Ara's POV
As I open my eyes, I then observed my surroundings. Im pretty sure that I am again in the hospital. Kaninang umaga lang ako nagkalabas dito pero bumalik din naman.
Huli ko nang napansin na may oxygen pala ako. Kinuha ko ito kasi alam kong nakakahinga na ako ng maayos.
Nandito si papa at kuya kaso natutulog sila. Nakita ko ang phone ko sa side table dito sa tabi ng kama kaya kinuha ko ito. I just check the time. Its 10:18 p.m. Mahaba haba pa ang gabi therefore, I decided to just go back to sleep at maghintay ng araw.
Third person's POV
Umaga na at late nagising ang lady spikers. Nagising sila dahil sa tunog ng pito ni coach Ramil na naghihintay sa kanila sa labas ng dorm nila.
Pagkarinig nila ng pito agad silang nag-agawan sa CR para maligo pero except sa bullies na hindi na naligo dahil inatake sila ng katamaran.
"Guys, bakit wala man lang may gumising sa atin?" Tanong ni Mika habang kinukusot ang mata.
"Nasanay lang talaga tayo these past few weeks na si ate Ara ang gumigising sa atin" sagot naman ni Des habang kakatapos lang maghilamos.
"Spikers ano ba? Bukas na lang ba ang training!?" Pasigaw na tanong ni coach Ramil.
After nun, agad na rin lumabas ang spikers at nag jogging. Halata sa mga kilos nila kung gaano sila ka tamlay ngayon. Gabi na kasi silang umuwi mula sa hospital tapos yung iba gumawa pa ng paper works.
"Mga bakla naubos siguro lahat ng energy ko sa kakaiyak kahapon" reklamo ni Carol habang nag jojog.
"Kim, diba ikaw naman yung sub kung wala si Ara?" Tanong ni Cienne.
"Huo. Bakit mo na tanong?" Nagtatakang sagot naman ni Kim.
"Pwede mo bang sabihin kay Coach na pahinga muna tayo tapos bawi na lang tayo mamayang hapon?" maiyak-iyak na sagot ni Cienne habang kinocomfort siya ni Camille.
"Sorry Ciennang ha mahal ko kayo pero mas mahal ko ang buhay ko" Natatakot ng sagot ni Kim.
Binatokan na lang siya ng ibang bullies. Nakaka-limang rounds na sila sa oval pagkatapos ay pumito ulit si coach RDJ.
"Ladies, jogging papunta sa gym! Double time!" Sigaw ulit ni RDJ.
Mabilis silang pumunta sa gym. Hagdan yung gamit nila kasi natakot sila kasi baka matulad sila kay Ara at Thomas. Paakyat na sila sa 8th floor nang may marinig silang palo ng bola mula doon sa volleyball court. Napatigil silang lahat dahil ang alam nila hapon pa ang practice ng MVT.
"HUHUHU! Ate ayokong mamatay sa takot" Justine.
"Kim! Mauna ka na kasi diba kaya mo naman sila dahil sa muscles mo?" Utos ni Cammile.
"Oo nga ate kasi diba ikaw ang sub ni Ate Ara?" sabat naman ni Kianna.
"Pwe! Ba't ako? Kung mawawala ako sino naman kaya sa tingin niyo ang mag-seset ng bola para sa inyo?" sagot naman ni Kim.
"Tinatakot mo ba kami baka mawalan kami ng setter?" Mataray na sagot Carol. "baka nakakalimutan mo nandiyan pa si Des tsaka si ate Mowky!"
"Eh ba't ako? Nandiyan naman si Cammile na for sure kaya yan ng baba niya" depensa ni Kim at nabatukan ni Cammile.
"Tama na 'yan. Lahat tayo aakyat ng sabay. Maliwanag?" Utos ni Cyd.
Tumango na lang silang lahat at sinunod siya. Takot sila pero p=mas takot sila kay coach Ramil. Patuloy lang ang mga malalakas na palo ng bola ang naririnig nila habang palapit sila ng palapit sa gym.
Cienne's POV
HUHUHUHU!!!! Hindi ko 'to kaya. Mas gugustuhin ko pang lumaban sa Ateneo ng mag-isa kaysa dito. Atleast sila may awa ang aswang wala. HUHUHU!
Nanginginig na ang mga tuhod ko paakyat. Para kaming mga kadete sa ROTC dahil sabay sabay kami. Kaliwa kanan kaliwa kanan kaliwa kaliwa!!!
Pagdating naming sa gym, laking gulat namin nandito na ang coaching staff ng DLSU. Nakaupo lang sa mga bleachers habang pinapanood si...
"ARA?!"
Sigaw naming lahat. Nagulat kami kasi siya pala yung pamapalo?
"Daks? Diba dapat nasa hospital kapa?" Nagaalalang tanong ni Mika.
"Oo pero okay na ako eh tsaka na-miss ko kayo!" Masayang sagot naman ng bruhang ito.
"Hoy! Hindi mo ba alam kung ano ang pinagdaanan namin mula kahapon sa pagaalala sa'yo hangang kanina sa ibaba na halos mag-alay na kami ng buhay para malaman kung sino ang pumapalo ng bola ha!" OA napahayag ni Kim na inaawat lang ni Carol.
"Hoy! Kimmydora napaka-OA ng acting mo ha! Bigyan ng jacket 'yan" sagot ko naman.
At dahil masunurin ang mga rookies namin, hinubad naman ni Elli yung jacket nadala niya at binigay kay Kim.
"Ate kailangan mo ng jacket" tanong ni Elli sabay abot ng jacket.
Facepalm kaming lahat including the coaches.
Dalawang minutong katahimikan ang nangyari at nagtitigan lang kaming lahat.
"Namiss ko kayong lahat!" Masayang-masayang sigaw ni Ara at nag group hug kaming lahat.
"We miss you too Ara"
Nakakamiss talaga si BBF! Ngayon naamoy ko na talaga ang totoong revenge. Maibabalik na ulit namin kung ano ang kinuha sa amin. Amin ang korona. Amin lang 'yun! HHIHIHI!