ARA'S POV
Maaga akong nagising. Ngayon kasi ang opening ng volleyball sa UAAP. Kailangan daw kasi lahat na captains ng bawat team ay present tsaka ako kasi yung magle-lead ng oath of sportsmanship. Wala pa kaming laro ngayon. Next week pa.
At dahil ako ang unang nagising, ako na lang din ang nagluto ng breakfast. Egg and bacon na lang para madali. Pagakatapos ay ginising ko na ang ibang LS.
Inuna ko na ang bullies kasi mahirap silang gisingin. Kailangan kasing gamitan ng dahas eh.
"Daks! Daks? Gising na!" niyog-yog ko na si Mika para magising. "Daks pag ayaw mong magising, ipopost ko sa twitter ang picture mong tulog na nakanganga!"
Nang marinig niya 'yun, agad naman siyang nagising at tumayo sa kama.
"Ikaw naman! Kanina pa kayo akong gising." Ganyan siya kung maka-react. Sobrang pangit kasi talaga ng pic niyang 'yun. Patunay lang na kahit anong ganda mo, may picture ka talagang pangit ka!
"Tulungan mo na lang ako gisingin yung ibang bullies"
Ginising ko na ang baklang donkey. Si Mika naman kay Cienne at Camille. Gising na nag lahat except for Kim. Sinadya talaga namin na last siyang gisingin kasi kailangang full force kaming mga bullies sa kanya.
"Ara, kumukulo na ang tubig sa ilalim kaya pinatay ko na" Cienne.
"So ano Ara? Game na?'' Camille.
Umiling na lang ako kasi hindi naman talaga yan dapat para kay Kim. Negra na nga 'to tapos tatapunan pa ng mainit na tubig? Edi mas lalong lalala!
"Daks? Ano na? Game na ba?" Tanong ni Mika habang may hawak na unan. Tatakpan kasi namin yung ilong at baba ni Kim para mahirapan siya huminga pero syempre hindi naman namin siya papatayin. Kaibigan pa rin namin 'tong masculadang 'to no! Siguro pagnatapos na ang season pwede na. Hehehe! Joke lang! We lashyou Kimmy!
"3...2...1..."
"Hoooooy!!!! Ano baaaa!!!" pagwawala ni Kim habang hinahabol ang hininga niya. Tumawa na lang kaming lahat. Epic kasi talaga ang mga reaction ni Kim.
"Grabe kayo! Pag ako namatay, iisa-isahin ko kayong mumultuhin!" Kim
"Eh hindi ka pa nga patay parang ganun na din yung ginagawa mo sa amin" Carol.
"Nagpapatawa ka Donkey?" Kim
"Bakit natatawa ka?" Carol
"Hindi!" Kim
"Edi hindi!" Carol
"Ooohhh! Tama na 'yan! Baba na kayo at ayusin niyo na yung lamesa" utos ko habang lumalabas ng kwarto. Gigisingin ko pa kasi yung ibang spikers.
Hindi ako na hirapan sa kanila kasi pinipituhan ko lang sila bumabangon na. Akala kasi nila si coach Ramil 'yun.
"Wow naman...Jollibee breakfast joy!" masayang-masayang pagkasabi ni Des.
ANONG JOLLIBEE BREAKFATS JOY?! BACON AND EGG YUNG NILUTO KO!!!! ANO 'TO?! MINSAN NA LANG NGA AKONG MAGLUTO TAPOS HINDI PA PINANSIN?!
