EPILOGUE

1.5K 32 15
                                    

Seven years later.....

"Ladies and gentlemen, AirPearl Pacific  welcomes you to the Philippines. The local time is 10:30 a.m .For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle clear until we are parked at the gate. Thank you!". Pag-aanunsyo ng flight stewardees matapos maka-landing ng eroplanong sinasakyan ni Shaun at ng mag-iinang Scarlet, Dwayne, Xander, at Vonne sa lupain ng Pilipinas.

"Oh boy! We're finally here! Chichawon bullakalak here I come!" Excited na sabi ni Xander.

"Yehey! Makakayen na ako ng halow-halow! " Pumapalakpak naman na sabi ni Vonne.

"Boys, boys behave-behave lang. Pananaway ni Shaun sa kaniyang mga inaanak. "Can't you see? Your Mommy and your brother we're still asleep, they're still resting and you knew the reason why. Another thing, Xander Alexy, Vonne Alexis. Hindi ang pagkain ng halo-halo at chicharong bulaklak ang pinunta natin dito, we're here because your Mom wants you to study and live here in Manila. Do you guys understand?" Sermon niya sa dalawang bata na nasa kaniyang tabi.

"Sorry po Daddy Nong." They said in unison.

They become quiet for a while, nagsimula lang silang magharot nang makababa na sila ng eroplano at makapasok sa arrival area ng airport.

It's been seven years since Scarlet and Shaun left the Philippines to start a new life in New Zealand in separate ways. Hindi sila nagkaroon ng kahit anong relasyon habang nasa ibang bansa bukod sa pagiging magkaibigan, iginagalang ni Shaun ang feelings ni Alexander at ni Scarlet para sa isa't-isa. He never take any of their situation as an advantage to take her away from him. Tumulong siya at nagmagandang loob bilang isang matalik na kaibigan kay Scarlet, at siya rin ang nagsilbing mensaher at gapagbalita kay Alexander na nasa Pilipinas kung ano na ang nangyayari kay Scarlet mula noong nangnak ito hanggang sa dumating ang ika-pitong kaarawan ng mga anak nila.

Matapos ang nangyari noon sa airport bago sila umalis ay napagtanto ni Shaun na kahit anong effort ang gawin niya ay hindi kailanman niya mapapalitan si Alexander sa puso ng dalaga. Lalong-lalo na sa puso ng mga anak nito na simula't sapul noong ipinanganak ay si Alexander na ang kinilalang ama at hindi siya.  Siya mismo kasi ang nagkukwento sa kanila tungkol dito ng patago dahil ayaw talaga ni Scarlet na malaman nila ang kahit ano tungkol dito.

Scarlet stays faithful too kahit na milya-milya ang layo niya kay Alexander , nagpagaling lang siya ng mga sugat ngunit nanatiling iisang tao lang ang nasa puso niya. Gusto kasi niya na kapag humarap siya rito ay maayos na siya, minahal niya ang sarili habang minamahal si Alexander mula sa malayo.

"Vonne Alexis! Huwag kang takbo nang takbo at baka madapa ka!" Pananaway ni Scarlet sa isa sa kaniyang mga triplets at kaniyang bunso na si Vonne.

"I'm okay Mommy! I'm going to be fi—Wooah! Sorry po Mister." Napatigil sa pagtakbo si Vonne nang aksidente niyang mabangga ang isang malaking lalaki na nakasuot ng itim na amerikano at shades.

Humarap ang lalaki at tinanggal ang kaniyang shades, yumuko siya upang tignan ang pitong taong gulang na bata na nasa kaniyang harapan. "I heard your Mom, kanina ka pa niya sinasaway."  ani ng lalaki.

"I-I'm sorry po, hinde ko naman nasasadya po e." nanginginig na sagot ng bata na yaring natatakot dahil inaakala niya na kagagalitan siya ng malaking mama na nakita niya.

Isang malapad na ngiti ang isinagot ng lalaki sa bata at ginulo pa ang buhok nito. "Next time, you  listen to your Mom. Okay?" Tumango lang si Vonne. "She just want you to be fine, away from pain and to avoid being hurt."

"Vonne Alexis, tawag na yikaw ni Mommy." Si Xander na sumusundo sa kaniyang kapatid. "Tara na!"

"Your name is Vonne Alexis?" Napangiti ang lalaki nang malaman ang pangalan ng batang kausap niya.

Passion Of Dawn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon