MAAGA na nagising si Alexander nang dahil sa isang phone call mula sa sekretarya niyang si Mikaella, may bago kasi silang kliyente at nais nito na si Alexander ang gumawa ng design ng bahay nila. Ipinasa na rin ng sekretarya niya ang ilang mga suggestion ng client para sa 3 story house na gagawin.
Hindi na inabala na gisingin pa ni Alexander ang kasintahan, humalik lang siya sa labi nito at hinayaan na niya na matulog si Scarlet. Nagprepare na rin siya ng breakfast para sa minamahal, this time ay siniguro niya na hindi na sunog ang hotdog at hindi na hilaw ang tocino, sinikap ng binata na matuto kung paano magluto para kay Scarlet.
Matapos makapagluto at inilagay na niya sa pinggan ang mga 'yon saka niya tinakpan sa lamesa. Naligo at nagbihis na rin ang binata, nagsuot siya ng puting sando at boxers short saka kinuha ang mga gamot mula sa isang maleta. Tumungo na siya sa salas para doon gumawa ng blueprint, inihanda na niya ang mga kagamitan saka niya sinimulan ang pagbubuo ng design para sa kanyang mga kliyente. Parati niyang dala ang kanyang iPad at pen kung sakali man na habang nasa malayo siya at may tumawag na kliyente ay matutugunan niya ang mga naisin nito.
Dala niya rin pati na ang kanyang mga drafting pencils at erasers, architect's scale, rulers, measuring triangles, protractors, and other drawing and measuring aids. Hindi rin mawawala ang drafting paper
at Blueprint paper para sa final na design, at syempre ay ang kanyang drafting tape.Habang abala siya sa paggawa ng blueprint ay hindi niya namalayan na kanina pa siya pinanood ng dalaga mula sa kama. Hindi pa ito bumangon mula roon ngunit tumagilid siya ng higa sa direksyon ni Alexander habang pinanood ang kasintahan sa ginagawa.
He was very passionate on his work, kung gaano siya ka-passionate sa relasyon nila ay gano'n rin siya sa trabaho. Anim na taon na siyang inhenyero, first love niya nga kung maituturing ang trabaho niya na noon pa man ay gusto na niya dahil sa impluwensya ng Lolo David niya.
Hindi maiwasan ng dalaga na mas lalong humanga sa kasintahan bukod sa guwapo nitong mukha, magandang katawan at mabuting puso ay talagang napapahanga siya sa kung gaano kadedicate ito sa ginagawa.
"Hey, good afternoon sunshine." Nakangiting bati ni Alexander nang mahagip ng mga mata niya ang dalaga na kanina pa nanonood sa kanya. Gumuhit ang mga ngiti sa labi ng kasintahan, sino ba naman ang hindi mapapangiti kung isang mala-Greek god ang unang masisilayan mo sa umaga?
"Good morning moonlight," bati niyang pabalik, tumayo mula sa sofa ang lalaki saka humalik sa labi ng dalaga. "How's your sleep?"
"Okay naman, teka ano ba 'yang ginagawa mo?" Usisa ni Scarlet hinila niya ang makapal na comforter na nakabalot sa kanya upang gawin itong pansamantala niyang saplot bago siya bumaba ng kama saka sumalampak sa tabi ni Alexander na nakasalampak rin.
"Blueprints, tumawag kasi si Mikay kanina. May mga clients kasi kami na nagre-request na ako ang gumawa ng design ng bahay nila kaya heto, engineer mode ako." Sagot ng binata.
"Ang galing naman ng mahal ko, " umangkla pa siya sa braso nito. "Napakasipag na, matalino, very creative, at syempre napakaguwapo pa."
"H'wag mo akong purihin, lalo lang akong nai-inove sa'yo."
"Aba! Magdusa ka! Matagal na panahon mo akong pinaasa, matagal na panahon ako na nag-overthink kasi akala ko---" He cut her off by claiming her lips.
"I love you," he utters with great sincerety.
She then cupped both of his cheeks, "I love you so much my moonlight."
"Mas mahal kita kaya kumain ka na tapos magbihis ka na, bago pa ako mawala sa sarili ko at maaangkin kita ng ganito kaaga." Pagbibiro niya saka siya muling humalik sa labi ng dalaga.
"Balak mo ba talaga akong buntisin sa ginagawa mo?"
"Oo, bakit? Ayaw mo ba?"
"Pakasalan mo muna ako." Ngumuso siya.
"Gusto mo ba ngayon na?"
Napakurap-kurap siya nang marinig ang sinambit ni Alexander, napatanong siya sa sarili kung tama nga ba na sinabi niya iyon at hinamon ang lalaki? Pinagmasdan niya ang kasintahan, seryoso ang mukha nito at tila wala kang mababakas na pagbibiro sa mukha ng lalaki. Tila saglit na dinaga ang dibdib niya, naalala niya kasi na wala pa ni isa sa kapatid niya ang nakakaalam na may karelasyon na siya.
"Sunshine?" Sinserong tawag niya sa pangalan sa natulalang si Scarlet, kinilabit niya pa ito ng maka-ilang beses bago ito bumalik sa ulirat. Scarlet zoned out for about a minute. .
"A-Ano 'yon?" She asked
"You okay?" He's worried, tinigil niya ang ginagawa para usisain ang nangyayari sa kasintahan.
"W-Wala, m-maliligo na ako." Pagsisinungaling niya, nagmamadali siya na tumayo mula sa pgkakasalampak at patakbo na dumiretso sa banyo. Naiwan naman ang binata na nagtataka pa rin, he's not convince. Alam niya na na may bumabagabag sa isipan ng kasintahan. Napa-iling na lang siya nang subukan nito na magsinungaling, hinayaan na lang muna niya at ayaw niya na mag-away sila nang dahil lang sa maliit na bagay na 'yon.
Samantala habang nasa loob ng banyo at naliligo sa shower ay tuliro pa rin ang isipinan ng dalaga, mahigit kalahating taon na silang magkasama ni Alexander. Mahigit kalahating taon na rin siya na nagtatago sa mga kapatid. Oo at nagpapadala siya ng pera pero hindi batid ng mga kapatid niya kung nasaan talaga siya. She even deactivated her social media account para hindi siya matagpuan ng mga kapatid. Alam niya kasi na tututol at tututol ang mga kapatid niya lalong-lalo na si Soliman, aminado si Scarlet na saglit niya na nakalimutan ang mga kapatit nang makita niyang muli ang lalaki.
She become reckless, mindless and careless. All because of him, paano ang gagawin? She loves Alexander more than her own life. Two months rin siyang naghintay noon at gusto niya rin na pabigyan ang sarili niya, siya muna.
Ilang buntong hininga ang ibinugha niya habang nasa ilalim ng shower, she was thinking again. Paano ang gagawin? Hindi niya kayang pigilan o manduhan ang sarili niyang isipan. Ilang buwan na rin niyang itinatago ang sariling katayuan mula sa mga kapatid at tanging si Janice lang ang nakakaalam nito.
Samantala, kahit pa inaabala na ni Alexander ang sarili sa pagtapos sa unang blueprint ay hindi pa rin niya maiwasan na isipin ang kalagayan ng kasintahan niya. Naging ilag ito sa pagsagot sa tanong, he knew that she's not well.
Is it about her family?
Is it about Arriane?
Is it about our relationship?
Halos kalahating taon na sila na magkasama pero may mga sikreto pa rin ang dalaga na itinatago sa kanya. He's unease, he badly wanna know it but he couldn't just push Scarlet. Iginagalang niya ang desisyon ng dalaga, nirerespeto niya kung ano man ang naisin nito.
Napailing siya para makalimutan niyang saglit ang mga iniisip, itinuon niya ang pansin sa blueprint na idinedisenyo. Muli niyang inabala ang sarili, nais ni Alexander na maaaga na matapos ang mga 'yon bago magdeadline dahil gusto niya na matagal pa na makasama at makabonding ang kasintahan.
Napahinto siyang saglit nang marinig niya na may maka-ilang beses na kumatok sa pinto ng cabin nila, agad siya na tumayo at tinungo ang pinto. Saktong pagbukas niya ng pintuan ay siya namang unday ng isa sa mga malalaking lalaki ng suntok sa sikmura niya. Kaagad siya na nanghina at nakaramdam ng pagbigat ng mga mata.
"A-Alex..."
Nasaksihan ni Scarlet ang pangyayari nang saktong pagkalabas niya sa banyo ay iyon agad ang bumungad sa kanya. Sinubukan ng dalaga na magtago ngunit nahulo siya ng isa sa tatlong lalaki, hindi siya sinaktan ng mga ito ngunit pinatulog siya gamit ang masangsang na amoy ng pabango ma winisik nito sa loob ng bahay. Dahan-dahan na nanghina at nawalan ng malay ang dalaga, noong una ay sinubukan niya pa na takpan ang ilong ngunit bigo siya dahil sa tapang ng amoy nito.
"A-Alexande-r..." muli niyang banggit sa pangalan ng lalaki bago siya tuluyan na nagdilim ang paningin at nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Passion Of Dawn (COMPLETED)
RomanceKilalanin si Alexander Montecillo, isang inhinyero at negosyante. Pag-aari niya ang tanyag na Montecillo Real Estate na 30 taon nang nasa rurok ng tagumpay. Lahat ng naisin niya ay napapasakamay niya sa isang kisap mata lang maliban sa isang bagay...