magreresign? As in, hindi ka pinapaalis ni Sir ah." Puna nya at tumango ako.
"Yeah. Sige na. Pasok na ko sa loob" Sabi ko at nagkibit balikat lang sila.
Pagpasok ko ng office nakahinga ko ng nakitang wala pa sya.
Dumiretso na ko sa cubicle ko at tumingin sa orasan.
9:45 na pala. Wala pa rin si Eugene.
"Aish!" Napa-sabunot na lang ako sa buhok ko ng naalala ko yung nangyari kahapon.
Mas lalo akong naiyak ng naramdaman kong niyakap nya ko.
I think, Im falling again. Pero, nakakatakot na.
"Spill it" Napapikit ako ng iniharap nya ako sa kanya at niyakap ko sya.
I feel safe nung magkayakap kami. Parang hindi ako masasaktan.
I can't. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang dahilan. Hindi nya pwedeng malaman. I know, magagalit sya sa akin. And worst. Baka kamuhian nya pa ako.
Nakaganun lang kami ng mga siguro 15 minutes. Until I felt his lips kiss my forehead. Kaya bumitaw na ko sa yakap sa kanya at tumingala ako para tignan ko sya.
"Are you okey now?" tanong nya at tumango ako.
"Yes. Thank you Eugene for the comfort" I said.
"You look so cute when you are crying." Biglang tumaas ang kilay ko at itinulak ko sya.
"What?"
"Namumula ang pisngi mo kapag umiiyak ka." Ngiti nyang sabi at agad akong humarap sa salamin at tinignan ang mukha ko.
"Nagmumukha ka tuloy na siopao." Bigla kong inimagine ang sinabi nya.
"Hahahaha. Don't try to imagine it Ashley" Sabi nya at uminit ang ulo ko habang sya tawa ng tawa.
Nagmumukha ba talaga kong siopao?
"I hate you!" Sambit ko sa kanya at tumigil sya sa pagtawa at tinignan ako.
Lumapit sya. And he look at my eyes, the reason why I closed my eyes, until I feel his lips above mine.
"Do you still hate me?" Tanong nya at nakatulala lang ako sa kanya.
"Siopao" He whispered. And again he laugh. laugh badly.
"Are you okey?" Nabalik ako sa ulirat ko ng biglang may tumapik sa akin.
"Eugene." Bigkas ko. Tinignan nya ako at kumunot ang noo.
"What happened? Bakit ganyan ang itsura mo?" He asked at umiling lang ako.
Nagbikit-balikat sya at pumunta sa table nya.
Agad kong kinuha ang naka-ipit na papel sa gilid ko at sinundan ko sya.
"Sir" Bigkas ko at ini-abot sa kanya ang papel.
Napag-isipan ko na ito kagabi. I think, this will be better.
"Resignation Letter?" Tanong nya at tumango ako.
"You can't" Maikling sabi nya.
"What?" Tanong ko. He stood up at nilapitan ako.
"You can't leave. Hindi ako papayag na umalis ka." Sabi nya and napapikit ako sa ginawa nya.