Ara's POV
Patuloy pa rin ang pagpapnsin ni bansot sa akin, sa twiiter, ig, facebook sa text and even email at patuloy ko rin siya iniiwasan. Kapag magsasalubungan kami sa hallway, iniiba ko ang daan ko. Feeling ko nga ang sama-sama ko na kasi karamihan sa mga followers ko especially yung mga thomara shippers, nagmamakaawa na para pansinin ko lang si Thomas kahit isang hi lang daw. Eh ayoko nga kasi nandidiri ako. Hindi kay Thomas ha pero sa pinagagawa niya.
Thomas' POV
Halos isang lingo na akong kanito. Tinatanaw na lang ang nag-iisang Ara Galang sa malayo. Ramdam ko rin naman kasi na iniiwasan niya ko. Hindi naman kasi ako manhid. Torpe nga lang.
Araw-araw pinapanood ko lang siyang tumatakbo sa oval. Masaya na ako sa ganito. Gustong-gusto ko na siyang lapitan, bigyan ng towel or water pero baka mas lumayo siya eh kaya wag nalang.
Jeron: Hey paps!
Thomas: Hey! Kamusta?
Jeron: parang hindi naman tayo nagkikita sa dorm kung makapkamusta ka diyan. May progress ba kay Ara?
Thomas: Wala eh. Hindi ko nga nilalapitan.
Jeron: Ang hina mo paps!
Thomas: Hiyang hiya naman ako sa'yo. Si Mika nga hindi mo nakuha eh.
Jeron: Huwag naman ganyan!
Thomas: Peace bro!
Tinapik ko na lang yung balikat niya bilang paalam. May klase pa kasi ako. Sa open field na lang ako dumaan papunta sa parking space may kukunin pa kasi ako sa sasakyan ko.
Ang ganda talaga ng plate number ko.
"ARA 818" pinasadya ko yan eh. Hihi ^_^
Kinuha ko lang yung notebook ko tapos babalik na sana ako ng makita ko si Ara sa open field na biglang natumba. Pababayaan ko lang sana kasi akala ko na out of balance lang siya pero parang napansin kong namimilipit siya sa sakit. Tumakbo ako para tignan siya.
Ara's POV
Naglalakad ako dito sa open field, dito kasi ako dadaan para mas malapit kasi malalate na ako sa klase kung sa hall way pa ako dadaan. Hindi naman kasi mainit kaya go na ako. Patuloy lang ako sa paglalakad ng makaabot na ako sa kalagitnaan ng field ng biglang sumakit ang tuhod ko.
Tumigil muna ako ng bahagya. Ginalawa galaw ang paa ko, minasahe ng konte pero hindi pa rin gumagaling. Mas lalo pa nga siyang sumasakit. Pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad ko pero natumba na lang ako dito sa gitna. Namimilipit na ako sa sakit pero pinilit kong huwag mag-ingay kasi ayokong malaman ng lahat na hindi pa talaga ako okay.
"Ara? Ara are you okay"
Tinignan ko kung sino tung tumatawag ng pangalan ko. Isang lalakeng tumatakbo papunta sa akin. He's wearing an archers' shirt, singkit ang mata and the way he runs, I know that it was Torres.