XIX

6K 114 0
                                    

Walang Wentang Update. Haha!

[Ashley P.O.V]

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mata ko.

Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Eugene na katabi ko. Parehas kaming nakakumot. At dun pumasok sa isipan ko ang lahat ng nangyari.

Napangiti na lang ako ng mapait at dahan-dahang tumayo. Masakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko sa ibaba.

I look at him ng maka-tayo na ako. Natutulog parin sya. Dinampot ko ang tshirt nya pati ang panty ko at isinuot iyon.

Ika-ika akong naglakad papalabas. At sinigurado kong hindi sya magigising.

Tinignan ko muna kung may tao pero wala. Agad akong nagpunta sa kwarto namin at naabutan ko si Franchesca doon.

"A-Ashley!" Nag-aalala nyang sambit at nilapitan nya ako.

"M-mag-s-shower lang ako" sagot ko at tumango lang sya.

Kumuha ako ng damit ko at pati na ang towel at dumiretso sa banyo.

Agad kong binuksan ang shower at doon. Doon ko hindi napigilang umiyak.

"*Sob. *Sob" Iyak ko habang naka-yakap sa sarili ko.
-------
[Franchesca P.O.V]

Napapikit na lang ako ng naririnig ko ang pag-iyak nya.

Hindi ko alam kung ano talagang nangyari pero sa tingin ko tama ang hinala ko.

Hinintay ko talaga syang dumating dito, si Stacy naman sinabihan pa akong hayaan ko na lang mag-enjoy si Ashley.

Ganyan din yung naranasan ko nung una. Lagi akong nakatulala habang iniisip kong nawala na yung iniingatan ko. But in the end naka-pagmove on naman ako.

Pinag-usapan sya kahapon matapos mangyari ang lahat. Pero ginawan ng paraan ni Jeric at sa huli naintindihan naman ng lahat.

Nung nakita ko sila kahapon ni Sir Eugene, iba yung feeling ko. Parang lu--

"Ashley!" Sambit ko ng makitang lumabas na sya. Nakabihis pero umiiyak pa rin.

"F-Franchesca..." Ang tanging nasambit nya kaya niyakap ko na lang sya agad.

"Okey lang yan, Ashley. Ganyan talaga sa simula" Sambit ko at umiling-iling sya.

"Pero wala na. Wala na" Wika nya at hinayaan ko na lang siyang umiyak.

As a friend. Ganito ng naman ang magagawa ko.
---------
[Ashley P.O.V]

"Hindi ka ba talaga bababa?" Tanong sa akin ni Franchesca at tumango lang ako.

"Dito lang ako" Sambit ko.

"Pero--"

"Sige na Franchesca. I enjoy mo yung outing. Hayaan mo na ko" Pinilit kong ngumiti at tumango sya.

Hay...

Nakakatawa lang isipin. Nag-iinarte-inarte ako ngayon samantalang kasalanan ko rin naman.

Pero Damn! Babae ako! Lalaki sya!

"Ashley" Napatingin ako sa nagsalita and it's Jeric.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at pinunasan agad ang luha ko.

"Nakasalubong ko si France. And she told me na kailangan mo ko ngayon. What happened? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala nyang tanong sa akin at lumuhod sa harap ko.

Loving You [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon