"Kuya, I just wanna thank you for introducing Scarlet to Alexander. Alam mo ba noong dumating si Scarlet, napanatag ako. Wala nang tumatawag sa akin, wala nang nangungulit. Everything is under control, hindi ko narin kailangan mag-explain kung bakit ginagabi ako sa pag-uwi o kung bakit totoo 'yong kissing scene namin ng co-star ko, wala na rin tatawag sa akin in the middle of the shooting para humingi ng update. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib, matapos lang talaga itong kasal issue na 'to pare-pareho nang matatahimik ang mga buhay namin." Masayang sabi ni Arriane saka sumimsim ng alak sa hawak na wine glass. "Makakakilos na ako ng matiwasay and I can now grow my own career on my own." She then breath and smile from ear to ear.
"Good for you," malamig na sambit ni Vernon habang nakatingin sa kawalan.
"Kuya, what's wrong? Bakit parang hindi ka masaya para sa akin? Is it about Scarlet, again? Kuya kay Alexander na siya. Masaya siya kay Alexis, she love Alexis."
"Masaya ako para sa'yo, you are my baby sister. Pero Arriane, paano naman ako? Wala ba akong karapatan? You know how much I like her."
"Wait Kuya, I'm not the one who gave her to Alexis. Baka nakakalimutan mo lang na si Scarlet ang kapalit ng pag pirma niya sa kontrata."
"Maling-mali pala na ginawa ko 'yon." Napahilamos siya sa sariling mukha . "Akala ko kasi ibabalik rin siya ni Alexis e, pagsasawaan rin kagaya ng mga naunang babae niya."
"Alexis told me that Scarlet is far different from them, I know that he has already fallen for her. At masaya ako na dumating siya, that's it. Siya ang dahilan kung bakit hindi matutuloy ang kasal namin ni Alexis. Scarlet deserve all the love that she is getting from Alexander."
"Ang selfish mo Arianne, napakaselfish mo."
"K-Kuya shut up!" Sigaw ni Arriane. "Hindi ako selfish, pinaubaya ko nga si Alexander kay Scarlet dahil alam kong kay Scarlet siya sasaya. Ipinaubaya ko kahit ansakit-sakit na."
"Ah so dahil nagpaubaya ka, ikaw lang ang may karapatan na masaktan? How about me? Since day one, nakatingin lang ako sa kanya. I've been admiring her from afar, napilitan lang ako na ibigay siya kasi akala ko ibabalik din siya ng boyfriend mo."
"Ex, ex boyfriend ko na lang siya."
"Ituloy ninyo na lang ang kasal ninyong dalawa para makuha ko na si Scarlet."
"No! No fucking way!" Bulalas ni Arriane
"ARRIANE!" Bulyaw ni Vernon.
--
Nagising si Alexander na wala na si Scarlet sa tabi niya, taliwas sa nakasanayan. Walang Scarlet na nakayakap ngayon sa kanya, agad siya na bumangon mula sa kama at nagsuot ng boxers short at t-shirt. Hinalughug niya ang buong kwarto, walk-in closet, pati na mini-library niya ngnit wala pa rin siyang nakikitang Scarlet, ni pigura o anino ng babae ay wala. Pinili niya na bumaba kahit ganoon ang ayos niya, naabutan niya si Gracie na pamangkin niya sa salas na naglalaro ng dollhouse at manika kasama ang anak naman ni Emprezz na si Precious. He was hesistant to ask her because of their previous encounter pero naunahan siya nito.
"If you were looking for Scarlet, she's in the garden with Mommy and Mama La." Anito na ikinagulat naman ng binata.
"Thank you Gracie," he gave her a half smile.
"Uncle, I think Scarlet is in love with you." Tumigil ito sa paglalaro at binitiwan ang manika na hawak. "I heard their conversation kanina, they were talkaing about you."
"Anong pinag-uusapan nila?"
"Mama La asked her about your relationship with her but she denies it, and she said that you two doesn't have something. She said that you you are just her best friends, I can see that she's in pain while telling it. Uncle please don't deny her, I might be harsh to her on the first meet but I know she's very kind and genuine. I might not like her at first but seeing how happy she is with you and how happy my uncle is with Scarlet makes me realize that Daddy Lo is wrong for pushing you to marry Tita Arriane. If you like Scarlet, just say it. Confess to her before it's too late. Baka mamaya makahanap na siya ng iba, Mommy and Mama La likes her too."
![](https://img.wattpad.com/cover/290551433-288-k54171.jpg)
BINABASA MO ANG
Passion Of Dawn (COMPLETED)
Roman d'amourKilalanin si Alexander Montecillo, isang inhinyero at negosyante. Pag-aari niya ang tanyag na Montecillo Real Estate na 30 taon nang nasa rurok ng tagumpay. Lahat ng naisin niya ay napapasakamay niya sa isang kisap mata lang maliban sa isang bagay...