2

1.8K 33 10
                                    



"SCARLET! Hoy Scarlet! Iska!" Malakas na pagtawag ni Janice habang ginigising ang matalik na kaibigan na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabangon sa pagkakayukyuk sa desk. "Anak ka naman talaga ng Tatay mo," kakamotkamot sa ulo na sabi niya.

Nakatulog na naman kasi ito habang oras ng trabaho, dalawang buwan nang ganoon ang dating masipag na kaibigan. Kung hindi tulog ay nakatulala at nakatingin sa kawalan na para bang malalim ang iniisip. Hindi napigilan ni Janice ang sarili na hampasin ito ng folder na hawak na naglalaman ng ikalawang memo ukol sa pakupad na pakupad na trabaho ng dalaga. Pangalawa na ito ngayong buwan at kung mapapangatluhan ay matatanggalan na ito ng trabaho.

"Aray! Aray ko Janice!" Reklamo ni Scarlet nang makabalik siya sa kanyang ulirat, ginamit niya ang mga braso para salagin ang mga folder na lumalanding sa ulo at pisngi niya. "Ano bang problema mo? Bakit ka nanghahampas?"

Napahilamos na lang ang babae sa narinig mula sa kaibigan, "Ano ba Scarlet? Pangalawang memo mo na itong pinadala ni Ma'am Ayesha, umayos ka naman. Isang-isa na lang at matatanggal ka na sa trabaho, magseryoso ka naman." Iritableng sambit ng dalaga.

"Sorry," nahihiyang sabi nito habang kumakamot sa noo. "Marami lang talaga akong iniisip sa ngayon."

"Ah talaga ba Scarlet? Marami ba talaga? E ang alam ko, isang tao lang naman ang dahilan bakit ka nagkakaganyan e. 'Yong Alexander, marami ba 'yon?" Sarkastiko ang tono niya.

"Ano ba 'yang sinasabi mo? Hindi naman siya ang iniisip ko e, si Sancho. E bayaran na naman kasi sa school niya, tapos hindi pa tayo sumasahod. At kung sumahod man, panigurado na may kaltas ako." Himutok ng dalaga habang nag-aangat ng ulo, "bes meron ka ba riyan? Kahit tatlong libo, babayaran ko rin 'pag sahod natin."

"Wala nga rin, alam mo naman na gipit ako at kalalabas lang sa ospital ng inaanak mo. Bakit hindi mo subukan manghiram sa Aunty Sharon mo? Naglalabas ng 5-6 'yon ah."

"Alam mo kung pwede sana, noon ko pa ginawa. kaso hindi e. Ayaw niya akong pahiramin, katwiran niya malaki raw ang sahod ko. Hindi niya alam na mailap ang mga kliyente, e sa loob ng tatlong taon kong pagtatrabaho dito. Tatatlo o apat na bahay pa lang ang naibebenta ko,"

"E paano ang gagawin natin? Mahigpit ang kalaban natine , Montecillio 'yon. Tatlong dekada na silang nasa karera, at ikatlong henerasyon na ng CEO ang namamalakad sa kanila."

"Kaya nga e, minsan nga napapaisip ako na mag-resign na lang at lumipat doon. Balita ko kasi mas malaki ang sinasahod ng mga ahente nila kaysa sa atin."

"Huy shunga! Ano 'yon? Balak mo akong iwanan dito? Ikaw kaya nag-udyok na pumasok ako dito sa Aquila tapos ngayon mang-iiwan ka."

Napabuntong hininga ang dalaga, "Hindi pa naman sa ngayon, kapag siguro kailangan na kailangan na. Gagawan ko na lang ng paraan, pwede kong gayahin si Josephine na habang nandito sa trabaho ay nagbebenta ng meryenda."

"Gaga! Inagawan mo pa ng customer 'yong isa. E kung tutuusin mas mahirap 'yon kaysa sa'yo. May apat na anak na pinapakain 'yon na literal E 'yong mga pinapakain mo kasi mga palamunin 'yon, mga batugan." Natatawang sambit ni Janice habang pabalik sa cubicle nya.

"Ikaw talaga, wala ka nang ibang ginawa kung'di i-bash ang pamilya ko." Napairap pa si Scarlet dahil sa sinabi ng kaibigan.

"E sa totoo naman, pupusta ako girl. Kapag si Alexander bumalik at inaya ka mag you know lumagay sa tahimik. Isa ang Auty Sharon mo sa mag-aabang sa yaman no'n." Kompyansang sabi ni Janice bago magsimulang tumipa sa computer na kaharap.

"Ha?" Napalingon ang kaninang nakatanaw sa malayo na si Scarlet. "Si Alexander? Bakit naman siya nadamay?"

Inirapan naman siya ni Janice, "tignan mo 'tong babaeng 'to. Sa dami ng dinadakdak ko kanina pa, pangalan lang pala no'ng Alexander na 'yon ang makakapagpalingon sa'yo. Napaghahalataan ka Scarlet, napaghahalataan."

Passion Of Dawn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon