Thomas' POV
Hingal na hingala akong pumasok sa klase. Tinakbo ko mula sa parking area papuntang dito. Grabe! This is not the usual Thomas Torres. Ngayon ko lang ata ginawa 'to sa iisang babae. Pagpasok ko sa classroom, agad akong umupo sa upuan na nasa tabi ni Jeron. Nasa harapan talaga kami kasi nga according to kagwapohan ang seating arrangement. Hehehe.
"Paps? Okay ka lang?" Nagtatakang tanong sa akin ni Jeron.
"Oh bakit?" sagot ko naman sa kanya.
"saan ka ng galing at parang hingal na hingal ka?" tanong ulit sa akin ni Jeron. Napakachismoso talaga 'tong intsik na 'to!
"May dinalaw lang ako" maikling kong sagot ko sa kanya. Naputol rin ang aming usapan kasi dumating na rin ang aming professor.
Napakaboring talaga! Mahina talaga ako pagdating sa acads pero kahit ganun, nakakapasa pa rin naman at that is the most important.
Naghiwalay na kami ng landas ni Jeron pakatapos ng 1st class namin. Umakyat na ako sa fourth floor para sa second class. 10 minutes lang kasi ang gap kaya I have to double time. Mahaba ang pila sa elevator kaya I prefer to use the stairs.
Masyadong sosyal ang mga nag-aaral dito kaya wala masyadong gumagamit ng stairs. Takot ata silang mag pawisan. In two minutes na karating na ako sa classroom ko. Dito, classmate ko ang baklang Carol tsaka si Flappy Ara.
Umupo na ako sa upuan ko tsaka kinalabit ko si Carol para mag hello man lang.
Carol: Torres, si Ara ba nakita mo?
Umiling na lang ako. For sure kasi absent si Ara today kasi kanina lang siya na dis-charge. Kinuha ko na ang mga gamit na gagamitin ko for this class tsaka nilagay sa arm chair ko. In few minutes, dumating na rin ang prof namin.
Bumati kaming lahat sa kanya at bago magsimula ang klase, nagdasal muna kaming lahat tapos pinaupo niya.