CHAPTER 22

690 33 0
                                    

Cienne's POV

"Hindi pa po talaga ako okay...yung injury ko. Pinilit ko lang po kasi ayokong ma disappoint kayo sa akin.Sorry po if nagsinungaling ako. Sobrang sorry po. Sorry po sa bad performance ko this past games. Sorry po talaga."

Walang tigil na ang pag-agos ng luha ni Victonara habang sinasabi niya 'yun at pagkatapos ay tuluyan na rin siyang umalis sa gym. Karamihan sa amin tulala especially si coach Ramil at coach Noel. Oo mababaw lang yung dahilan ni Vic pero the fact na sinakripisyo niya ang health niya para sa team, big deal 'yun.

"DAKS!!!" sinubukan siyang habulin ni Mika pero pinigilan siya ni kim.

"Hayaan mo lang siya ngayon."

Ngayon dahil wala na si Ara dito, nalipat ang atensyon namin kay Thomas. Kasalukuyan siya naming pinalilibutan including sina coach. Kinwento niya ang lahat simula sa kung paano niya nalaman ang totoong kondisyon ni Ara, sa dahilan kung bakit nilihim ni Ara, hangang sa deal nila, sa secret training nila na kung tawagin ay Thomas Christopher Torres Conditioning Training , TCTCT for short hangang sa nag decide na siya na sabihin ang lahat sa amin dahil sa sinabi ni Jeron sa kanya.

Gusto kong pumalakpak gamit ng kamat at mga paa ko at mag standing ovation sa ginawang tulong ni Thomas kay Ara pero paano naman kasi nakatayo na ako kaya pumalakpak na lang ako. Hangang-hanga talaga ako kay Thomas. After all these years, best friend pa rin siya ni Ara. Hindi niya iniwan ang baby bully namin.

"Alam mo Thom, kung pwede lang pumalakpak ang mga paa ko, gagawin ko." gaya-gaya naman 'tong si Kim -__-

"Idol ka talaga kuya Thom!" Des.

Medyong bumaba na ang intensity sa gym. Good vibes na kami ngayon pero napansin ni Thomas ang pagiging tulala pa rin ni coach Ramil.

"Coach? Bakit po?" Thomas.

"Nag-guilty kasi ako Thomas...Hindi gagawin ni Ara ang lahat ng 'to kung hindi ko siya prinessure at hindi lang siya, lahat sila." Coach Ramil.

"Tay, hindi lang naman ikaw ang gustong makuha ang championship eh, kami rin. Kaya please po, huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo." Cyd.

"Oo nga Ramil. Pag 'yan narinig ni Ara for sure babatukan ka niya!" Kim.

"True Kimmy! OA na nga ang acting ni Ara tapos tatapatan mo rin ng isang pang OA na acting. Coach naman!" Carol.

"Basta guys, para hindi naman masayang yung sacrifice na ginawa ni Ara, gawin na lang natin lahat para manalo ulit." Cammile.

"Oo nga!'' lahat naman kami nag agree. Natapos ang gabi na puno kami ni realization sa mga bagay-bagay. Hindi rin umuwi si Aras a dorm. Hindi rin kami nag-alala kasi may iniwan siyang letter sa dorm. Sa bahay daw muna nila siya matutulog. Malapit lang naman 'yun dito at nandun naman si nana Enang niya.

****

Mika's POV


Nagising kami ngayong tahimik ang dorm. Nakapanibago lang kasi si Cyd tsaka si Kim ang gumising sa amin dahil hindi nga dito natulog si Daks kagabi. Hindi ko nga alam kung ba't 'yun ang naisip ni Ara na ma-didisappoint kami sa kanya. Eh hindi naman.

Kasalukuyan kami ngayong naghahanda kasi susuyuin pa naming si Ara. Cancelled din ang training namin kahit may laro kami sa sabado laban sa UE. Kasama namin si coach ramil, ate Cha, ate Chepot, ate Liss ate Aby at ate Paneng para puntahan si Ara sa bahay nila. For sure heart breaking na naman 'to.


"Oh girls? Ready na ba lahat?" ate Aby.

"Opo!" sagot naming lahat at on cue dumating na rin si coach Ramil.

AraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon