CHAPTER 1 - Alone

1.2K 33 0
                                    

Ara’s POV

“Ara is still a lucky girl. Supposed to be kasi ang healing time is 8 months pero siya, pwede niya ‘to makuha in 6 months.” Si doc yun ha. Mula dito sa kwarto ko, naririnig ko si Doc Revilla na kinakausap si coach Ramil about sa kondisyon ko.

Ano ba ‘to kasi ang nangyari sa akin? Kung saan mas kailangan ako ng team mates ko doon ko naman sila iniwan. Sana hindi na lang ako nag spike. Pwede ko naman yun i-drop ball yun ha? Ara kasi, ba’t di ka nag-iingat.

Mika: Best? Ano naman ba yang iniisip mo?

Carol: Oo nga? Diba sabi namin, kami na ang bahala?

Kim: tsaka ba’t di ka na lang mag focus sa recorvery mo?

Ara: Alam ko yun pero may parte pa rin kasi sa akin na nagui-guilty ako kasi di ko man lang kayo matulungan sa darating na finals.

Kim: Mika, pigilan mo ko! Mababatukan ko ‘to eh!

Hinarang ko ang kamay ko kasi mukhang babatukan nga ako ni Kim. Maskulada to eh kaya medyo nakakatakot.

Ara: Oo na Kim eto na! Hindi na ako mag-aalala. Alam kong kayang-kaya niyo na ‘yan.

Alam ko naman na kayang-kaya nang lady spikers yan eh pero nanghihinayang talaga ako. Pinipilit ko na huwag ipahalata sa kanila na malungkot ako kasi baka mahawa lang sila at maging dahilan pa yun ng pagkatalo neto. Sinasabayan ko lang sila sa bawat tawa nila.

Ara: best? Pwede mo bang iabot sa akin yung phone ko?

Best: Ito best oh.

Ara: salamat best.

Tinignan ko kung tumawag na ba si mama sa akin pero wala. Iniisip ko na lang na baka sobrang busy niya lang talaga kaya kahit text man lang di man lang ako magawang tawagan.

Kim: O ano naman yan Victonara?

Ara: Wala ‘to.

Habang nag-uusap usap kami biglang pumasok si coach Ramil. Naki-usap siya na kung pwede muna lumabas ang mga lady spikers. Sinunod naman nila si coach. Syempre coach Ramil yan eh.

Coach Ramil: Ara? Kamusta na ang pakiramdam mo?

Ara: medyo okay na po tay.

Tatay pala ang tawag namin sa kanya kung outside the court pero kung sa loob na syempre seryoso na ang lahat, kaya coach na rin ang tawag naming.

Coach Ramil: Paano ba yan ara? Pahinga ka muna. Sabi ng mga doctor it will take exactly six months para sa full recovery mo. You have nothing to worry naman kasi baka January or February pa naman ang start ng season natin.

Ara: okay lang po yun coach. Sige na po coach, huwag niyo na lang ako alalahanin. Ang isipin niyo na lang ay ang training nila para sa finals. Good luck po tay.

Coach Ramil: salamat ara. By the way, mama at papa mo? Alam na ba nila ‘to?

Ara: ah si papa po panigurado na panood niya ‘to pero si mama hindi ko po alam eh.

Coach Ramil: Ganun ba? Sige ara. Nandito naman si nana Enang mo baka pwede ka na naming iwan. Maaga pa kasi ang training bukas eh.

Ara: Okay lang po coach. Naiintidihan ko.

Umalis na si coach at ang buong team. Lahat sila nagpaalam at tila nag bigay ng kanyang kanyang speeh para mapanatag lang ang loob ko. Ang swerte ko talaga kasi sila ang team mates ko, kaibigan ko at mga kapatid ko. Sa hirap man o ginhawa, magkakasama.

Nakaalis na nga silang lahat. Si nana naman nakatulog na. Matanda na rin kasi. By the way, si nana Enang pala ang kasama ko dito sa Maynila. Yaya siya ni mama hangat na punta na sa akin at medyo mas close pa nga ako sa kanya kaysa sa sarili kong ina.

Tinignan ko na lang phone ko para malibang ang sarili ko. Sabog nga ang notifs ko. Twitter, Fb, instagram. Lahat sila nagpahayag ng supporta para sa akin. Nakakataba lang ng puso kasi hindi nila ako iniwan. Pero may isa na naka kuha ng attensyon ko.

@iamthomasttorres: You did great idol. Time out ka muna. Get well soon @VSGalang

Ano naman kaya ang trip ng bansot na ‘to at napa tweet ng ganito? Baka pinagbigyan lang ang mga fans namin. Baka nga siguro. Magpapahinga na sana ako pero may kumatok sa pinto. Pinapasok ko na lang kasi baka nurse yun pero hindi pala. Si Bang lang pala.

Ara: O gabi na ha! Ba’t nandito ka pa?

Bang: Parang hindi ka naman masaya ng makita ako. Kamusta ka na?

Ara: Okay na ko.

Bang: Sigurado ka?

Ara: Okay na nga ako.

Bang: May problem aba?

Ara: Okay na nga.

Napataas ang boses ko ng konti kaya hindi nakagalaw si Bang sa sobrang gulat. Hindi ko alam kung bakit ang lamig ko ngayon kay Bang. Ang feeling na parang ayaw ko siyang makita. Hindi ko talaga alam kung bakit eh.

Nagpaalam na lang siya at babalik na lang daw siya sa susunod na araw. Nagpaginga na lang ako para maka-ipon ng lakas at baka maka tulong pa ako sa spikers sa laro nila sa finals. Hay. Lord please, huwag mo po silang pababayaan.

AraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon