IWHY Season 2 Part 34

461 40 24
                                    

Disclaimer. This is a work of fiction, Names, Characters, Business, Events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

( Condo )

Sandro: Tita naaalala niyo na po lahat?

Irene: Oo naalala ko naman.

Liza: ( Siniko ko agad si Sandro )

Simon: Buti naman Tita at maayos na po ang pakiramdam niyo pwede po ba sainyo ako mamaya tumabi sa pag tulog?

Vinny: Ako din hindi ako papayag na hindi ako kasikbay ni Tita.

Imee: Anong meron at bakit nag lalambing kayo ng maigi sa Tita niyo? Nako kung makakabalik lang ako mamaya sigurado ako wala kayong matutulugan.

Liza: Pero kailangan mo pading mag pahinga Ate Imee, Ilang araw ka ng walang tulog.

Imee: Ayos lang naman ako, kahit wala masyadong tulog ang mahalaga nabantayan ko naman si Irene.

Irene: Si Ate talaga, anong oras ka ba aalis Ate? Hindi ka ba ihahatid ni Kuya Rody?

Imee: Kinukuha lang niya yung sasakyan.

Liza: Boys ipag luto natin si Ate Irene sure akong gutom yan.

Sandro: Tita Irene ano po ba ang gusto niyong lutuin namin para sayo?

Irene: Kahit ano nalang kayo na ang bahala. Basta sarapan niyo ha.

Bongets: Wag ka mag-alala bunso mga chef yang mga yan.

Irene: Alam ko naman Kuya, hindi na ako mag tataka kung kanino nag mana.

Imee: Teka mauna na muna ako sainyo ha, nag text na si Rody e.

Bongets: Enjoy kayo ni Kuya Rody este ingat kayo ni Kuya Rody.

Irene: Si Kuya talaga ( Sabay tawa )

Imee: Hindi na mag babago yan Irene forever na yan ganyan.

Bongets: Joke lang naman e.

Imee: ( Kumaway lang ako sakanila at saka nag labas ng pintuan. Nag lakad na ako papuntang elevator at pag kabukas nito nakita ko si ...)

( Bryle's Car )

Bryle: Anong gusto mo?

Samantha: Cappuccino nalang. Kuha mo na din si Celeste pero Iced Amerikano ang bilhin mo sa kanya.

Bryle: Noted.

Samantha: ( Napalingon ako kay Celeste na mahimbing na natutulog, kinapitan ko ang aking cellphone at pinindot ang name ni Tita Irene sa aking phone ) Ano ba Samantha! Anong iniisip mo!! Bakit tatawagan mo si Tita Irene!! ( Sabay hawak sa ulo ) Nahihirapan akong nakikita kang ganito Celestina, araw-araw ka nalang malungkot at wala sa sarili mo! ( Konteng-konte nalang Celeste parang masasabi ko na kay Tita Irene yang mga sekreto mo. )

Bryle: Uyy! Bakit ka nakatulala kay Athena?

Samantha: H--Ha? Wa--Wala.

I Will Hold You Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon