Hindi nako nakasagot pa sa tanong ni mama.
"Wala naman po kaming relasyon bukod sa.. pag kakaibigan namin."
Hindi ko ugaling mag sinungaling, pero baka pwede ko namang sabihin yung totoo kapag, pwede na.
"Vee?" Nagulat ako nang bigla akong nakaramdam ng pag tapik sa balikat ko.
"A-ah?" utal utal na sabi ko matapos tumingin rito.
"Okay kalang?" tanong niya, mahina naman akong tumawa upang maitago ang totoo.
"Oo naman, lutang lang di naman 'to bago no." biro ko pa pagkatapos ay bumalik na ang tingin sa harap namin.
Pag katapos ng klase namin tsaka naman nag ka event sa court which is yung liga nga.
"Ngayon yung laban niyo diba?" tanong ko kay wais habang inaayos ang gamit ko.
"Oo, manood ka?" tumingin naman siya sa'kin pagkatapos isuot ang bag nito.
"Sorry, parang di ako sigurado." ani ko habang napakamot nalang.
"Tss, okay lang." Hinawakan niya ulit ang ulo ko sabay ngumiti.
"May next time pa naman." biro niya pa kasabay ng pag tawag ng mga kasama niya sakanya na nag hihintay sa labas ng classroom.
"Dj, pwedeng pahiram ng jersey mo?" Hinawan ko ang dulo ng uniform nito.
"A-uh.." Bigla namang namula ang pisnge nito.
"Ba-bakit?" kinakabahang tanong niya.
Nag kibit balikat naman ako. "Wala kasi akong extrang damit para mamaya May practice kasi."
"Ah...ito." inabot niya sakin ang jersey na dapat ay isusuot niya mamaya.
"H-hindi yan, i mean kahit yung luma lang nako mapapagalitan tayo ni coach." Nagulat ako nang agad niya inabot sakin ang hawak nitong jersey.
"Okay lang, May extra pako isa wag kang mag alala."
"Dj!" Wala nakong magagawa kundi tanggapin ang inabot nitong jersey.
"Salamat, tawag Kana nila." ani ko habang nahihiya ang boses.
"Mn, susunod na." Sigaw niya sa mga kasamahan niya at nauna na nga silang mag lakad.
"Dito nako vee, ingat ka sa pag uwi." dag dag pa niya kasabay ng pag iwan ng halik sa pisnge ko.
"I-
Mabilis siyang tumakbo palabas ng classroom namin habang naiwan naman ako sa classroom na namumula ang mga pisnge.
"WAAIISSS!!"
----- G O L D M E D A L ----
dj's pov.
Katulad lang ng nakasanayan nasermunan nanaman ako ni coach pero okay lang atleast worth it naman yung rason non.
"Pasok na daw." ani ni coach at pumasok na nga kami sa court.
BINABASA MO ANG
Your eyes said end game
Fiksi PenggemarDJ or also known as wise in their classroom. nagugustuhan nila si danerie dahil kung pano ito pumorma. isama mo pa ang gwapo nitong mukha at magandang mga ngiti halos lahat ng babae ang May gusto mas dumami pa nang makita ito mag laro ng mga online...