02 - Pano ako.

913 31 0
                                    

*bells ring!*

"Okay class, dismissed." saad ni ms. David at nag simula na ang lahat ng estudyante na tumayo sa kinauupuan nila at ang ilan naman ay lumabas na ng classroom.

Binalik ko naman agad ang ballpen ko sa bulsa ng uniform ko atsaka kinuha ang bag ko.

"Dj! bilisan mo mag uumpisa na yung laban." sigaw ni Dex na nasa pintuan ng classroom.

"Oo, teka." mabilis kong ibinalik ang notebook ko sa loob ng bag ko atsaka isinara ito.

"bilisan mo daw, dj." saad naman ni Johnmar sa'kin matapos tapikin ang balikat ko.

"Ito na nga, manood ka diba?" Nag mamadali akong sumulyap sakanya.

"Oo, ako paba?" tugon niya at ngumiti sa'kin.

ngumiti naman ako pabalik sakanya nguni't agad akong hinila ng mga tropa ko palabas ng classroom.

"Mamaya na 'yan! makikita mo naman ulit siya mamaya." Saad ni Dex matapos akong hilahin sa palabas.

"Oo na, kala mo hindi ko bubuhatin tong mga 'to mamaya eh." pabirong saad ko Sakanila.







Pag katapos ng ilang oras nakarating na kami sa court at sumalubong naman agad samin ang coach naming halos bumuga na ng apoy at parang konti nalang mag sasalubong na ang mga kilay.

"Anong oras na!?! mag bihis na kayo." saad niya samin at mabilis naman kaming tumakbo papunta sa restroom.

"Sorry, coach!" sigaw ko habang tumatakbo papunta sa restroom.

"Sasusunod kasi bago umalis wag niyo na ipapakita si Johnmar dito kay dj-" pabirong sabi niya at sabay tapik naman sakanya ni eson.

tumawa nalang ako ng mahina pag katapos ay lumabas na.

ilang oras bago ang laban isa isa nang pinakilala ang mga basketball players.

"Danerie del Rosario!"

Matapos matawag ang pangalan ko ay lumabas nako ngumiti ako ng malaki atsaka kumaway.

Hiyawan ng mga babae ang naririnig kasi wala nakong makita kapag ngumingiti ako de biro lang.

habang nag lalakad ako papunta sa mga kagrupo ko hinahanap ng mga mata ko ang isang taong inaasahan kong panoodin ako mamaya.

"kuya dj?" mahinang sabi ni Edward pagkapos hilahin ang braso ko.

"e-eh?!" nakalagpas na pala ako Sakanila at huli ko nang marealize.

"So-sorry.." Paumanhin ko habang tumatawa.

"Ah.." napangiwi naman ang coach namin.

"Nako, bawiin mo sa laro 'yan." biro ni eson, itinaas ko lamang ang kilay ko bilang sagot rito.


pagkatapos lang ng ilang minuto nang ang laro ay nag simula na.

Hindi ako makapag focus sa laro hindi ko din malaman kung bakit. habang pinipigilan ko ang pag tingin sa mga audience patuloy parin ang pag sulyap ko rito.

hangang sa nararamdaman ko ang pag pasa sakin ng bola, at sa mga oras na ito ay pinipilit kong mag focus dahil alam kong hindi ako pwedeng guluhin ng isip ko dahil laban na'to patungo sa finals.

"danerie! Ano bang problema?" tanong ni coach sa'kin.

"ah-ah?" inosente akong tumingin sakanya.

"Kanina kapang lutang, alam mo ba 'yon? ni wala kangang score eh." Saad ni coach habang napapakamot nalang sa noo niya.

"pasensya na coach." paumanhin ko habang nakayuko.

"Ayos lang 'yan." saad ni Ed matapos himasin ang likod ko.

Your eyes said end gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon