Carol's POV
Dito na ako naghintay sa ground floor kasi for sure dito rin ang bagsak ng dalawang yun. Chill lang akong naghintay dito hangang sa may mga dumating na mga makaniko daw at emergency response team ng La Salle. Teka? Ano ba ang nangyayari? nakakatakot!
"Ma'am huwag kang papasok sa loob" Exage na pagkasigaw ng isang mekaniko.
Carol: Nako kuya, huwag kang mag-alala hindi ako papasok diyan. Hinihintay ko lang ang mga kaibigan ko.
Pansin kong lahat sila nataranta na lalo't nalaman nila na may tao pala sa loob ng elevator. Naku! Ano kaya ang nangyari? Can anyone tell me if what is happening? Oh my gosh Victonara!
"Ara?! BBF?!" kinakatok ko na ang pinto ng elevator. More like medyo nagwawala na ako dito pero pinapatahan lang ako ni Gabby.
"Cars ano ba? Do you think makakatulong 'yan?" Gabby.
"Anong klaseng kaibigan ka ba? Nasa loob si Ara at si Thomas. Si Ara may takot sa madilim at masisikip na lugar for sure nahihirapan na 'yun diyan." naghyhysterical pa rin ako.
"Narinig mo ba ang sabi ng mekaniko? They're okay so please keep calm!"
KEEP CALM MO PAMUMUKHA MO GABBY REYES!!!! HUHUHU!!! VICTONARA!!!!
Mika's POV
Nagmadali akong tumakbo papunta sa building sa kung nasaan sina Carol at ang THOMARA! Kinikilig ako! Finally talaga at 7.50 na lang ang ariel at ang Thomara mukhang mangyayari na! hahahaha!
Papasok na ako ng building ng mapansin kong napakaraming tao ang nandito at may ambulance pa. Nagkasalubong rin kami ni Jeron. Medyo awkard sa amin kasi nga may past kami na kami lang ang nakakaalam.
Secret lang natin 'to ha pero naging kami ni Jeron pero two months lang yun at two years ago na rin kaya move on na at may Kiefer na ang puso ko.
"Hi Miks!" masayang bati ni Jeron sa akin at nag high five pa kami.
"Thomara din ba ang punta mo dito?" Tanong ko sa kanya habang papalapit kami sa kung nasaan ang elevator.
"Haha! Yeah pero--" Napatigil kaming dalawa nang marinig naming si Carol na nagsisigaw at naglulumpasay sa sahig at pinipigilan ng kambal at ni Gabby.
"VIc!!!!" Carol.
"Bakla ano ba? Ang pangit pangit mong umiyak!" Camille.
"True! Huhuhu!!! Ara naman eh!" Cienne.
Tumakbo na agad kami ni Jeron para alamin ang nangyari.
"Kim? Anyare ba't napaka OA netong si Carol? Huwag mong sabihing may crush siya kay Thomas kaya nagkaganyan 'yan?" Nagtatakang tanong ko kay Kim na hindi rin makausap ng maayos.
"Hoy! Kim! Kim! Dora? Kimmy Dora?" niyogyog ko na si Kim kaya ayon napansin rin ako. Sa wakas!
"Ano ba ang nangyayari?" Tanong ko ulit.
"Si Thomas at Ara nasa loob ng sirang elevator!" Tarantang sagot naman niya.
HAAA!? Ang bestfriend ko na sa loob? OMG! Takot si Ara sa dilim at sa masisikip na lugar! Nag excuse ako sa mga mekaniko para katukin sana sila sa loob pero hindi ako pinayagan ng mga mekaniko dahil makakagulo lang raw ako.
Di nagtagal dumating na rin si Coach Ramil, si coach Noel at ang ibang lady spikers dito. Na-cancel na rin ang iba't ibang klase dito sa La Salle para ipagdasal silang dalawa. Sana okay lang sila.
Napatahan na rin si Carol sa tulong ni Gabby. Si Cienne, tinake advantage pa ang pangyayari at naglandi kay AVO. Si Camille naman kay Kib. Kunwari naiiyak sila dahil sa nagyayari. Although nagaalala naman sila pero may kasamang landi lang talaga. Kambal nga!
Halos mag-iisang oras na sina Ara at Thomasa sa loob. Hangang sa nag salita na ang mechanical engineer ng La Salle.
"Okay students, listen up! Mabubuksan na natin ang elevator in a few pero sana lang bigyan ng daan sina Ara at Thomas para agad silang mabigyan ng first aid."
Sumunod naman yung ibang estudyante except for us kasi there's always an exception to a rule. Tsaka captain namin yung nasa loob kaya dapat kami ang unang makakita sa kanya. And may persmission kami from coach Ramil.
Nagyakapan na kaming mga spikers at sa likod naman nmin ang archers. Nag-aabang lang hangang sa...
*ting!
Bukas na ang elevator. Pawis na pawis si Thomas at halatang hinahabol ang hininga. Napanganga kaming lahat dahil wala siyang damit pang ibabaw pero may pants naman siya.
Pero mas nagulat kami ng makita naming siyang buhat buhat si Arabella! Huhuhu!
Wala siyang malay, basang basa ng pawis at namumutla.
Nako Daks! Bakit ka ba ganyan?
Tumabi na kaming lahat at hinayaan na lang si Thomas na ang maglagay kay Ara sa stretcher na naka-abang sa labas ng elevator. Pagkalapag ni Thomas kay Ara sa stretcher, agad naman itong sinakay sa ambulance pagkatapos ay...
"OMG!"
"Thomas?!"
"Uy Thomas gising!"
"Thom"
"bro?!"
"Uy tulong!"
Nahimatay rin si Thomas kaya sinunod na rin siya sa hospital.