Ara's POV
"Daks, si Thomas kasi na confine sa hospital kahapon pagkatapos ka niyang iligtas" Mika.
Ngayon hindi ako mapakali habang papunta ako sa hospital na kung nasaan si Thomas. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman kong ito. Naguiguilty tuloy ako. Ayokong may mapahamak ng dahil sa akin.
Halos mag-iisang oras bago ako dumating sa hospital. Ba't ba kasi hindi mawala-wala ang traffic dito sa Maynila? Na-stress tuloy 'tong beauty ko.
Pagpasok ko sa loob ng hospital agad akong pumunta sa lobby para itanong ang room number ni Thomas. Iisang hospital lang naman kasi yung hospital namin ni Thomas at ang nalaman ko pa sa kabilang room ko lang pala si Thomas.
Agad akong tumakbo papunta sa room ni Thomas. Huminto muna ako sa tapat ng pinto bago pumasok sa loob. Inayos ko muna ang sarili ko. Composure Ara, composure. Huwag mong ipahalata kay Thomas na nag-aalala ka. Magpapasalamat ka lang at hindi ka nag-aalala, okay? Huminga na ako ng malalim at kumatok sa pinto.
*tok tok*
Bumukas na yung pinto.
"Ate Ara?"
Isang batang babae ang bumukas ng pinto. Kapatid siguro 'to ni Thomas. Ngumiti na lang ako sa kanya tsaka pinapasok niya ako sa loob.
Nakita ko agad si Thomas sa kama na nakahiga pero nakasandal sa headboard ng kama niya. SInalubong naman ako ng mga magulang ni Thomas.
"Magandang hapon po!" magalang kong bati sa mga magulang niya tsaka nag mano ako sa kanila.
"Finally! Nakilala ko rin ang "The Great Ara Galang" daddy ni Thomas.
"Hija! Salamat naman at okay ka na. Sana nag pahinga ka na lang" mommy ni Thomas.
"Okay na po ako. Nice meeting you both po. Magpapasalamat lang sana ako kay Thomas" pagpapaalam ko sa mga magulang niya.
"Nako hija, hindi mo kailangan magpasalamat. Kami nga dapat magpasalamat kasi nang dahil sa'yo nalaman din namin na gentleman din pala 'tong anak ko. Madalas kasi pilyo." Pabulong na sinabi sa akin ng mga magulang ni Thomas.
"Mom, dad, iwan na po muna natin sila. By the way ate Ara, Im Katrina pala. Ang pinakamagandang kapatid ni kuya Thom" pagpapakilala niya sa akin at inabot ang kamay niya.
"Hoy! Kat huwag feeler" sabat naman ni Thomas na nakikinig lang sa amin.
"Sige hija, iwan muna namin kayo" mommy ni Thomas.
Lumabas muna sila sandali. Wala muna akong ginawa hangang sa lumabas silang lahat at kami na lang ni Thomas ang naiwan. Nang makaalis na sila lumapit na ako kay Bansot tsaka binatukan ko siya.
"Aray naman Ara!" reklamo neto.
"Salamat ha! Hindi ko alam kung ano yung ginawa mo sa akin pero kung hindi siguro dahil sa'yo wala nang Ara Galang na nakatayo sa harapan mo ngayon."ako.
"OA mo Ara ha! Pero no worries, maliit na bagay lang yun" pagmamataas niya sa sarili.
"Oh sige na alis na ako. Mukhang okay ka naman eh"
Paalis na sana ako pero hinawakan niya ang mga kamay ko para mapigilan ako.
"Huwag muna Ara please" pakiusap niya sa akin.
"eh okay ka naman diba? Tsaka nakapagpasalamat na ako sa'yo kaya okay na!"
Ngumiti muna ako sa kanya na parang nang-aasar tsaka tumalikod na para umalis. Malapit na ako sa pinto ng bigla siyang sumigaw sigaw.
"Ouch! Ang sakit! Ara tulungan mo ko! Ang sakit talaga! Lumapit ka dito please" pagmamakaawa niya ulit.
Nataranta ako kasi alam kong kasalanan ko kung ano man ang nangyari sa kaniya. Hinding-hindi ko mapapatwad ang sarili ko kung malala ang sinapit niya.
"Saan ba ang masakit? Teka lang ha, tatawag lang ako ng doctor!"
"Huwag!" pinigilan niya ako.
"Bakit ba? Nako Thomas kung may mangyari sa'yo hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko!"
"Ikaw lang kasi ang makakagamot ng sakit ko" at nag pacute pa ang bansot kaya binatukan ko ng sobrang lakas.
"Aray naman Ara! Ano ba ang akala mo sa akin? Volleyball?" reklamo ng bansot.
Nag-stay na lang ako sandali dito sa hospital kasi wala naman akong pasok this afternoon. Kulang pa nga 'to sa lahat ng ginawa ni Thomas sa akin. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya pasasalamatan. Pinaki-usapan naman ako ng mga magulang niya na bantayan ko daw muna si Thomas dahil aasikasuhin lang nila ang bayarin sa hospital. Mas lalo tuloy akong nahiya kasi ng dahil sa akin gumastos pa sila.
"Oh ba't ganyan ang mukha mo?" tanong niya sa akin.
"Na-guilty lang ako. Hindi sana mangyayari sa'yo 'to kung hindi ako nag OA at tumakbo sa loob ng elevator. Sorry talaga Thomas ha!"
"Ars, enough blaming yourself please. Hindi mo naman ako pinilit na pumasok sa elevator eh. Kusa kong ginawa yun kaya its not your fault."Thomas.
Nagyakapan kami pero for sure friendly hug lang 'to noh!
"Ara diba promise ko sa'yo that I will be with you in every step of the way? Hindi kita iiwan." Thomas.
Tumango na lang ako. Gusto ko sanang maniwala pero ayoko nang umasa muli. Ayoko nang mahulog sa kanya kasi baka hindi na naman niya ako sasaluin. I think we are better off as friends. Nothing more and nothing less.
