ABALA si Scarlet sa pagliligpit ng mga gamit ni Alexander sa kwarto nito, noong isang araw pa niya talaga ito balak na linisin ngunit hindi niya nagawa dahil maghapong nakadikit sa kanya ang binata. Araw ng Lunes at wala ngayon si Alexander, pumasok ito sa opisina. Wala rin namang magawa ang dalaga kung kaya't naisipan niya na magligpit at maglnis sa kwarto ng binata. Napakaraming maruruming mga damit na nagkalat sa lapag, sa ilalim ng kama, at nakahalo sa malinis. May mga bote rin ng alak at upos ng sigarilyo sa iba't-ibang sulok ng kwarto. Naninilaw na rin ang mga tiles sa loob ng banyo. Sa buong maghapon ay ang paglilinis ang pinagkaabalahan ni Scarlet. Pinalitan niya rin ultimo kobre-kama at mga punda sa kama ni Alexander, tiniklop niya at inayos pati na ang mga damitan nito.
Sa pag-aayos niya ay hindi inaasahan na matagpuan niya ang isang box na kulay asul, kung saan nakalagay ang lahat ng memories nina Arianne at Alexander. Naroon ang mga litrato nila noong nagsisimula pa lang ang dalawa pati na ang mga sulat na pinapadala ng dalaga sa binata. May mga stuffed toys, lipstick, bote ng pabango na walang laman, at mga gamit na condom rin sa loob ng kahon na maaring ginamit ng magkasitahan noon. Sa lahat ng laman ng kahon ay may dalawang bagay lang ang pumukaw sa sa atensyon ng dalawa, ang bagay na iyon ay isang mamahaling na gintong singsing na may malaking dyamante at naka-ukit na Alexander & Arianne. At ang isa naman ay isang video camerq, hindi maiwasan ng dalaga na ma-curious kung ano ang laman ng video recorder kaya kahit may kaba at pag-aalinlangan ay kinalikot at ginalaw niya ito. Isang video clip ang lumas na agad niya namang pinindot at pinanood, video iyon ni Arianne habang nakahiga sa isang puting kama at walang saplot kung'di isang makapal na kumot lang. Batid ng dalaga na si Alexander ang may hawak ng camera sa video lalo na at kita ang malaking kamay nito at braso na nakayakap sa dalaga.
"Hey beautiful," masuyong sambit ni Alexander mula sa video. "Gising na, may round 3 pa tayo." Impit lang na tawa ang isinagot ng nahihimbing na si Arianne. "Wake up Ms. Beautiful."
"Alexis, I'm still tired. Mamaya na lang 'yan, makakapag-hintay ka pa naman siguro."
"Fine, I'll just bang you later okay? I love you." Natatawang sabi ni Alexander. "I love you babe."
"I-I love you too."
"I love you so much Arriane ko."
Hindi maiwasan ng dalaga na makaramdam ng ng selos at hinanakit sa loob niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya alam kung ano ang papel niya sa buhay ng binata. Bagamat siya nga ang kasama sa iisang bubong, katabi sa higaan, at madalas kasalo sa hapag-kainan at maging sa kama ay hindi naman siya ang mahal ng binata.
Nang maramdaman niya na nanunubig ang mga mata niya ay umiling-iling siya at agad na pinigil ito. Pinunasan niya agad ang mga mata niya gamit ang braso saka muling pinagpatuloy ang paglilinis ng kwarto.
Pilit niya na iwinawaglit ito sa isipan niya ngunit hindi niya kaya, nahihirapan siya sitwasyon niya dahil walang kasiguraduhan kung ano nga ba ang pwesto niya sa buhay ni Alexander, everything isn't. Kaunti na lang ay susuko na siya. Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang makatanggap siya ng tawag mula sa matalik niyang kaibigan na si Janice. Kaarawan nito ngayon at naisipan niya na ayain si Scarlet na mag-bar. Hindi naman niya tinangihan ang kaibigan, bumangon siya mula sa kama at inayos ang sarili.
Isinuot niya ang pinakamaganda at pinakasopistikadang kasuotan na na iniregalo sa kanya ni Alexander. Isa itong manipis na silk backless dress na kulay pula at hapit na hapit sa katawan niya, above the knee ang haba nito at talaga namang litaw na litaw ang perpektong hubog ng katawan ng dalaga pati na ang mayamang dibdib dahil sa plunging neckline ng naturang damit. Pinaresan niya ito ng silver na stilleto at kulay itim na chanel sling bag na may golden chain. Inilugay ang buhok at naglagay ng manipis na make-up at pulang-pulang lipstick para kumpletuhin ang looks niya. Hindi siya sanay na magsuot ng ganoon ngunit pakiramdam niya ay deserve niya naman kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Passion Of Dawn (COMPLETED)
RomanceKilalanin si Alexander Montecillo, isang inhinyero at negosyante. Pag-aari niya ang tanyag na Montecillo Real Estate na 30 taon nang nasa rurok ng tagumpay. Lahat ng naisin niya ay napapasakamay niya sa isang kisap mata lang maliban sa isang bagay...