Ara's POV
Halos isang buwan na rin ang nakaraan. Nakabalik na ako sa usual kong game. Sa katunayan naabot ko pa nga ang career high ko which is 26 points. Isa din daw ako sa mga candidates para sa MVP and best server award pero with all honestly, hindi 'yan ang iniisip ko. Mas iniisip ko ang team goal rather than personal goal.
Ang saya-saya ko rin kasi number one ang team namin sa both scoring and non-scoring skills except na lang siguro sa digging. Sa ngayon wala pa kaming talo pero dahil forfeited kami sa laban namin against UE, nagkadungis ang record namin pero good news naman kasi walang stepladder ngayon.
Sa ngayon, break muna kami sa intensive trainings kasi kailangan naming maghabol. Malapit na rin kasi ang finals and break din naman sa UAAP para makapagpahinga din daw kami. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallways ng school para pumunta sa next class.
"Baks, ang tagal mo naman!" bati ni carol. Nauna kasi siyang umalis sa akin. May date sila siguro ni Gabby.
"Hey! Classmate!" binate rin ako ni Jeron at niyakap niya ako kaya nagulat rin naman ako ng slight. May sakit ba si king archer?
"Para saan naman 'yang yakap mo Je?" tanong ko sa kanya tsaka bumitaw din siya sa pagkayakap.
"Yung una galing sa akin. I just want to congratulate you for a job well done, KapitanAra!" yumakap ulit siya sa akin and this medyo mahigpit na. "and this one ppara sa kaibigan kong miss na miss ka na" at bumitaw na siya sa pagkayakap sa akin.
"By the way, eto na pala yung corn beef mo!" sabay abot niya sa akin. Natawa ako kasi binibiro ko lang naman kasi siya pero tinotoo niya. "Thank you ha! Pero binibiro lang naman kita eh."
Umupo na kami sa upuan namin. May konteng chismis muna kaso di nagtagal dumating rin naman ang professor namin.
****
"Daks! Samahan mo muna ako sa locker ko please. May kukunin lang ako." Dahil wala naman akong gagawin after ng training, sinamahan ko na lang si Daks. Yung ibang bullies naman tumungo muna sa 7/11 para bumili ng maiinom.
Pauwi na kami sa dorm ng makasalubong namin si Kib. May dala siyang muscle tape at towel at todo ang ngiti niya sa amin. Nagniningning pa ang kanyang mga mata.
"Montalbo, anong problema? Ba't ganyan ka kung makangisi?" tanong ni Mika habang papalapit si Kib sa amin.
""Hi ate Mika, hello ate Ara!" binate kami ni Kib tsaka binigay niya sa akin ang muscle tape at ang towel na hawak niya. Nagbitiw rin siya ng nakakalokong ngiti.
"Para saan naman 'to?" tanong ko sa kanya habang kinuha ko ang mga inabot niya. "Nako Montalbo! Huwag mong sabihin ipapalaba mo 'tong towel sa akin?" mataray kong sinabi sa kanya habang hinampas hampas pa siya ng towel.
"Nako ate Ara, hindi. Actually that is new pa nga eh." Sagot naman niya sa akin.
"So anong ibig mong sabihin Kib? Ipapabayad mo yang towel mo kay Ara?"sabat naman ni Mika.
"Why you guys ba mahilig mag lagay ng meaning sa wala namang meaning?" tanong ni Kib.
"Eh kasi nagbibigay rin naman kayo ng motibo."
"Anyways, alis na ako. Kahit 'wag ka ng mag pasalamat ate Ara. You're welcome na lang. Hehe!" Kib.
Umalis naman si Kib at kami naman ni Mika ay nagpatuloy sa paglalakad hangang sa muli na naman akong tawagin ni Montalbo. Sa sobrang lakas ng boses niya napatingin tuloy ang mga estudyanteng nasa paligid namin.
