37

933 20 0
                                    

"IT'S A BOY!!!" Malakas na sigaw ni Janice mula sa mikropono matapos umulan ng mga confetti mula sa helicopter na  sinabayan ng malakas na hiyawan at palakpakan ng ilang mga bisita na nasa tahanan ng mga Clinton ngayon.

 Isang gender reveal party kasi ang nagaganap sa likod-bahay ng mga Clinton ngayong araw, inorganisa ito ni Carmen at Janice at syempre ay sa pangunguna ni Shaun.Nasa ikapitong buwan na ng pagbubuntis si Scarlet sa kaniyang triplets, dalawang buwan na lamang ay masisilayan na niya ang mga anak nila ng lalaking minamahal niya. 

Isang mahigpit at sinserong yakap ang iginawad ni Shaun sa kaniya, kasunod nito ay ang masuyong paghalik sa kaniyang noo. Nagtaka siya sa ginawa ng binata, Shaun is not this clingy. Ngayon lang at talaga namang palaisipan kung bakit, sa pagkakatanda niya ay simula noong malaman nito na hindi rehistrado ang kasal nila ni Alexander a nagsimula na itong lumapit sa kaniya. Noong una ay patago pa ngunit mas lalong tumatagal ay hindi na, kagaya ngayon. Bigla na lamang ito na yumakap sa kaniya at humalik sa kaniyang noo. 

"Scarlet," anito. "You made me the happiest," mahiang usal niya.  "Ipinapangako ko sa'yo na hindi ko gagawin ang ginawa ni Alexander sa'yo. I won't leave you and our babies, I promise to be a good father to our sons."

"Salamat Shaun, sa lahat. Hindi mo naman kailangan na gawin 'to, hindi mo kailangan na salohin ang lahat ng iniwan ni Alexander pero narito ka. Ibinibigay mo ng kusa ang sarili mo."

"Gusto ko ito e, ginusto ko na mahalin ka. Ginusto ko ang magpaka-feeling ama sa mga babies mo kasi alam kong deserve mo 'to. Sa dami ba naman ng struggles mo, iiwaan pa ba kita. Medyo abangers ako kung maituturing pero trust me Scarl, mabuti ang intesyon ko para sa iyo." Sinsero nitong wika.

"Alam ko naman 'yon, mabait kang tao. Hindi kita pag-iisipan ng kung ano," malapad siya na ngumiti at sinapo ang mga pisngi nito. "Malapit ka na pong maging Daddy."

"Don't worry, pinag-aaralan ko na kung paano magpatahan ng baby, magpalit ng lampin, at magtimple ng formula milk. Sisiw na 'yan sa akin, ako  pa ba?"

;ingid sa kanilang kaalama ay kanina pa s minamasdan ni Janice ang best friend niya na nasa bisig ni Shaun, sinundot niya pa ang tagiliran ng katabing si Melai na abala sa pagkain ng salad. Nang makuha ang atensyon nito ay pasimple niya na ininguso ang dalawa/

"Let them, Scarlet needs it para naman mapanatag siya kahit papano." ani Mela

"I know right but that's not what I meant."

"Ano naman 'yon?"

"Si Shaun, ibang-iba 'yong aura niya e. I mean, he had this playboy aura perothere is something about him talaga e." Hindi niya masabi ngunit pinipilit niya, there's an urge of feeling inside Janice that she couldn't explain. 

"Huwag ka mag-overthink, sa palagay ko naman ay mabait siya. Tignan mo nga, nagpresinta siya na maging ama ng anak ni Scarlet  knowing na sa karibal niya 'yon. I think he's a good man naman and malakas ang pakiramdam ko na seseryosohin niya naman si Scarlet." Marahan na tinapik ni Mela ang balikat ng kaibigan. "Hayaan natin na maging masaya sila, na maging masaya si Scarlet."

"Kung sabagay," tatango-tango itong si Janice na nananatiling nakatingin sa  dalawang tao na magkayakap sa hindi kalayuan.

Samantala, nakarating na kina Almyrah, Arriane at Shiela ang gender reveal party ni Scarlet. Naka-post kasi ang video at mga litrato ng kaninang party sa facebook status nina Mikaella, Carmen, at Shaun. Mixed-emotion ang nararamdaman ngayon ni Shiela nang makita ang babaeng minamahal ng kaniyang unico hijo, she really wanted to cry. Miss na miss na niya si Scalet, nasasabik na rin siya na makita at mayakap ang kaniyang mga apo ngunit wala siyang magagawa dahil sa oras na suwayin niya si Geron ay tiyak na mag-aaway silang ulit.

Passion Of Dawn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon