[Ashley P.O.V]
"Ash! Anong meron? Bakit mo kami pinatawag lahat?" Tanong ni Franchesca at ngumiti lang ako.
"Magkakaroon tayo ng outing this coming Saturday" Panimula ko at nagsitigil silang lahat.
"Sa Beach ang outing site. Hindi pa sinasabi sa akin ni Sir kung saan and then didiretso tayo sa isang theater for the showing. So bali 2 nights and 3 days" Sambit ko.
"And the requirments, before thursday kailangang maipasa nyo na lahat ng paper works. No paper work no outing."
"Kindly tell this to you other department office mates. You can go" Sabi ko at umalis na.
----"Aalis ka na?" Tanong ni Stacy at tumango ako.
"Yep. 5 narin naman. Ikaw?" tanong ko.
"8 pa ang labas namin eh." nguso nyang sabi at tumango na lang ako.
Naglakad na ako at pumasok sa elevator.
"Hi!" napatingin ako kay Sir Kevin ng pumasok sya sa elevator at ngumiti lang ako.
Bumukas na ang elevator sa GF.
"Sige Sir. Una na po ako" Sabi ko at tumango sya.
"Ma'am Ashley! " Napatingin ako kay Kuyang Guard ng tinawag nya ako.
"Bakit?" Tanong ko.
"Sabi po kasi ni Sir--- Ay. Ayan na po pala sya" Turo nya at humarap ako.
Isang black ferrari and huminto sa tapat.
"Tara!" Wika nya.
"H- ha?" Tanong ko.
Bumaba sya at agad akong hinatak pasakay ng kotse nya.
"T-Teka, s-saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Uhm. Sa grocery. Sasamahan kita" sabi nya at umiling ako.
"Nako,.hindi na." Sabi ko.
"May bibilin rin naman ako" Sabi nya at tumango na lang ako.
-----"Mukhang madami kang bibilin?" I asked him dahil isang malaking cart ang kinuha nya at nagkibit-balikat lang.
Kumuha na rin ako ng Cart ako at nagsimula ng maglakad.
"Dito lang ako" Sabi nya at tumango ako. Nagpunta sya sa kabilang side at dumiretso na ako sa mga kailangan kong bilin.
'OMG! Sya nga! '
'Bakit kaya sya nag-g-grocery? Wala ba syang maid?'
'Ang gwapo nya talaga.'
Napatingin ako sa mga babaeng nagbubulungan. Nasa may noodles area ako.
Tinignan ko kung sino yung pinag-uusapan nila at nakita ko si Eugene na papunta na sa akin.
"Wala ka paring nabibili?" Tanong nya at tinignan ang hawak kong cup noodles.
Pinagpipilian ko kasi kung anong bibilin ko sa dalawa. Parehas kasing masarap. Ang problema lang, kailangan kong magtipid.
Napatingin naman ako sa cart nya na halos puro meat and vegies ang laman.
"Kunin mo na" Wika nya at kumuha na lang ako ng tiglima.
Dumiretso na ako sa may hygine area.
Bumili ng shampoo, ng sabon, toothpaste at sanitary naps.
Bumili na rin ako ng bread spread. At tasty. Tuloy lang ako sa pagtulak ng mapadaan ako sa may yogart section. Kung hindi lang ako nagtitipid, bibili ako eh. Ibinalik ko na ang hawak kong yogart at nagpatuloy na
"Hey, Ashley, hindi ka bibili?" Tanong nya at umiling ako.
"Tipid-Tipid muna" Natatawa kong sabi at tumango lang sya.
"Chocolates" Yun lang ang nasambit ko at agad kinuha ang mga choco chips.
After ko doon, binili ko na lahat ng kailangan tutal mamamalengke at next week.
"Tapos ka na-- Oh." Yun na lang ang nasambit ko ng makitang puno na ang cart nya.
"Ashley, doon na tayo oh" Sabi nya at itinuro ang nasa dulong cashier at tumango ako.
Nauna na sya sa akin at may lumapit na isang lalaki.
"Sir ito na po." Sabi nung lalaki at tinignan ko. Tatlong box ng yogart?
"Ashley, isabay mo na" Sabi nya at umiling ako.
"Sir kasama rin po ba yun?" Tanong nung babaeng cashier na hindi na inalis ang tingin sa kanya.
"Yes." Sambit nya. Dahil sa inis ko hinayaan ko na lang.
Duruin ko kaya ang mata ng babaeng ito?
"8,532.12 Sir" Malandi nyang sabi at napa-iling na lang ako.
"Ito na." Abot ko pero umiling sya.
"Here" wika nya at kumunot ang noo ko ng napansin kong hinaplos talaga nung babae ang kamay nya.
"S---"
"Ako na" Agad kong tinabig ang kamay ni Eugene at kinuha ang papel na pipirmahan.
"Wife, ako na. Thats mine" Sambit nya at tumaas ang kilay ko pero napatingin ako sa babae at nanlaki ang mata nya.
"Ow, Sorry hubby. Akala ko kasi sakin kaya ako na yung kumuha" Malambing kong sabi habang tinitignan ng nakataas na kilay ang cashier.
Ang landi-landi mong cashier ka! Ang hindot mo! Di ka naman maganda!
Inilagay na ng isang crew ang mga boxes at plastic sa cart at sinundan kaming dalwa.
"Ang sama ng timpla ng mukha mo" Usisa nya at umiling lang ako.
"Tara na nga" Sambit nya at pinagbuksan ako ng pintuan tyaka ako pumasok.
Nailagay na nya yung mga pinamili namin sa trank kaya umalis na kami.
"Wife"
"Will you please stop calling me Wife? Hindi kita asawa. You're not even my boyfriend" Sambit ko.
"A-S-so--"
"Sorry. Di ko lang napigilan" Bigla kong binawi ang sinabi ko. Nakakainis kasi yung babae eh! Ang sarap ihampas sa lupa!
"Jealous" Nakangiting sabi nya at umiling ako.
"No. Hindi ako nagseselos" Sambit ko.
"Talaga?" Asar na tanong nya at hinarap ko sya.
"Oo! Hindi ako nagseselos at wala akong pakeelam" Simpleng sabi ko.
"Hm.. Sabi mo eh. Ow, by the way, lahat ng pinamili ko sayo yun" Sabi nya at napatingin ako sa kanya.
"Ansabi mo?"
"Stock mo yun para sa bahay mo. Malay mo, one time magulat ka na lang dun na ko kakain. Haha." Natatawa nyang sabi at umiling na lang ako.
"Still. You're Jealous with that lady cashier" Sambit nya at nginitian ako.
Bakit ba ang saya ng mga lalaki kapag nalalamang nagseselos yung babae? Samantalang hindi ko naman sinabi diba?
--------------
Important Warning!Magkakaroon na po ako ng chapters na pang-adult lang talaga. Kayo, nasa inyo po yan kung kakayanin nyong basahin. Pero! Nagwawarning na po ako. Bukod sa alam kong hindi sya exciting dahil sabi ko nga po, First time ko to' eh. Tagalog po ang gagamitin ko sa SPG. Kaya kung di nyo kaya, pwede nyo na pong itigil basahin. Basta, nagsabi po ako ha? Tagalog ang gagamitin ko not English pagdating sa mga SPG.
Thanks ^_^-Ms_Stargazer