22 - Rookie

438 22 0
                                    

Parang panandaliang tumigil ang takbo ng oras matapos lang ng sinabi ni coach sa'kin.

"Bakit hindi ka ulit maging rookie samin?"

Hindi ko na naisip na May tatanggap pa sa'kin,kahit ako na mismo ang sumusuko sa sarili ko.

"Vee?"

Para akong nakuryente nang bigla akong makarinig na pag tawag sa pangalan ko.

napatingin naman ako sa katabi ko habang nag lalakad kami,hindi kona makalimutan ang nangyayari kanina.

"Ano 'yon?" tanong ko sakanya,hindi ko rin mapigilang ngumiti.

"Dapat sigurong ikaw yung mang libre." nakangusong sabi niya.

"Ako?Um, di naman sana problema 'yon ang kaso ikaw itong nang aya e." panunukso ko naman sakanya.

"Woa,parang gumaang yung loob nang makausap ka ni coach about sa pag lipat samin."

Bigla naman akong napahinto ng biglang dumaan sa isip ko na..

What if kaya ako tinanggap sa grupo nila dahil kay wais?

"May sinabi kaba kay coach tungkol sakin?" tanong ko sakanya.

napahinto naman ito sa pag lalakad at napalingon sa'kin.

"Wala,anong ibig mong sabihin?" nag kibit balikat naman ito.

"Hindi mo naman siguro sila pinilit na..ipasok ako diba?" muling nang hina ang boses ko.

"Uh-"

Agad naman siyang lumapit sakin at hinawakan ang balikat ko.

"Ano ba 'yang naiisip mo?hindi basta basta pumipili si coach at si Dex ng player,alam mo naman 'yon diba?"

Totoo namn 'yon, pero masisisi niya ba ako kung nag oovethink ako.

"Alam ko, pero kasi..madami kaming nag apply na rookies diba?at marami ding magagaling sa'kin pero.."

Narinig ko itong nag buntong hininga kaya't napatingin ako sakanya.

"Hindi pa nasabi sa'yo ni coach,wala yun sa galing ng player miski ikaw alam mong mas maganda sa grupo kapag may koneksyon kayo."

Dahan dahan namang bumaba ang kamay nito papunta sa kamay ko na kanina lang ay nakapatong sa balikat ko.

"At vee alam kong nakikita mo yung koneksyon na meron tayo,pag dating sa laro."

Muli ngang nag tagpo ang tingin naman at hindi kona naiwasang mapangiti.

"Tss,ano ba naman vee mahuhuli tayo niyan ng mga kamag anak mo." bigla naman itong umiwas ng tingin.

"Okay lang,alam na ni mama ih." Sagot ko naman at nauna nang mag lakad.



***

Kinabukasan,

Maaga akong sinundo ni wise, ngayong araw kasi kami pupunta sa Tagaytay.

"Puyat ka?" saad ko habang ni lalock ang gate.

"Medyo." sagot niya,kasabay nga non ang sabay namin pag lakad paalis.

"San na daw sila?" tanong ko kay wise.

"Di ko alam,pero sabi nila baka dumaan yung van dito,hintayin nalang natin." tugon naman niya at huminto na kami.

panandalian kaming umupo sa kahoy na upuan sa tabi ng malaking puno.

Kinuha naman niya ang cellphone niya sakanyang bulsa.

"Paalis palang pala sila." mahinang sabi niya.

"Okay lang,willing to wait." biro ko naman.

Ilang minuto ng aming pag hinintay.wala paring van na dumating.

"Tsk."

Muli akong tumingin sakanya nang marinig ko itong bumuntong hininga.

"Bakit?" tanong ko sakanya,nakakunot na ang noo niya habang nakatingin sa cellphone nito.

Umupo na siya sa tabi ko, "Papunta na daw sila."

"Ahh.."

Mahina ko naman siyang tinapik sa braso.

"Sira okay lang 'yan, maaga pa naman oh." mahinahong sabi ko.

"Dapat kasi sinabi na nila na mag kita nalang sa isang lugar hindi na pinapaasa nila tayo na maaga raw nila tayo pupuntahan dito." Masungit na sabi niya habang mas sumisingit ang mga mata nitong maliit.

"Okay lang naman 'yun sa'kin, walang problema."

"Sa'kin hindi,nakakahiya kaya sayo." saad niya habang umiiwas ng tingin.

"Pft- sira! okay lang yun!" natatawang sabi ko kasabay ng mahinang hampas sa braso nito.

"Next time pag aalis tayo dapat May kotse nako,para hindi Kana nag hihintay ng matagal dito.nakakahiya."

"Whoa,kaya nga e aasahan ko 'yan!" biro ko naman sakanya.

Mahina naman itong tumawa at tumingin sa'kin.

"Um,promise."

Hindi kona napigilang ngumiti nang nag simula na siyang ngumiti sa'kin.

Bigla namang May tumigil na van sa harap naman na kinagulat ko.

May isang babaeng estudyante na bumama mula sa van at sa tingin ko ayun na nga ang group leader nila.

tumayo na si wise at kinuha narin ang mga gamit ko.

"Ako na dyan." saad ko pero siya parin ang bumuhat ng gamit ko.

Pinasok niya ang mga gamit namin sa van at pagkatapos ay sumenyas sa'kin na pumasok na raw.

Agad naman akong pumasok sa loob at umupo sumunod naman ito sa'kin at umupo sa tabi ko. nakita ko nga rin na nakaupo sa harapan si yhuwa. hindi ko nalang siya tinitigan pa, wala ayoko lang.

"Sorry na wise! si yhuwa kasi ang bagal kumilos." aniya pagkatapos tumingin kay yhuwa.

"Excuse me?" lumingon naman si yhuwa samin habang nakataas ang kilay.

"Okay lang yun, wag niyo nang isipin yun." sagot naman ni wise.




afterwards..

Ilang oras lang ay mabilis kaming nakarating sa tagay tagay, hindi talaga mabilis pero tulog kasi ako habang nasa byahe kami.

"WAIS!" sigaw mula kung saan, parehas kaming napalingon ni wise nang biglang mag umakbay sakanya.

"Waiiis! i miss you~"

"Tori!?" nabigla naman ako nang makilala ko si Tori.

"Gagi!Ano Tori ba't ngayon ka lang nag paramdam?" saad ni wise.

masayang masaya yung mukha ni wise ng makita si Tori, hindi rin mawawala sa kanilang dalawang ang harutan nila.

"Alam mo na kinuha kasi ako ng family ko sa mga lolo't lola ko kaya nga diba nag kahiwalay tayo?pero kahit ganon naman updated parin naman ako sainyo!~" natawa naman ako sa sinabi nito.

"Uh?-" bigla namang tumingin sa'kin si wise.

"Tss,anong tingin 'yan? sa tingin mo si Tori yung kaibigang pwede mong pag taguan?" natatawang sabi ko, tumungo naman si wise kahit siya sumasang-ayon.

"sangayon ako don,papansin kasi to" biro ni wise, habang patuloy ang bardagulan nila habang nag lalakad kami bigla kaming napatigil sa pag lalakad ng biglang lumapit si yhuwa samin.

"Oh, di ko balak sirain ang moment niyo pero tinatawag na tayo ni Reyes don, baka lang gusto niyo pumunta muna don." masungit na sabi niya at nag lakad na paalis.

"Adik ba yon?" ani ni Tori kasabay ng pag batok ni wise.

"Oo pre."

Your eyes said end gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon