14

690 16 0
                                    

WARNING
R18 SPG,MATURED CONTENT AND SCENES. NOT TO BE READ BY AUDIENCES UNDER 18 OF AGE. READ AT YOUR OWN RISK.


Muling bumyahe sina Alexander at Scarlet matapos ma makapag-almusal at makabili ng ilan pang mga pagkain na pupwede nilang kainin habang nasa byahe. Well, actually pagkain lang pala ni Scarlet dahil siya lang naman ang madaling magutom. Nakakakain lang si Alexander kapag sinusubuan siya nito o inaabutan ng kahit anong pagkain, na kahit hindi niya naman gusto ay napipilitan siya na ibuka ang bibig niya at kainin ito.

"Matagal pa ba tayong mai-stuck dito?" Reklamo ni Scarlet nang makaramdam ng pagkaburyong dahil sa tagal ng traffic.

Napangiti naman si Alexander dahil ngayon niya na lang ito na narinig na nagsalita dahil naging abala ito sa pagkain. "Well, matagal pa ito. Hayaan na natin, ayaw ko pa rin naman na umuwi at makita ang nakabusangot na mukha ng Daddy."

"Magkamukha kaya kayo, lalo kapag magkasalubong ang kilay ninyong dalawa." She was trying to crack a joke pero mukhang hindi nagustuhan ng lalaki iyon. Nilingon at pinukol niya ng masamang tingin si Scarlet dahil sa narinig.

"No." Mariin nitong sabi, "si Mom lang ang kamukha ko."

"Sort of, especially whenever you smile." Ani Scarlet. "Same tayo, kamukha ko rin ang nanay ko."

"And I'm sure she's pretty too, maganda ka e. You have a very enticing eyes, sobrang attractive ng mata mo." Pamumuri ng lalaki.

"Hindi ako naniniwala."

"Why not?"

"Hindi ka naman naa-attract e, saka na ako maniniwala kapag ikaw mismo na-attract ka na sa akin."

"But I am attracted," seryoso nitong sabi. "Kukuhanin ba kita sa kumpanya ni Vernon kung hindi?"

"Ni-libog ka lang talaga," bulong nito at umirap saka pinagpatuloy ang pagkain. But she cannot deny that her heart skips a beat when she heard his confession, hindi niya inaasahan na sasabihin ni Alexander 'yon.

"What did you just said?"

"Wala!" Iritableng saad ng babae.

"May sinabi ka, I heard it. Hindi ko lang talaga naintindihan."

"It's nothing," paninindigan niya.

Bumuntong hininga si Alexanxer bilang pagsuko, wala naman siyang mahihita dahil mukhang walang balak si Scarlet na ulitin ang sinabi niya.

Ilang oras sila na muling bumyahe bago makarating sa bahay ng mga Montecillo, papasok pa lang sila sa bakuran ng mansyon ay nakaramdam na ng kaba si Scarlet. Batid niya kasi na ayaw ng ama ng binata sa kanya, hindi niya naman gawain na ipikit ang sarili niya kaya nag-aalangan siya na pumasok sa loob.

"What's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Alexander nang mabakas niya ang takot sa mukha ng dalaga nang pagbuksan niya ito ng pinto. She just shakes her head as no to answer his question. "You sure?" Ngayon naman ay tumango siya bilang sagot nang makababa ng kotse."Are you scared?" Muli nitong tanong nang isara niya ang pinto ng kotse.

"Nope," sa wakas ay pagsagot ng dalaga. "Ini-expect ko naman na itataboy niya ako oras na makita ako ng tatay mo."

Hinapit ni Alexander ang katawan ng dalaga palapit sa katawan niya at hinagkan ang tuktuk ng ulo nito. "I won't let him, magkakamatayan muna kaming dalawa."

"Hindi mo naman kailangan gawin 'yon, concern lang siya sa'yo. Anak ka niya e, he only want whats the best for you."

"I am a grown up making grown up decision and supposedly support lang ang kailangan pero hindi e, pinapakielaman niya at pinangunguhan niya pa ako. Kaya nga nagkaproblema ako ngayon, dapat ay magtatagal pa tayo sa Palawan pero dahil gago ang tatay ko napilitan ako na umuwi. Pati ikaw na dapat na nananahimik ay nadadamay pa, I'm sorry."

Passion Of Dawn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon