[Someone's P.O.V]
"Nandyan na po si Mr. Raven at kausap sya ngayon ni Madamme Monique, Sir." Tumango lang ako at sinalinan ng alak ang baso ko.
"How about Baustista?"
"Nandoon na rin po sya sir kasama ang kanyang mga kaibigan"
"Good. Bababa na ko" Simpleng sagot ko at nagbow ba sya.
------
[Ashley P.O.V]Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba pakiramdam ko, may mangyayari? Bakit pakiramdam ko may mali?
I'm wearing an elegant blue dress, 1 inch above the knees with diamonds as the halter. And also a 3 inch silver pointed heels.
"Good Evening Ma'am. " Bati ng isang crew at tumango lang ako.
"Ashley Monique Bialza" Sambit ko at tumango sya pagkatingin sa guest list.
Nagbukas ang dalawang malalaking pintuan ay bumungad sa akin ang isang classic instrumental music. Mga taong nagk-kwentuhan. At lahat ay businessman.
Naglakad-lakad na ako at nakaka-asiwa ang mga tingin ng mga tao sa akin.
I'm finding mom and dad. Pero sa hindi kalayuan, I saw them, but.... with Mr. Raven.
"Oh! There she is!" Ngiting sambit ni Dad at ngumiti lang ako. Why does mom look so nervous?
"Mom. Dad" Sambit ko at nagbeso sa kanila.
"Mr. Ravens" Bati ko at natigilan sya.
"You are the Ass---"
"She is my daughter. Our daughter, Troy. She is Ashly Monique Bialza" Sambit ni Dad at hindi naaalis ang tingin sa akin ni Mr. Raven.
"Uhm. I think we need to start the party." Suhesyon ni Mom at tumango si Dad
"Okey. Dito lang kayo ha? Uhm, Mr. Raven, Mind if I leave them with you?" Bakit parang iba ang tono ng pananalita ni Dad? Anong meron?
"Yes." Ikling sambit ni Mr. Raven na nakatingin parin sa akin.
-------
[Third Person's P.O.V]
Lahat ay natahimik ng biglang namatay ang ilaw at tanging spot light na nakatutok sa stage ang mayroon.
"Ladies and Gentlemen. The Birthday Celebrant, Mr. Angelo Bialza."
Napapa-iling na lamang si Eugene ng makita si Mr. Bialza. Kung hindi lang sana nya e-escortan si Ericka. Wala sana sya dito.
"Good Evening Everyone. Im so happy that you are here with me to celebrate my birthday. But before we start. I wa't you to meet the next CEO of Bialza Company, My Heir and My Daughter... Ashley Monique Bialza.."
Nanlaki ang mata ni Ashley ng biglang tinawag ang pangalan nya. Samantalang, galit-na-galit si Eugene sa nasasaksihan.
Niloko sya ni Ashley? Ang taong mahal nya, pinaglalaruan lang sya?
"Ashley, come here" Sambit ulit ni Mr. Angelo Bialza.
Wala ng nagawa si Ashley kung hindi ang pumunta sa kinaroroonan ng kanyang ama at tinignan ang lahat ng panauhin. Masyadong mapanuri ang mga mata nito. Pero, hindi nakaligtas sa mga mata nya ang lalaking halos tagus-tagusang nakatingin sa kanya ngayon. Si Eugene. Gustuhin man nyang magpaliwanag pero hindi nya magawa.
---------[Ashley P.O.V]
Agad akong bumaba ng stage pagkatapos ng seremonya at gusto kong habulin si Eugene. Nakita ko syang tumayo at naglakad paalis.