30

736 18 0
                                    

Alexander and Scarlet spend their first night as a husband and wife, making love over and over again. Wala silang pinalampas na oras para gawin 'yon. Hindi na nagpigil si Alexander dahil finally ay legal na silang mag-asawa at may basbas na ang kanilang pagsasama ni Scarlet. They both feel happy and grateful even if their wedding is very sudden and it is not their dream wedding.

"Are you happy?" Usisa ni Alexander sa nakayakap na si Scarlet.

"Sobrang saya ko Alexander," malapad ang ngiting sagot niya.

"I'm sorry kung hindi enggrande ang kasal natin."

"Alexander, hindi ko kailangan ng enggrande o mamahalin na kasal. Ang mahalaga sa akin ay naikasal na ako sa'yo."

"Hayaan mo, after this hurricane na ginawa ni Dad. Ikakasal tayo ulit, I am willing to spend hundred million pesos for our church wedding."

"Sapat na sa akin ito Alexis, asawa na kita e. Dream come true na ito para sa akin, tho sobrang biglaan pero atleast 'di ba? Kasal na tayo bago pa man kayo maikasal ni Arianne."

"Mahal na mahal kita Scarlet."

"Mas mahal na mahal kita Alexander."

Hindi man sinasabi ni Alexander ngunit batid niya na binabagabag pa rin siya ng nais mangyari ng ama niya. Hindi niya alam kung bakit pinipilit siya nito na magpakasal sa ex niya but he doubt na malalim ang dahilan ni Geron para gawin iyon. Napanatag naman siya kahit papaano nang makapirma siya sa marriage certificate nilang dalawa pero hindi pa rin niya maalis sa isipan ang posibleng gawin ng ama niya kapag nalaman nito na ikinasal na siya.

Tatlong araw pa ang inilagi ng mag-asawa sa Batangas bago nila napagdesisyonan na umuwi sa Manila, ayaw pa talaga ni Alexander na umuwi ngunit kinailangan dahil sa dami ng trabaho na naiwan niya sa opisina. Alexander wants to gave his wife a better future kung kaya kahit mahirap nang mapahiwalay kay Scarlet dahil nga sa kasal na sila ay tiniis niya.

Sa sariling bahay sa Parañaque itinira ni Alexander ang asawa, nag-hire rin siya ng ilang mga helpers at guard para hindi nag-iisa ang asawa. Madalas rin na dumadalaw si Janice at Mela roon pati na ang kapatid at ina ni Alexander para samahan si Scarlet.

"Kumusrta naman ang buhay may asawa?" Usisa ni Mela sa kaibigan.

"Heto buhay reyna," si Janice ang sumagot sabay hagalpak ng tawa.

"Sira ulo ka Ja," natatawa namang sambi ni Scarlet.

"O e bakit? Hindi ba totoo? Look at yourself Scarlet, donyang-donya ang datingan."

"Sa true!" Pagsang-ayon pa ni Mela. "Talaga namang ka-swerte mo Scarlet, biruin mo bukod sa guwapo na at mayaman pa ang napangasawa mo. Napakabait pa at napakasipag din, prayer reveal naman dyan."

"Nagayuma ko lang talaga siya," pabirong sambit ni Scarlet saka mapait na tumawa.

Oo masaya siya pero hindi niya pa rin maiwaglit sa isipan niya na hindi siya tanggap ng ama ng asawa niya. Hindi niya pa rin matanggal sa isipan niya na may ibang tao talaga na nakatakda sa posisyon niya, batid ni Scarlet na hindi siya handa kapag dumating ang araw na iyon ngunit wala na siyang ibang pagpipilian kung'di ang lumayo. Bagama't siya ang legal na asawa at mahal ni Alexander ay may mga bagay pa rin talaga na hindi umaayon para sa kanya.

"So what's with the frown? Hindi ba dapat ay masaya ka?" Si Mela.

"Pupusta ako, iniisip mo na naman 'yong tatay ng asawa mo." Wala sa sariling napatango si Scarlet nang sabihin 'yon ni Janice. "Girl, asawa ka na. Legal na asawa, bakit mo pa kailangan isipin 'yon?" 

"Ja, hindi mo naman masisisi 'yang si Iska. Syempre, tatay ng asawa niya 'yon. Masakit para sa kanya na malaman na hindi siya tanggap ng ama ng asawa niya."  

Passion Of Dawn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon