"Ahh.. aalis ka?" tanong niya habang pamungay ang mga mata.
-
-
-"Tsk. mag share nalang tayo ng isang table." pangungulit ko kay vee.
"Di nga pwede di naman tayo mag ka grupo e." sagot niya habang patuloy parin sa pag layo ng upuan niya sa'kin.
"ih, nag tatampo ka ata natalo namin kayo e." saad ko at patuloy sa pagdikit sakanya.
"Hindi kaya asa kayo, di moko pinili e." aniya pagkatapos naman ay dating ng mga kasamahan niya.
Bigla naman akong natameme at hindi nakapag salita.
Hindi ko naman desisyon 'yon.
"dj, tawag ka ni coach baka naman gusto mong tumabi may pinag uusapan na kami don hindi mo pa alam." saad ng isa sa mga kasamahan ko.
"Dito nako vee, sabay tayo uwi?" tanong ko sakanya habang busy siya makikipag usap sa mga kasamahan niya.
"Mn, kung okay sayo." sagot niyang nag pangiti sa'kin.
"Yes, gusto ko." saad ko naman habang nakatitig sakanya.
"Wais!" tawag sakin ni oheb.
"Itong batang ito bastos." bulong ko habang papunta sakanila.
Pag katapos ng ilang oras natapos na kaming kumain at lumabas na lahat sa karinderya habang nag hihintay kami nasa loob parin si coach nag babayad.
Kasunod na lumabas ni coach ang grupong nakalaban namin which is yung kay vee kaya agad na huminto si vee sa pag lalakad at nag paalam na sa mga kasamahan niya.
Nag simula naman akong lumapit sakanya .
"Kala ko sasabay Kana sa kanila." sabi ko habang habol tingin parin ang mga kasamahan niyang nauna na.
"ba't naman." aniya na medyo natatawa may kasama pang pag hampas sa braso ko.
"Si coach oh." saad niya pag katapos ituro si coach napalingon naman ako sa kanila.
"Tara don muna tayo." sabi ko kay vee pagkatapos lumakad palapit sa mga kagrupo ko.
"um, yun nga coach bali ano ano pa pwedeng dalhin don?" tanong ni oheb kay coach.
"Kahit ano naman basta di lalagpas yung bigat ng bagahe mo sa limit ng eroplano, kinikilo kasi yun." sagot naman ni coach.
hindi ko na tuloy naiwasan isipin kung ano ang pinag uusapan ng mga 'to.
"Ano yun coach?" tanong ni vee kay coach.
napatingin ako kay vee nang mag simula siyang mag tanong.
"Ah, kasi yung tournament sa ibang lugar gaganapin." sagot ni coach.
"huh?" halos sabay kaming nagulat nang marinig namin ang sinabi ni coach.
"Uh? eh coach di naman pinag usapan yan e." saad ko pagkatapos kumunot yung noo.
"No, napag usapan 'to dj baka hindi kalang nakinig." sagot niya at natahimik nalang ako bigla.
Ilang oras ang nakalipas nag lalakad kami papunta sa bahay ni vee habang wala parin siyang kibo.
"Ah, vee kailan uwi ng mama mo?" tanong ko para may pag usapan.
"Um, diko alam. wala pang sched yung balik niya dito." malamig na sagot niya hanggang sa hindi kona namalayan malapit na pala kami Sakanila.
"ah, vee-
"dito nako wise. ingat ka." maikling sabi niya pag katapos ay nauna ng nag lakad.
mabilis naman akong tumakbo kasunod niya kasabay ng pag hawak ko sa balikat niya.
"Alam kong galit ka kasi hindi ko sinabi sa'yo 'to. hindi ko din naman yon alam e." saad ko matapos humarap sakanya.
"Ahh.. aalis ka?" tanong niya habang ang pungay ng mga mata niya.
"Vee hindi naman kita iiwan e." inalis ko ang pag kakahawak ko sa balikat niya at inilipat sa kamay niya.
"1 month lang yun." dagdag ko pa pag katapos hawakan ang kamay niya.
"Hindi madali ang long distance relationship. kala moba?" saad niya Habang pilit pinipigilan ang pag iyak niya.
