Parehong iminulat ni Scarlet ang mga mata nang bumalik ang kanyang malay, nagising siya sa isang puting kwarto. Malaki ang silid, maraming mga mamahaling gamit siya na nakikita rito tulad ng flatscreen na t.v, aircon, personal computer set, sofa, coffee table , at kung ano-anu pa. Hindi familliar ang lugar, ni minsan ay hindi pa siya nakapupunta rito. Natagpuan ng dalaga ang sarili na nakagapos ang mga kamay at paa habang siya ay nakahiga sa mataas na canopy bed.
"N-Nasaan ako?" Ito agad ang namutawi sa kanyang bibig. Muli niyang tinitigan ang paligid pati na sarili niya. Napamulagat siya nang makita niya na hindi niya na suot ang bathrobe na huling saplot niya sa katawan noong nwalan siya ng malay. Isang floral dress na kulay puti ang suot niya
"Tao po! May tao ba riyan? Tulungan po ninyo ako!" Sigaw niya habang sinusubukan na makwala mula sa pagkakagapos. "Alexander! Alexander nasaan ka? Tulungan mo ako!" Muli niyang pagsigaw ngunit tila wala ang lalaki na tinatawag niya. Nagsimulang mabalot ang takot sa puso ng dalaga, naramdaman niya ang panunubig ng kanyang mga mata at pagsikip ng kanyang hininga. "A-Alexander... N-Nasaan ka? T-Tulungan mo ako," sambit niya kasunod ang paghikbi niya. "A-Alexander..." Paiyak na sana siya ngunit natigil siya nang marinig niya ang dahan-dahan na pagbukas ng pinto. Iniluwa nito ang dati niyang boss at kapatid ni Arriane na si Vernon, nakasuot ito ng asul na collar t-shirt at puting sweat pants. May dala itong wooden tray na may gatas, vegetable soup, at prutas.
"Glad you're awake, akala ko maghihintay pa ako." Nakangiti nitong sabi.
"S-Sir Vernon..." Nabalot ng takot ang boses niya, agad siyang napa-usog sa kabilang side ng kama nang lumapit ito.
"Chill, hindi kita sasaktan at hindi naman ako nanankit. You're one of my former employee, may utang na loob ako sa'yo. So why would I hurt you?" Ibinaba nito ang tray sa kama bago muling nagsalita. "Kain ka na, ang sabi ni Alexis hindi ka pa raw nagbe-breakfast."
"S-Sir... n-nasaan po si Alexander?"
"He's preparing for his engagement with my sister. Alam mo naman siguro 'yon?"
Umiling-iling ang dalaga. " S-Sir... a-ako po ang girlfriendn niya."
"At naniwala ka naman sa kanya? Scarlet, matanong nga kita. Ilang buwan mo na bang kakilala si Alexander? Three months? Five Months? How many?"
"Anim na buwan."
He chuckles, "anim na buwan and yet hindi mo pa rin kilala kung sino ba atalaga siya. At kung ano ba talaga ang tunayn niya na katauhan? Scarlet, you poor little thing."
"Hindi kita maintindihan," she's worried and confused.
"He's rich and powerful kaya madali na lang sa kanya ang magsawa kasi nadadaan niya sa pera ang lahat. Kaya kung ako sa'yo, kakalimutan ko na siya at magpapakalayo-layo ako."
"Sir Vernon, hindi kita maintindihan. Ano ba 'yang sinasabi mo."
"Sawa na sa'yo si Alexander, bumalik na siya sa kapatid ko. Gusto niya na ulit na itulopy ang kasal nilang dalwa."
"H-HIndi, hindi niya magagawa 'yon. Ako ang mahal niya at isa pa, hindi siya kay Arriane pupuntahan. May mga lalaking nanakit sa kanya kanina. Kaya imposible ang sinasabi mo, kitang-kita ng mga mata ko ang nangyari."
"It's all part of his plan Scarlet, he's clever at naisahan ka niya."
"Plan? Anong plan?" Tuluyan nang nalaglag ang luha sa mga mata niya.
"Hindi ka niya talaga mahal, it's just lust. Matagal ko nang kilala si Alexander, sa dami ng babaeng ginamit niya. Imposible na hindi ka isa sa kanila." He then sigh and cupped both of her cheeks, " poor you. Masyado ka kasing fragile and vulnerable kaya napakadali para kay Alexander na paniwalian ka."

BINABASA MO ANG
Passion Of Dawn (COMPLETED)
RomansaKilalanin si Alexander Montecillo, isang inhinyero at negosyante. Pag-aari niya ang tanyag na Montecillo Real Estate na 30 taon nang nasa rurok ng tagumpay. Lahat ng naisin niya ay napapasakamay niya sa isang kisap mata lang maliban sa isang bagay...