CHAPTER 23

670 34 2
                                    

Ara's POV

"Coach naman! Huwag niyo pong gawin 'yan!" pagmamakaawa ko kay coach Ramil.

"Coach Noel, tulungan niyo ko please." Si coach Noel naman ang sinubukan ko.


"Ako lang naman 'yun diba tsaka sabi naman ng doctor Im good to play na tsaka kaya ko naman coach eh. Nagyon pa ba?"

"Ara, anak naman eh. Desisyon ng buong team 'to at ng La Salle community." Coach Ramil.


"Pero coach, hindi naman po dapat madamay ang buong team."


"Wala ng pero Ara. Sige na! Sabihan mo na 'yung team mates about sa training mamayang tangahali." Coach Ramil.


Nandito ako ngayon sa OSD office. Nagdesisyon daw kasi ang buong team na i-forfeit na lang kami sa game namin against UE. Gusto daw kasi nila na samahan ako sa trainings ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako or hindi. Matutuwa kasi, nararamdaman ko talaga sa kanila ang supporta at tiwala pa rin sa akin despite sa nangyari. Hindi naman kasi sayang naman nung possibility na pwede namin ma sweep yung season or di kaya ma stepladder.


"Daks kasi huwag ng matigas ang ulo. Sariling desisyon namin 'yun." Pilit ko pa rin silang kinukumbinsi. Nakaka-guilty kasi sa part ko.

"Oo nga Ara kaya huwag ka na diyan mag-OA. Kahapon pang nahihiya si Vilma Santos at Nora Aunor sa kadramahan mo." Cienne.


"Pero kaya ko naman kasi eh tsaka kung ako lang naman yung inaalala niyo, ako na lang yung hindi maglalaro." Sabi ko naman.


"ISA PA ARA HA!!! ISA PA! PAG AKO NAPUNO, KAKALIMUTAN KONG MAGKAIBIGAN TAYO!" OA naman netong si Kim pero tama siya, sundin ko na lang sila para wala nang gulo.


Tumungo na lang kami sa gym para sa training namin. Sabi kasi no coach Ramil kakaiba daw 'to sa previous trainings namin kaya medyo excited at the same time medyo kabado.

Pagkapasok namin agad kong napansin na may mga matatanda dito. Hindi naman ganun katanda mga mid-40's na yung edad tapos may mga dala silang banko na kadalasan mong makikita sa mga probinsya. May dala rin silang mga bamboo, mga kandila na naka lagay sa baso at naka-suot sila ng pang buwan ng wika costume.


"Parang may idea na ako sa training natin ha!" si Aduke habang parang may iniisip. Binati namin sila habang hinihintay namin si coach. Nag-try rin kaming magtanong kung bakit sila nandito. Ang sabi nila hintayin na lang daw si coach Ramil.


"Grabe naman 'tong si Ramil oh! Pinapahalata talaga ang edad" sabi ni Kim kaya naman nabatukan tuloy ng kambal at on cue pumasok si coach. Buti na lang hindi niya narinig.

*****

Carol's POV


HUHUHU! Akala ko nung grumaduate ako ng highschool tapos na ako dito. Hindi pa pala. Mas mahirap pa 'to. Pang college level na nga. HUHUHU!!! Dalawang beses na ako mapaso at muntikan na akong mahulog sa bangko. Kung nagtataka kayo kung ano yung ginagawa namin, eto na at sasabihin ko na. Nagsasayaw lang naman kami ng PANDANGGO SA ILAW!

"Kanina ko pa talaga hinahanap 'yung connect neto sa volleyball eh" pabulong na pagkasabi ni Cams.

"CAMILLE! CERVEZA! AYUSIN ANG PAGSASAYAW!" ayun nahuli tuloy ni coach. Feeling ko talaga pinagtitripan lang kami ni coach eh.

AraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon