IWHY Season 2 Part 29

528 40 28
                                    

Disclaimer. This is a work of fiction, Names, Characters, Business, Events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

(Irene's House )

Celeste: Thank you bryle, see you tomorrow?

Bryle: Yes. I will see you tomorrow. Please wag mong pahihirapan ang sarili mo ha, call me or go to the nearest shore para maisigaw mo lahat ng nararamdaman mo.

Celeste: Don't worry about me, baka hinahanap kana din ni Tita Calida, sorry kung inabala kita bryle.

Bryle: I'm sure maiintindihan naman ni Mom.

Celeste: Please don't tell your Mom, kung anong nakita mo kanina ( Sabay hawak sa mga kamay niya )

Bryle: Don't worry, I won't tell her it's not my story to tell and besides kilala mo naman ako.

Celeste: Thank you Bryle.

( Bongets House )

Alfonso: Grabe nakailang movie na tayo wala parin si Sandro at si Vinny.

Simon: Hayaan mo na Kuya, kasama naman nila si Dad.

Luiz: Teka tapos na ba? WHAAAAA!

Greggy: Ano ba yan nakakagulat kanaman!

Alfonso: Kanina pa ganyan yan Daddy, sa lahat ata ng pinanuod namin siya lang ang sumisigaw at saka may di pag taklob pa ng unan yan sa muka.

Greggy: Yan nga pala ang minana mo kay Mama mo, alam niyo ba dati pag nag mo-movie date kami ni Irene lagi kong pinipili ay mga horror movies ang cute kasi niya pag natatakot.

Alfonso: Buti nga Daddy at pinakasalan ka pa ni Mama ( Sabay tawa )

Luiz: Alam ko na kung kanina nag mana si Kuya Alfonso ng pag ka bully.

Simon: Halata naman Kuya Luiz

Greggy: Gwapo kasi ako kaya ako ang napiling pakasalan ni Mama niyo.

Luiz: So you're saying na madaming manliligaw noon si Mama?

Greggy: Oo, Alam niyo ba na sobrang ganda ng Mama niyo noon...

Luiz: So ngayon ba Dad hindi na?

Greggy: Lalo kasi siyang gumanda ngayon, hindi mo pa naman ako pinapatapos sa pag salita e.

Alfonso: Daddy nalimutan ko na yung story niyo kung paano kayo nag ka kilala pwede niyo ba ikwento?

Luiz: Pwede din ba Daddy na mag sleep over nalang tayo dito kila Tito Bongets. Hindi rin naman tumitigil ang ulan may bagyo ba?

Simon: Wala namang ibinalita na may bagyo.

Greggy: Pwede naman tayo dito mag over night kung hindi titigil ang ulan.

Alfonso: Madami pa tayong pwedeng panuorin at pwedeng pag kwentuhan. Pero Daddy ikwento niyo muna kung paano nga ba kayo nag kakilala ni Mama.

I Will Hold You Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon