NANG magising si Scarlet mula mahimbing na pagkakatulog ay isang tao lang ang hinanap ng mga mata niya, kinapa niya ang kabilang side ng kama ngunit bigo siya na makita ito. Nag-iisa siya sa loob ng apat na sulok ng malaking kwarto. She did expected it pero nadismaya pa rin siya, sino ba siya para makaramdam ng gano'n? She is just his toy na hahanapin lang kapag nangangailangan siya at para matugunan ang tawag ng laman. Sino ba siya para masaktan? Hindi ba't hamak na babae lang siya na parausan ng lalaking gusto niya, afterall it's her fault. May pagkakataon siya na tumanggi pero hindi niya ginawa, kahit pa alam niya na wala siyang pag-asa na magustuhan ng lalaki ay patuloy niyang ipinilit ang sarili niya. Iyon ang nasa isip ni Scarlet ngayon, umagang-umaga ay sinasakyan niya ang sarili niya with the hurtful truth.
Natulog si Scarlet na hindi katabi si Alexander, nagising siya na wala pa rin ito sa tabi niya. Iniisip niya ngayon na baka kay Arriane tumabi ang binata. Na baka si Arriane ang kayakap nito, si Arriane ang katabi sa higaan. Si Arriane na pakakasalan, si Arriane na love of his life, si Arriane na anim na taon na niyang karelasyon. Si Arriane na maganda, si Arriane na mayroon ng lahat na wala siya.
Ayaw niyang imulat ang mga mata, ni ayaw niyang bumangon mula sa higaan. Ayaw niyang magkatotoo ang iniisip niya, that's how weak Scarlet is. She overthink a lot kahit pa minsan ay exaggerated na, kahit pa minsan ay hindi na tugma.
Nanatili siyang nakahiga at nakapikit ang mga mata, pinakikiramdaman niga ang paligid hanggang sa marinig niya ang mahinang paglangitngit ng pinto. Hindi nakaligtas sa pang-amoy niya ang mabango at lalaking-lalaking amoy ng binata, Scarlet know that it's him. Bumalik siya, Alexander is finally here pero nanatili pa rin siyang nakahiga at nagpanggap na tulog.
"Good morning beautiful," mahinang sambit ni Alexander, dumukwang pa ito para saglit na angkinin ang labi ng dalaga. "I hope you're okay, gumising ka na. Ipinagluto kita ng pagkain." Aniya, ilang segundo siya na naghintay sa pagmulat ng mga mata nito ngunit bigo siya.
Naisipan ni Alexander na gisingin sa paraang alam niya ang dalaga, he puts the wooden tray on the night stand. Pumanhik siya at kinubababawan si Scarlet at hinalik-halikan sa iba't-ibang parte ng mukha. Iyon ang bagay na hindi gusto ni Arriane noon na ginagawa niya, nagagalit ito kapag ginigising siya ng maaga. Unlike Scarlet, gustong-gusto niya na binebaby siya ni Alexander.
Nakakaramdam ng pagkakiliti si Scarlet dahil sa ginagawa ng binata, she really wants to laugh but she doesn't want to ruined their moment. Kapag nalaman ng binata na gising siya ay titigil ito that's why she continue her pretention. Nagkunwari siyang tulog para lalo niyang maramdaman ang mga labi ng binata na dumadampi sa balat niya.
"Scarlet..." Mahinang bulong ng binata. "I know you're awake, nakita ko na gumalaw ang kamay mo." He mutter as he lick the girl's earlobe.
Dahan-dahang iminulat ni Scarlet ang mga mata niya, una niyang nasilayan ang gwapong mukha ng binata at ang mga mata nito na nakapako sa kanya. "Good morning, Alexis" bati niya sa binata.
"Nagluto ako ng breakfast, kumain ka na." Malambing na sabi ng binata saka siya muling hinalikan sa mga labi ni Scarlet bago siya umalis sa pagkakubabaw niya sa dalaga at tumayo para kuhanin ang wooden tray kung saan nakalagay ang pagkaing niluto niya.
"Halik ka ng halik diyan, wala pa nga akong toothbrush." Natatawang sambit ni Scarlet habang bumabangon sa higaan.
"So?" Ani Alexander, ipinatong niya ang wooden tray sa kandungan ng dalaga. "Walang kaso 'yon kahit nga ilang araw ka pa na hindi maligo e.
"Siraulo," sambit ng dalaga. Mataman niya na tinitigan ang hinain ni Alexander sa harapan niya, halos sunog ang hotdog na nasa platito, hindi pa lutong-luto ang tocino na kasama nito. Sa lahat ng niluto ni Alexander ay ang itlog lang at fried rice ang matino-tinong kainin.
BINABASA MO ANG
Passion Of Dawn (COMPLETED)
RomanceKilalanin si Alexander Montecillo, isang inhinyero at negosyante. Pag-aari niya ang tanyag na Montecillo Real Estate na 30 taon nang nasa rurok ng tagumpay. Lahat ng naisin niya ay napapasakamay niya sa isang kisap mata lang maliban sa isang bagay...