10

781 13 1
                                    

"MAHAL niya ako, that's what I feel." Pagkukwento ni Alexander sa kaibigang si Shaun na kausap nia via video call.

"Bro, seryoso  ka ba? Baka naman infatuated lang siya sa'yo." Paniniguro ni Shaun.

"No, 'yon ang pinararamdam niya sa akin."  Bumuntong hininga siya, hindi siya maaring magkamali. Hindi naman kasi siya manhid, alam niya kapag may taong may ayaw sa kanya at alam niya rin kung may taong ayaw sa kanya. 

"How about you? Anong nararamdaman mo for her?" 

"I like her, maybe an attraction or infatuation hindi ko alam. She's an incridible woman baka kahit nga ikaw, you might fall for her too."

"Papayagan mo ba ako?"

"Gago ka ba?"

Impit na natawa ang lalaki, "nagiging posessive ka Montecillo.  Tandaan mong may Arriane ka pa at may kasal na kailanganng harapin." 

"I know," lumamlam ang tono nito. "Tingin mo ba, masaya ang buhay may asawa?"

"Alexis, seryoso ka ba sa itinatanong mo?" 

"I'm just curious, may sinabi kasi si Arriane e." 

"About what? About the wedding?"

"Yeah, she wants me to marry Scarlet instead of her."

"Do you wanna marry her?" Seryosong tanong ni Shaun. 

"Who?"

"That girl," mula sa likod ni Alexander ay dumaan ang naka-swimsuit na si Scarlet, galing ito sa pagsu-swimming sa dagat. Itinuro ito Shaun, nilingon naman siyang saglit ni Alexander bago ibalik ang mga mata sa monitor ng laptop.

"Scarlet? No."

"No?" Pag-uulit ni Shaun sa isinagot ng kaibigan.

"I just wanna play with her, si Arriane pa rin naman ang mahal ko kahit na napakataas ng pride ng babaeng 'yon." Tumaas ang kilay ni Shaun mula sa narinig na ikinatawa naman ni Alexander. "Relax, I'm just kidding. Ayaw akong pakasalan ni Arriane at ayaw ko rin siyang pakasalan. We have a mutual understanding when it comes to that marriage na gustong mangyari ng pamilya naming dalawa. And about Scarlet, malalaman natin 'yan sa tamang panahon."

"So what's your answer?"

"Answer?"

"Bro naiipit ka sa dalawang babae, 'yong fling-fling lang matatanggap ko pa. Kung fling nga lang kayo ni Scarlet pero gago! Binahay mo na, may nangyayari pa sa inyo diyan. You even introduce her to Ninang Shiela. Hindi na fling 'yan, alam kong meron na rin."

"Like what I've said, she's an incredible woman. And nasabi ko na ba sa'yo na she's a wife material too?"

Muling napataas ang kilay ni Shaun, nakakramdam na siya but he choose to keep it. He wants Alexander to figure it out. "No, ngayon pa lang."

Muling sinulyapan ni Alexander ang babaeng kakapasok lang sa kwarto, matikong kumurba ang labi niya sa isang ngiti nang magtama ang mga mata nila. "Hey! How's your day?" 

"Okay naman, may nakita ako na nagbebenta ng isda sa labas  naisipan ko na bumili para may lunch tayo mamaya kaso hindi ko mahanap ang wallet ko." Anito habang hinahalughog ang maleta niya. 

"Here," kinuha ni Alexander ang wallet niya mula sa blusa at iniabot ito kay Scarlet na nagtataka naman. 

"Ano 'yan?"

"Kaysa hanapin mo 'yong nawawala just take it, ubusin mo na ang laman niyan. Magwi-widraw na lang ako mamaya." 

"Si Alexander parang tanga." Umikot ang mga mata nito.

Passion Of Dawn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon