19 - old friend

433 24 2
                                    

"Oh, softdrinks gusto mo?" Tanong ko kay vee na kanina pang walang imik.

"Pagod ka pa ba?" Pagkatapos kong kumuha ng softdrinks agad akong umupo sa tabi niya.

"Uh- hindi! ano..ngang sinasabi mo?" tumingin siya sa'kin pagkatapos niyang maramdaman na nasa tabi niya ako.

"May nangyari ba?para kasing kanina kapa wala sa sarili mo e." ani ko naman, napapansin ko yun kanina pa sa school.

"Sira, ano naman mangyayari?" natatawang sagot niya, bumuntong hininga naman ako.

"Nalaman na ba ni tita?" Nawala ang ngiti sa mga labi nito matapos kong sabihin ang linyang iyon.

"ah..?"

"Hayaan mo, bukas kakausapin ko si yhuwa alam ko naman siya yung dahilan non." saad ko kasabay ng pag gulo ko sa buhok nito.

"Tara na,gumagabi na di ka paba uuwi?" tumawayo nako at tumingin sakanya.

"Hindi..ayoko pa." sagot niya,kumunot naman ang noo ko, May pakiramdam akong May nangyayari pa bukod doon.

"Bakit?" tanong ko at muling umupo sa tabi nito.

"Ah,ayoko lang makarinig ng tanong mula Sakanila na hindi naman nila matatanggap ang isasagot ko." tugon niya habang nakayuko.

Muli akong huminga ng malalim."Kailangan natin masanay na ganun,Hindi pa nila tayo matatanggap sa ngayon."

"Kung hindi man dadating yung araw na tatanggapin na nila tayo, basta kasama kita masaya nako." tumingin naman siya sa'kin kasabay ng pag tawa ko.

"Gusto mo bang mag sleep over sa bahay?"

Ilang oras lang nakauwi na kami sa bahay, dumaretsyo agad kami sa kwarto ko pagkatapos ko siyang ihatid sa kwarto mabilis akong bumama papunta sa kwarto nila mama.

"Mama." kumatok ako sa pinto nila,kasabay ng anon ang pag bukas ng pinto nito.

"Bakit, dj? nakauwi Kana pala." aniya, lumapit naman ako ng konti sakanya.

"Ma, pwede bang paki tawagan si tita?" Bulong ko sakanya, tumingin naman ito sa'kin na parang di sang-ayon.

"Sinong tita mo?" tanong niya habang kunot ang noo.

"I mean ma,Yung mama po ni vee." saad ko at tumango naman siya,muli siyang pumasok sa kwarto at kinuha ang cellphone nito.

"Bakit, May nangyari ba?" tanong niya.

"Ano kasi.."

Sinimulan na niya tawagan ang number ni tita.

"Ipag papaalam ko lang si vee, dito muna daw siya matutulog e." sagot ko kay mama.

"Hello?" wika ng nanay ni vee na nasa kabilang linya.

"Mars,kakausapin kadaw ni dj." ani ni mama matapos iabot sa'kin ang cellphone nito.

"Thank you ma, hello po tita. gusto ko po sanang ipaalam si vee dito daw po siya matutulog e." sagot ko habang medyo kinakabahan.

"Bakit daw?" masungit na sabi niya.

"Hindi ko din po alam, siguro kapag magaang na yung pakiramdam tsaka po siya mag sasabi." mahinahong sabi ko.

"Bantayan mo yung anak ko dj, sinasabi ko sayo." Sagot niya pagkatapos ay binaba na ang cellphone nito.

"Okay na ma, thank u po!" Agad kong inabot sakanya ang cellphone niya at tumalikod na.

"Ano bang nangyayari, dj?" tanong niyang na patigil sa'kin.

dahan dahan akong lumingon sakanya, "Po?"

"May namamagitan naba sainyo?" Tanong niya kasabay nga non ang pag dating ni grace.

