Carol's POV
Nakakaloka talaga! Stress na stress na stress ang beauty ko sa buong araw at gabi na training namin mula pa kahapon. Halos anim na oras lang kasi ang pahinga namin. Tatlong araw na lang kasi opening na ng volleyball season. Lahat kami gustong-gusto makuha at mabawi ang korona at ibalik sa Taft.
Si coach Ramil at coach Noel nang gigigil na. Yung ibang lady spikers naman kating-kati na ang kamay pumalo. Si Ara? Nako! Kahit practice hindi pinapalampas. Gusto niya talagang bumawi. Minsan nga pinipigilan na lang naming eh. Nakakasakit na kasi siya. Namumula at namamaga lang naman ang mga braso ng mga blockers naming. Kahit si Mika na best friend niya hindi pinalampas. Umiiyak na nga sina Kim Dy at Aduke habang binoblock yung mga palo ni Arabelles.
At hindi pa yan... Nakasira lang naman si Ara ng limang ilaw dito sa gym. Hindi lang basta bastang ilaw kundi mamahaling ilaw na ginagamit dito tuwing may event. Ang ipinagtataka ko lang kung bakit natutuwa pa ang management ng La Salle kay Arabella kahit nakakasira na siya?
Hindi pa tumitigil si Ara diyan... Para ipaalam ko sa inyo.... May pinatay na si Ara. Huo. Kriminal na si Ara. Walong bola lang naman ang pinatay niya. Sira kung sira eh. At ang malala dun, ako pa yung inatasang i-dig ang bolang ipapalo ni Ara. Huhuhu! But thank God kasi yung bola ang namatay at hindi ako. Doon ko lang napatunayan na mahirap talaga mamatay ang masamang damo.
But anyways, maswerte pa rin ako. Napakamalas lang talaga nina Mika, Kim, Cienne, ate Cyd, Ellie, Majoy, Kim at Des kasi sila ang maaring mapasama sa first six sa aming tune up game na gaganapin in a while dito sa gym. Kasalukuyan nga kaming naghahanda. Hindi kasi basta basta ang makakalaban namin.
Kalaban lang naman namin ang alumni ng Lady spikers. Si ate Aby, ate Cha, ate Paneng, ate Michelle, ate Wensh, ate Illa Santos tsaka ate Mel kasama rin yung iba pang players ng shopinas.
