XVI

6.2K 130 0
                                    

[Ashley P.O.V]

"What? What did you say? I reserve the whole hotel!" Nakatingin lang ako kay Eugene na kina-kausap ang receptionist.

Medyo nahuli kasi kami ng dating dahil sa akin. Oo. Sa akin nga.

"Ayan na ang hinihintay!" Sigaw ni Stacy at nagtinginan silang lahat.

Napa- tigil ako at nginusuan ko sila.

Kasi naman! Bukod sa late na akong nagising, wala pa kong masakyang taxi.

"Drivers, Keep Safe. Employees Enjoy and Take care" Napatigil ako sa paglalakad ng biglang humarang si Eugene at nagsalita.

"Don't pout. Baka hindi ako makapagpigil" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya at namalayan ko na lang na hawak-hawak nya at hatak- hatak ang maleta ko.

Sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa likod ng isang bagong kotse. Hay, ang mayayaman nga naman. Halata rin sa plaka nito ang bago dahil sa letrang AAA.

"Bago." Sambit ko ng humarap sya sa akin at naka-ngiting tumango.

"Yup! This Hundai is for only you and me. And I promise that Ashley, na ikaw lang ang babaeng sasakay dito."

Nakatingin lang ako sa kanya at sobrang lawak din ng ngiti nya.

Hinatak na nya ako papunta sa shot gun sit at umupo. At umikot naman sya para makasakay na rin.

Napalingat ako sandali pero sobrang laki ng mata ko ng nakitang isang pulgada na lang ang pagitan ng mukha namin.

*click.

"Seatbelt for your safety" Natatawa nyang sambit at nagseatbelt na sya.

Nababaliw na ba ko? O itong lalaking ito ay may sayad? Ang Weird ng mga ikinikilos nya.

Nagsimula ng magdrive si Eugene at biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya tinginan ko ito

----
From: Jeric

Hey Ashley! Where are you? Im here at the resort. Aayain sana kita kahit ipasundo ka nalang
----

To: Jeric

Sorry Jeric, May outing din kasi kaming lahat. Company Outing
----
From: Jeric

Aw, sayang naman. But okey lang. Be safe okey? Don' t forget to eat
----

Hindi na ako nagrelpy pa sa kanya dahil biglang may pumasok na new message

From: Dad

Matigas talaga ang ulo mo ano? Ang kapal naman ng mukha mong magtrabaho sa companyang iyan kesa sa companya natin! Isang buwan na lang kaarawan ko na. Sana manlang alam mo yung nais kong ipahiwatig Ashley Monique Bialza! Wala kang kwentang anak

Napatingin ako sa message ni Dad at napapikit.

"Are you okey?" Tanong nya at tumango lang ako.
---

"Hey, Ashley." Medyo naalimpungatan ako ng may naramdaman kong may tumatapik sa akin.

"Ashley, Wake up." Unti-unti kong ibinukas ang mata ko at nanlaki dahil sa ilsng pulgada na lamang ang layo ng mga mukha namin.

"K-kanina pa ba ko n--- Awww" Napa-unat ako dahil naramdaman ko ang sakit ng likod ko kaya lumabas na ako.

"Mga isang oras na rin" Sambit nya sa akin ng naka-ngiti.

Loving You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon