WARNING: MATURED CONTENT.
Halos isang lingo na rin nang manatili rito sa Batangas para magluksa at maglamay sina Alexander at Scarlet, bukas sa ganap na ika-6 ng umaga ay nakatakda na bumalik sa Manila si Alexander. Sa makalawa na rin kasi ang kasal ni Alexander sa dati nitong nobya na si Arriane, nakakaramdam siya ngayon ng kakaibang lungkot dahil hindi man lang niya nasulit ang isang linggong taning na ibinigay ng ama ng binata. Hindi man lang niya na-solo ang lalaki dahil sa pagluluksa niya, ngayon ang huling gabi na sa kaniya ang lalaki. Sa mga susunod na araw ay babalik na siya sa tunay na nagmamay-ari sa kanya, babalik na siya sa unang babae na minahal niya. Pinaraan lang nila ang siyam na araw ng Kuya niya saka sila nagdesisyon na umuwi na rin sa Manila. Base na rin sa sinabi ng biyenan ng Kuya niya ay mas mahalaga na magpatuloy ang dalaga pati na ibang kapatid nila sa buhay para sa kanilang namayapang Kuya.
Nasa isipan ngayon nu Scarlet ang hindi na pagsama pabalik ng Manila, ayaw niya na makita ito na ikinakasal sa iba. Kahit hindi niya aminin ay nasasaktan siya, hindi niya kailanman kayang tanggapin ang katotohanan na itinakda para sa iba ang lalaking mahal niya.
"You look pale, may masakit ba sa 'yo? Masama ba ang pakiramdam mo?" Puna ni Alexander, he look at her with a concern gaze. Sinapo pa niya ang magkabilang pisngj ng dalaga at maigi na pinagmasdan. "Spill it my sunshine, what's bothering you?"
Umiling-iling siya at dagling yumakap sa lalaki, ma-mimiss niya ang mga yakap at halik nito pati na ang pilyong ngiti ng binata na nagpapabuhay sa dugo niya. Hindi niya alam kung paano magsisimula muli na hindi ito kasama, kung pupwede lang talaga na hindi na ito umuwi bukas.
Takang yumakap pabalik si Alexander, nakaramdam siya ng kakaibang pagkabalisa dahil sa ginawang pagyakap ng nobya. She look unease, batid niya na may bumabagabag dito, gustong-gusto na niya ito na malaman.
"I-Ikakasal ka na sa Martes," mahinang sambit niya habang nakabaon ang mukha sa dibdib nito.
"Walang kasal na mangyayari, hindi naman ako a-attend e. I would rather choose to stay here with you Scarl. Mas gusto kitang makasama, ikaw pati na ang magiging mga anak natin in the future."
"P-Pero hindi mo pupuwedeng suwayin ang utos ng Daddy mo."
"I don't care about him," anito saka dahan-dahan na humiga sa kama habang yakap-yakap si Scarlet na nasa ibabaw niya ngayon. "Hindi ako uuwi bukas, bahala silang magkasal na walang groom. Basta ako, I will stay here together with my future wife and the future mother of my future children."
"E paano kung gawin nila ulit ang nangyari noon? Ipahanap ka at paglayuin tayo muli, anong gagawin mo?"
"Once is enough, hindi ko na hahayaan na magkalayo pa tayo Scarlet. Like what I've said, you are the only woman that I wanted to call wife, the only woman that I want to bear my children. Sayang ang magandang lahi na sisimulan natin Scarlet."
"Mahal na mahal kita Alexander," aniya nang mag-angat ng ulo.
"Mas mahal na mahal kita my future Mrs. Montecillo," ngumiti ito at humalik sa noo nga dalaga.
"Alam mo ba?" Huminto ito upang iayos ang sarili sa pagkakubabaw sa lalaki. Sinapo niya ang mga pisngi nito at pinisil-pisil. "Dati-rati kapag sinasabi mo 'yan. Pakiramdam ko, niloloko mo lang ako."
"I knew it, that's why I did and I'm still doing my best for you to forget that thinking." Sinuri niya ang mukha ng kasintahan. "You're so gorgeous," ngumiti siya.
"Ikaw rin naman, ang guwapo-guwapo mo. Hindi ko nga sukat akalain na magkakagusTo ka sa isang tulad mo."
"Tulad mo? What do you mean by that?"
"Hindi ako maganda, hindi ako sexy, hindi rin ako sing-"
"And who told you that?"
"Ako lang."

BINABASA MO ANG
Passion Of Dawn (COMPLETED)
RomansaKilalanin si Alexander Montecillo, isang inhinyero at negosyante. Pag-aari niya ang tanyag na Montecillo Real Estate na 30 taon nang nasa rurok ng tagumpay. Lahat ng naisin niya ay napapasakamay niya sa isang kisap mata lang maliban sa isang bagay...