Agad ko naman siyang hinila palapit sakin at kasabay ng pag yakap ng mahigpit.
"hindi nga yun madali, makakaya ko lang 'to ng isang buwan at hangang don lang." bulong ko sakanya.
"Para 'to sa future natin." saad ko at kasabay non ang pag tawa niya.
"Daming mong alam umuwi Kana." sabi niya pagkatapos pitikin ang noo ko.
"Grabe vee pitik lang iniiwan kiss mo naman." Pabirong sabi ko pag katapos hinimas ang ulo nito.
"Update moko.. lagi." saad niya pag katapos hawakan ang kamay ko.
"Oo naman, ikaw lagi." saad ko pagkatapos mag iwan ng halik sa noo niya.
"pasok Kana, para makauwi nako." sabi ko sakanya at tumango naman siya.
Nag simula na siyang mag lakad papunta sa gate ng bahay nila. at tumalikod naman nako at nag lakad nadin paalis.
kinabukasan maaga kaming sinundo ng van ni coach para daw maaga ng makapunta sa airport.
Pasado alas singko yun kaya nag iwan agad ako ng text kay vee na paalis na kami ngunit hindi pa ako nakakatanggap ng kahit anong response na galing sakanya.
"Wise, 'yan lang dala?" tanong ni Ed sa'kin.
"Mn." maikling sagot ko habang Naka focus sa cellphone ko.
Habang nag aantay ako ng text mula kay vee hindi ko na namalayan na huminto na pala kami sa tapat ng airport.
"Let's go!" ani ni coach na kinagulat ko.
"Ah? andito na." mahinang sabi ko at kinuha na ang bag ko.
"Lutang talaga tayo ngayon sobrang aga kasi." Biro ni Dex.
Nag simula na kaming mag lakad papasok sa loob at nag hintay lang ng konti.
"Nice may space pa para sa pasalubong." biro ni coach sabay tingin sa'kin.
"uh?- Oo nga." nakaramdam ako ng medyo awkward don.
Habang nag aantay kami bigla nalang tumunog yung cellphone ko.
"Nakita mo yung sineed ko sayo, wise?" saad ni Dex sa'kin.
"Uh?" Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at pag kabukas ko palang cellphone ko bumungad agad sakin ang message ni dex.
"Gsgo, Dex totoo 'to?!" Halos lahat ng tao ay tumingin sa'kin dahil sa pag ka lakas ng pag kasabi ko.
"Wise!" sigaw na nag palingon sa'kin.
Para akong nabuhayan bigla nang makita ko siyang tumatakbo papalapit sa'kin habang halos basa sa pawis ang buhok niya.
Natulala nalang ako at hindi makapaniwala Naramdaman ko nalang ang mainit nitong pag yakap.
"Akala ko hindi nako makakaabot." higal na higal na sabi niya pagkatapos ay tumingin sa'kin.
"Mag iingat ka don, galingan mo manood ako." dagdag pa niya kasabay ng pag ngiti niya.
napahawak nalang ang mga kamay ko sa makinis nitong pisnge.
"Vee, kasya ka sa maleta ni dex-"
Mahina niyang hinampas ang braso ko. "Wise, tigil. ayan ang nagagawa ng hindi pag pili sa'kin."
"Ay- sorry na po, wag Kana nag tampo ah." malambing na sabi ko pag katapos ay ngumuso.
"Mag ingat ka, aalis na ata kayo." saad ni vee.
"Kiss ko?" nilapit ko sakanya ang mukha ko.
"Wais. mag tigil." seryoso itong tumingin pabalik sa'kin at nag iwan ng sampal sa pisngi ko.
"ouc-"
napahalikhik nalang ako pagkatapos ay muling hinaplos nag buhok niya.
"ingat ka lagi, i-update mo'ko tatawagan kita lagi." bilin ko at tumango naman siya sa'kin habang nag sisimula na kaming lumakad paalis.
I can finally breath.
BINABASA MO ANG
Your eyes said end game
FanfictionDJ or also known as wise in their classroom. nagugustuhan nila si danerie dahil kung pano ito pumorma. isama mo pa ang gwapo nitong mukha at magandang mga ngiti halos lahat ng babae ang May gusto mas dumami pa nang makita ito mag laro ng mga online...