"Dj- Ano yung narinig ko?sino yun wag mong sabhin si yhuwa?! Omg!" Malakas na sabi niya.

"Grace!"

"Why? diba nag transfer nga si yhuwa sa school natin siguro dahil sayo yun." pabirong sabi niya kasabay ng pag tawa niya ng malakas.

"Tumigil ka grace, hindi ko naman gusto si yhuwa." masungit na sabi ko at nag lakad na paakyat.

Nakabalik nako sa kwarto kwarto, pag pasok ko palang nakita ko si vee na nakaupo lang sa kama ko.

"May gusto kang kainin vee?" nag lakad ako palapit sakanya.

"Ha..wala." sagot niya pagkatapos ilapag sa kama ang cellphone niya.

"...Wag mag pa ka stress, okay lang yan." Aking hinimas ang likod nito matapos umupo sa tabi niya.

"Mn, thank you ah." mahinang sabi niya, babanat pa nga sana ako kaso bigla namang dumating si grace sa kwarto.

"Di Kana ba marunong kumatok?!" masungit na sabi ko kay grace kasabay ng pag ikot ng mata niya.

"Ba't andito ka?" Tinaas niya ang kilay niya kasabay ng malakas na pag sara ng pinto ng kwarto ko.

"Hindi mo ba naalala na sinira mo yung resin ni wise." Nakatingin siya kay vee Habang Naka cross arm.

"Itigil mo yan grace di ako natutuwa." Agad naman akong tumingin ng masama kay grace at tumayo.

"Ito naman, dati kabang gsgo, mag kakilala na kaya kami ni vee prends na kami." natatawang sabi niya,mabilis akong tumangi kay vee at nakita ko nga siyang tumatawa ng mahina.

"Huh?-

"At, alam ko din na May relasyon na kayong dalawa." she said proudly.

"Kung ganon ba't siningit mo pa yung pangalan na yhuwa nung nag uusap kami ni mama!?" Kunot noong sabi ko.

"kasi ano, para iligtas ka bsbo, talaga nito."

"huh? ako pa-"

Sakalagitnaan ng pag tatalo naming dalawa nakatanggap naman ako ng text mula sa group chat namin.

"May meeting pala kami ngayon." Agad akong lumapit kay grace."Kaya labas."

"Sungit, mamaya nalang vee~" aniya pagkatapos ay nag lakad na palabas.

"Aliw ako kay grace." natatawang sabi ni vee.

Agad naman akong umupo sa upuan kaharap ang table mo, habang hinahanda na ang laptop na gagamitin ko.

"What the- ba't mag ka group mate kami ni yhuwa?!" bigla namang napatingin sakin si vee.

"Yhuwa? yhuwa Cruz, diba kaibigan mo yan before?" Tanong niya habang nag sisimula na nag simula yung meeting namin.

"Ha? ano yun, lapit ka dito vee."

Agad namang tumayo si vee at umupo sa tabi ko.

"Yan,Oo pero di kona siya close ngayon." sagot ko sakanya pagkatapos humawak sa binti nito.

"Wise-

"Sino leader dito? pwede bang mag tanong kung pwedeng gawin ko nalang yung part ko kasi medyo busy ako ih, di ako sigurado kung makakapunta ako saan ba yun?" palusot ko, ayoko lang kasama si yhuwa.

"Depende kasi dj e, ayaw mo bang sumama? Tagaytay din yun." saad ng leader namin.

"Pwede bang May kasama?" Tanong ko at muling tumingin kay vee.

"Ilan ba ang isasama mo? kaso baka di na free yung ticket, okay lang ba sayo?" sagot niya.

"Okay lang sakin, basta kasama ko yun. pwede naman diba?"

"Oo naman walang problema." ngumiti naman ako matapos marinig ang sagot nito.

"Anong name ba? para malista ko narin."

Pasimple naman akong sumulyap kay vee.

"Johnmar Villaluna, top one ng class A."

Your eyes said end gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon