Nalalapit na.... Ang pagtatapos.... *Bow
[Someone's P.O.V]
"Kilala ko kung sinong anak mo." Napatigil ang isang kilalang businessman ng may nagsalita sa likod nya.
"K-Kilala mo ang anak ko?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo. Gusto mo bang malaman kung sino?" Ngising tanong ng lalaki.
"O-Oo! S- sino sya? A-asan na sya? K---"
"Itigil mo ang transaksyon sa Vilroque at lumipat ka sa kumpanya ko. At malalaman mo kung sino" Makahulugang sambit nito at umalis na.
--------
[Ashley P.O.V]
"Ashley! May dumating palang papers from Mr. Raven. Ikaw na lang tumanggap." Sabi ni Stacy at tumango lang ako.
Isang buwan na ang nakalipas. Ang bilis diba? Naging maayos naman ang pakikitungo ko kay Eugene. Pero minsan naguguluhan ako sa mga ikinikilos nya.
At isang linggo na rin ang nakalipas pero walang anino ni isa ni Eugene dito sa kumpanya nya kaya hindi ako nagkakanda-ugaga
Agad kong binasa ang laman ng papel at biglang kumunot ang noo ko.
"Ashley." Napatingin ako kay Franchesca ng pumasok sya.
"Yes?" Tanong ko.
"Board of Directors call a meeting. At gaganapin na yun on Friday. Nag-aalala kasi ako. Wala pa si Sir--"
"Don't worry. Akong bahala" Ngiti kong sagot at ngumiti rin sya.
Isinang tabi ko muna ang letter ni Mr. Ravens at nagsimula ng gumawa ng report na kakailangan para sa meeting nya on Friday. Monday ngayon, and besides bukas rin ang birthday celebration ni Dad.
----
"Oh, Ashley, di ka pa aalis?" Tanong ni Sir Kevin ng dumungaw sya sa office.
"May kailangan pa po kong tapusin Sir eh" Sagot ko habang nagtatype.
"Ah. Ganun ba? O sige mauuna na ko. Dumaan lang ako just to give you this reports. I know, kakailanganin yan ni Eugene sa meeting kasama ang board" Ngiti nyang sambit at inilapag ang report sa table ni Sir Eugene.
"Sige po Sir. Thanks" Sambit ko at tumango sya.
Narinig kong sumara ang pinto at nagpatuloy lang ako sa pag-eencode. Sobra talaga ang Vilroque. In every second million-million ang kinikita ng kumpanya.
"Ashley!" Hindi ko na tinignan kung sinong pumasok at tumawag sa akin.
"Anong kailangan mo?" Sambit ko na patuloy parin sa pagt-type
"Uhm. Hindi ka pa ba uuwi? It's already 9:30. Paalala ko lang. Sobrang OT na yan. 4 hours and 30 minutes na" Sambit nya na naramdaman kong nagikot-ikot.
"Kailangan kong matapos lahat ng ito. Baka kasi hindi ako makapasok bukas. Si Eugene hindi ko alam kung anong nangyari dun" Sambit ko.
"Owkey... Lalabas lang muna ko. Tyaka by the way, I like your office." Makahulugang sabi nya at napa-iling lang ako.
"Lumabas ka na Franchesca. I told you, Im busy right now." Wika ko at naramdaman ko na lang na sumara ang pinto.
Patuloy lang ako sa pag-eencode ng bumukas ulit ang pintuan. Franchesca. At kasabay nun ang pagtunog ng cellphone ko.