3

1.4K 28 10
                                    

HALOS magkakalahating oras nang naka-upo sa isang mahabang sofa na nasa lobby si Scarlet, halos mamuti na rin ang mga mata niya kakaantay na tawagin siya ng receptionist. Nasa loob siya ngayon ng Montecillo Real Estate upang gawin ang iniatas ni Vernon sa kanya kahit na walang kasiguraduhan ay sumugal pa rin ang dalaga. Nagbabakasakali kasi siya na baka gumana ang ika nga ay charm at beauty niya. Nagdesisyon siya na lumapit muli sa ika-apat na pagkakataon.

"Miss matagal pa po ba?" Siyang tanong Scarlet sa babaeng receptionist.

Nag-aalangan na tinignan siya ni Jennifer, ang babaeng receptionist. "Ah Ma'am p-pasensya na po, katatawag lang po ni Mr. Montecillio and ang sabi po kasi ni C.E.O ay hindi raw po siya tatanggap ng kahit sinong tao mula sa Aquila."

Mabilis na napatayo si Scarlet dahil sa narinig, "kahit saglit lang kamo Miss, pakiusap. Kailangan na kailangan ko lang siya na maka-usap." Pagmamaka-awa pa ng dalaga, parehong nagkatinginan ang dalawang babaeng receptionist bago nila hinarap muli si Scarlet.

"Pasensya na talaga Miss, may isang salita po ang boss namin at kapag hindi 'yon nasunod ay baka mawalan po kami ng trabaho." Si Lierrie na isa sa mga receptionist ang sumagot.

"G-Gano'n ba? Sige, p-pasensya na..." napabugha ng hangin si Scarlet. Bagsak ang balikat na tinalikuran niya ang mga receptionist, mabigat ng bawat pagtapak niya sa sahig ng ground floor habang papalabas sa malaking glass sliding door ng gusali.

Ayaw niya yalaga na umalis hangga't walang pirma ni Mr. Montecillo ang folder na hawak niya. Ani Scarlet ay hindi naman mahirap pumirma, bakit kailangan pa na ipagdamot ng matapobreng C.E.O ang maliit na bagay na 'yon?

Sa paglalakad ni Scarlet ay bagsak ang kaniyang ulo, nahihiya siya dahil mukhang wala na siyang babalikan pa na trabaho. Hindi niya alam kung saan mag-aapply at kung paano tutugunan ang pangangailangan ng kaniyang kapatid. Magulo ang kaniyang isipan kung kaya naman ay hindi niya napansin ang paparating at kasalubong na babae.

"Sorry po, Sorry ma'am." Gulantang na gulantang si Scarlet nang makita niya na nabasa ang damit ng babae.

"God!" Iritableng sigaw ng isang babae matapos na siya ay aksidenteng mabangga ni Scarlet matapunan ng milk tea na iniinom niya sa puting dress na suot niya.

"Naku! Sorry po Miss, sorry po." Ang tulalang si Scarlet ay bumalik sa ulirat nang makita niya ang babae na naliligo sa malamig na kape at basang-basa. "Sorry talaga Miss, h-hindi ko po sinasadya."

"Scarlet? OMG! Scarlet is that you?" Mariin na pinagmasdan ni Arianne ang babae na nasa harapan niya at nagpupunas sa damit niya na natapunan ng inumin. Nakikilala niya ang dalaga, malinaw pa sa alaala ni Arianne ang ginawang pagliligtas nito sa kaniya. "Scarlet it's me, Ari. Don't you remember me? Ako 'yong niligtas mo kagabi." Masayang sabi nito habang napapatalon pa.

"O-Oo, n-natatatandaan kita. K-Kumusta ka?" Ang totoo ay hindi pa nakakarecover si Scarlet dahil sa nangyaring aksidente kanina. Kaya kahit wala sa sarili ay napa-Oo na lang siya kahit na hindi niya tiyak kung natatandaan niya pa ang babaeng nakabangga.

"OMG! This is so unbelievable! Imagine, for the second time, pinagtagpo na naman tayong dalawa." Walang pagsidlan ng kasiyahan ang nararamdaman ngayon ni Arianne nang muli niyang makita ang babaeng pinagkakautangan niya ng buhay. Hindi na niya naisip ang nadumihang dress at natapon na mamahaling milk tea. Masayang-masaya ang dalaga sa pagkikita nilang dalawa ni Scarlet. "You know what, you should meet my boyfriend. Ipi-flex kita ng sobra sa kaniya. Let's go! Let's go!" Nagtatalon nitong sabi sabay higit sa braso ni Scarlet.

"P-Pero Ari... may trabaho pa ako, next time na lang siguro."

Napahinto naman si Arianne. "Trabaho? What kind of work is that?"

Passion Of Dawn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon