ARA'S POV
Pagkatapos ng game, nakipag-kamay kami sa mga alumni namin. Grabe talaga ang galing nila. Sana sa oras na matapos na ako bilang isang lady spiker, maging kasing galing ko rin sila. Alam kong marami pa akong bigas na kakainin. Marami pa akong talo na mararanasan at panalo na i-bubunyi.
Nagyakapan kami nila mother. Sobrang na-miss ko siya. Na-miss ko siyang kalaro. Na-miss ko siyang kakampi. Siya kasi madalas ang nag cocover sa akin tuwing umaatake ako. Kung kakampi ko siya, hindi ako natatakot umatake kasi alam kong may coverage sa likod ko.
"Ang galing galing mo baby kanina" maluha-luhang pagkasabi ni mother sa akin. "For sure, ready na kayong lumaban."
"Thank you motherF. Nagmana lang po ako sa inyo."
Clingy na naman kami sa isa'isa. Nagyakapan rin kami ni ate Cha, ate Michelle tsaka ate Mel. Sobra kong namiss ang mga seniors namin dati. Si coach Noel at coach Ramil medyo naiiyak rin dahil sa sobrang proud din daw nila. Hindi ko rin naman sila masisisi. Sa lahat na narating at mararating namin, sila ang may dahilan. Hindi sila sumuko sa amin eh.
Pagkatapos ng madamdaming yakapan naming lahat, nagpicture-picture muna kami. Remembrance daw. Para namang hindi kami nagkikita-kita.
Unti-unti ng lumalabas ang mga nanonood kanina except na lang sa mga archers. Si Thomas tinataas pa rin yung banner niya kaya naman tinukso na naman ako. Mag-shoshower na sana ako kaso si Bansot nagpapansin.
"IDOL ARRUH GUHLANG!" napakalakas na sigaw ni Thomas.
Nag wave lang ako sa kanya tsaka I mouthed thank you. Ngumiti rin siya at sumenyas na "una na ko". Nag-thumbs up na lang ako sa kanya tsaka nag shower na.
--
"Hoy Daks! Akala mo ba hindi namin nakita yun?" mapanuksong tanong ni Mika.
"Huh? Ano ang ibig mong sabihin?" binigyan niya na lang ako ng napaka teaseful smile niya.
Kasalukuyan kami ngayong nagpapahinga dito sa gym. Naka-upo kaming lahat sa gitna kasama pa rin ang mga alumni namin. Naka-sandal ako kay ate Aby. Madami kaming pinag-usapan. Nagbigay rin sila ng tips tsaka words of wisdom. Pinapalakas talaga nila ang loob namin hangang sa napunta na sa akin ang usapan.
"Arabella, alam mo na halos isang lingo ng trending ang hashtag no chill ThomAra sa twitter?'' ate Michelle.
"Oo nga daughter. Magpaliwanag ka nga?" MotherF.
"Bumabalik na ba?" ate Mel.
Ngumiti na lang ako sa kanila. Ayokong magbigay ng motibo sa kanila. Alam ko kasing bibigyan lang nila ng ibang kahulugan ang isasagot ko.
"So? Silence means yes na ba 'yan daughterF?"
See? Wala naman akong sinagot pero may conclusion pa rin sila.
"DaughterF, binabalaan lang kita. Ayokong maulit yung nangyari noong season 76." Paalala ni motherF sa akin habang hinahaplos haplos ang buhok ko. "Alam kong malaki ka na at mas matured ka pero baby, iba pa rin yung nag-iingat"
"Tama si Aby, Ara. Huwag kang padalos-dalos ha! Alam kong naibigay na namin ang dapat naming sabihin sa'yo. May tiwala ako na hindi na mauulit pa muli yung nangyari dati. Lalo't na iisang tao pa rin yan" ate Cha.
Ngumiti na lang ako at tumango. Nag patuloy sila sa pag-uusap habang nalala ko muli yung nangyari noong season 76 na feeling ko naging dahilan kung bakit naapektohan ang laro ko noong finals.
Close naman talaga kami ni Thom dati. Kung hindi bullies ang kasama ko, malamang siya ang kasama ko. Super comfortable ako sa kanya. Masaya siyang kausap. May humor at higit sa lahat napaka gentle man niya. Sophomore pa lang ako may crush na ako sa kanya pero syempe palihim lang.
Ayokong magbago ang pagtingin niya sa akin. Baka kasi mandiri siya at baka magka-awkward pa between us diba? Kaya quiet na lang ang heart ko. Pero walang silbi ang pagtatahimik mo kung mga kaibigan mo ang bullies lalo na 'tong Kapre na 'to. Tweet ng tweet about kay Thom 'tong kapre tsaka tina-tag ako. Good thing hindi naman ganun ka assuming ang bansot kaya friends pa rin.
Hangang sa iniinterview siya ni ate Billie noong game namin against Ateneo. Ang sobrang famous line na "I Know Aby Marano pero idol ko talaga si Ara Galang" yun ang naging simula ng Thomara sa twitter. Naging pambansang loveteam na kami ng la salle ni Thom.
Inaamin kong kinilig ako. Mula sa crush naging love na siya. Ngunit hindi ko alam na hindi pala siya comfortable sa ganun kaya naman patago na kaming lumalabas as FRIENDS nga lang. Hangang sa naganap na nga ang hindi dapat maganap. Ang Nestea beach volley sa bora. And us happened. BaRa happened.
Simula noon hindi na ako tinantanan ni Bang. Kinukulit na niya ako pero syempre iwas-iwas din ng konti. Tapos isang araw, nalaman ko na lang na may nililigawan na pala si Thomas. At ang mas masakit doon ay kapangalan ko pa. Double R nga lang. Pero naniniwala ako nga single is better than double. Two is better than one? Pwe. Kasuka!
Tapos isang araw, iniiwasan niya na lang ako. Parang nagising na lang siya ng isang araw na hindi na niya ako kilala. Nasaktan ako dun. As in sobra. Nawala na ang communication namin pati na rin siguro ang friendship. Tinry ko siyang kalimutan sa pamamagitan ni Bang. Parang pinili ko ang taong kumakatok sa puso ko kaysa sa taong pinapangarap ko!
Akala ko magiging masaya na ako. Pero hindi. Naiwan lang talaga siguro ang kalahati ng puso ko sa kanya. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay kunin ito at ibalik ang dating ako. Ayoko nang umasa pa kasi baka wala naman ako mapapala.
"Hoy Daks! Kinakausap kita!" sigaw ni Mika.
"Tss. Ano?"
"Anong ano? Ang sabi ko bakit ka nag pa-sub kanina ng fourth set?" Mika.
"Naawa kasi ako sa Ramil's Angels. Nag give way ba." Poker face kong sagot.
"WEH?!" lahat sila sabay-sabay na nag react. Parang mga member ng choir.
"Yabang natin Ara ha!" Kim.
"Syempre joke lang 'yun. Parang di naman kayo mabiro" umayos na ako sa pagkakaupo. "Gusto ko lang kasi na masanay kayo"
"Ate Ara naman! Anong klaseng kadramahan 'yan?" Majoy.
"bakit effective ba?"
"Pero seryoso Ara. You were at your best kanina. Parang game na talaga ang performance mo kanina" Cyd.
And thanks to Thomas Torres for that.
"Pero ate diba, magkakasama na tayong lalaban this season?" Justine.
Tumango na lang ako. Ang totoo Justine, hindi ko alam. I'm not yet in my best condition. Alam kong may ibibigay pa ako pero natatakot ako.