Dinala ni Alexander si Scarlet sa isang mamahaling restaurant na pag-aari ng matalik na kaibigan niyang si Zach, in-order niya ang lahat ng mamahaling pagkain na nasa menu. A gigantic grin spread across Alexander's face, hindi niya maintindihan ang nararamdaman. "I'm just happy because I already found her." Iyon ang itinatatak ni Alexander sa isipan niya habang nakatitig sa mukha ng dalaga.Napansin naman ni Scarlet ang pagtitig nito kung kaya't napatigil siya sa pagkain at nagtatakang tinitigan ito. "Akala ko ba gutom ka, why aren't you eating?"
"Yeah I'm hungry but ibang putahe ang gusto kong kainin."Pilyo itong ngumiti at kumindat inabot ang kamay ng dalaga na nakapatong sa lamesa. Agad na pinamulahanan ng pisngu ang dalaga kasabay nang malakas na pagkabog ng dibdib niya.
"Alexis," agad na pinandilatan ng mata ni Scarlet ang binata, isang pilyong ngiti ang isinagot nito.
"What? Para namang hindi pa natin nagagawa ang bagay na 'yon,"
Marahan na iniwagwag ni Scarlet ang kamay na hawak ng binata para maalis ito mula sa pagkakahawak ni Alexander, "isang pagkakamali iyon para sa akin. Kasalanan 'yon na maituturing kasi… kasi unang-una may girlfriend ka pala.
"Si Arianne?" Impit na natawa ang binata, "sue me but for her? Wala lang 'yon she doesn't even care kahit maglaplapan pa tayo sa harapan niya."
"Alexis!" Hindi naiwasan ni Scarlet na hampasin ng malakas ang braso ng binata dahil sa sinambit nito.
"What? I'm just stating the truth, girlfriend ko lang naman siya. Hindi pa asawa," muli ay sumilay ang maloko nitong ngiti. "Pero ikaw? Pwede kitang asawahin kung gugustuhin ko."
"Magseryoso ka nga,"
"I'm fucking serious Scarlet,"
"Alexis, si Arianne ang pinag-uusapan natin dito baka nakakalimutan mo lang."
"What about her?"
"Anong what about her? She is your girlfriend!" Mataas na ang tono ng boses niya, magkahalong inis at pagtitimpi ang mababakas dito.
"So?"
"Alexander ano ba?"
"I can dump her easily and I think she'll do the same. Matagal niya na 'yong pangarap,"
"Itatapon mo 'yong six years na pinagsamahan ninyo?"
"If it is for you, why not?" Kalmadong-kalmado si Alexander habang sinasabi niya ang bagay na 'yon. Scarlet's jaw almost drop upon hearing it.
"Alexander hindi ko pinangarap na maging third-party at mas lalo ang maging number two." Mariing sambit ni Scarlet.
"And who says that?" Kunot-noong tanong ni Alexander, ilang segundo rin na natahimik ang dalaga. "Scarlet sa deal pa lang namin ni Vernon ay ikaw na ang priority, now tell me. Sinong may sabi na magiging number 2 ka?"
"Priority? Anong priority?"
"Ikaw ang magiging kapalit ng pagpirma ko sa partnership na inaalok sa akin ni Vernon."
Tuluyan na nalaglag ang panga ng dalaga, hindi siya makapaniwala sa narinig niya. "What?"
Kumapraso muna si Alexander sa steak na nasa pinggan niya saka ito isinubo gamit ang tinidor bago nagsalita. "Starting tomorrow, you will no longer be entering your job because you are no longer an employee of Aquila."

BINABASA MO ANG
Passion Of Dawn (COMPLETED)
RomanceKilalanin si Alexander Montecillo, isang inhinyero at negosyante. Pag-aari niya ang tanyag na Montecillo Real Estate na 30 taon nang nasa rurok ng tagumpay. Lahat ng naisin niya ay napapasakamay niya sa isang kisap mata lang maliban sa isang bagay...